[ JuLiUs ]
[ J E nnY ]
Sa lahat ng ayaw ko sa isang tao, ay ang mga taong hindi malawak at bukas ang isip sa lahat ng posibilidad na nangyayari sa ating mundo, lalo na kung ang isip na ito ay sa SARILI lang nila nakatuon.
Naiinis lang ako. Naiinis sa mga pagkakataong may mga taong gumagawa nito. Lalo naman kung dinadamay ako.
Kaya naman, hindi kahanga-hanga ang mga taong ipanagmamalaki nila ng husto ang kanilang nararating, dahil mas mabuti na hangaan ka dahil nakita ng isang tao na karapat-dapat kang tingalain, at hindi dahil sinabi mo na kailangan kang hangaan..
Sabi ko nga sa mga kaibigan kong TUNAY, hindi kita hinahangaan dahil sa kung sino ka nakilala ng marami, hindi sa kung anuman ang binansag say o, hindi sa kung anumang parangal ang natanggap mo, at lalong hindi sa kung ano ang kaya mong ibigay sa pagkakaibigang ito……Hinangaan ko ikaw bilang TAO at hindi dahil ikaw kung sino..
Isa pa, masaya naman ako na masaya ang mga “dating kaibigan” ko. Gayunpaman, hindi ko lang gusto na ang mga bagong elementong nakapagbibigay sa iyo ng ligaya ay sasarado na sa kalawakan ng iyong pag-iisip. Hindi naman yata patas na lagi na lang ako ang umiintindi at lagging ikaw ang uunawain sa lahat ng pagkakataon. Hindi ako nagsasawa. Pero baka ikaw naman ang nararapat na magbukas ng isip.
Ang kaligayahan sa mundong ito ay hindi perpekto, hindi supremo. Ngunit maaari pa rin tayong maging maligaya, kung alam natin na ang mga ginagawa natin ay naaayon at mabuti.
Hindi rin sa lahat ng pagkakataon, ang lahat ng maganda, ang lahat ng bago at ang lahat ng pisikal o material na bagay ay ang siya lamang na makapagbibigay sa atin ng ligaya. Oo kailangan natin ang mga ito ngunit hindi ito dapat ang magpagalaw ng buhay natin..
Marami tayong biyayang natatanggap na minsan ay hindi natin naipagpapasalamat. Para sa akin, biyaya ang magkaroon ng magkasama at responsableng magulang, pagkakaroon ng kahit konti ay mabuti at mapagkakatiwalaang kaibigan, ang pagtanggap ng karunungan, at higit sa lahat ang pagkakaroon ng maagang pagkakataon na kilalanin at marapatin ang aking pagkatao at sarili.
OO MAY INIISIP AKONG MGA TAO NOONG SINUSULAT KO ITO..SANA LANG AY MASAYA DIN SILA TULAD KO. TUNAY NA MASAYA.
Malungkot ako ngayon dahil may mga kaibigan na sadyang nawala sa akin, hindi dahil sa literal na malayo sila bagkus ay dahil sa nag-iba na sila.. gayunman masaya pa rin ako dahil alam ko na mabait talaga ang tadhana dahil higit pa sa nawala ang mga dumating, mga bagong taong ang turing ko ay KAIBIGAN, at ipinagpapasalamat ko ito.
Ang aking kumpanya ay handang magbigay sa iyo ng anumang uri ng pautang na iyong pinili kung maaari kang magbayad pabalik sa pagbabalik. Ang aming rate ng utang ay nababaluktot habang ibinibigay namin ang aming mga pondo sa pautang sa isang 3% na rate ng interes. Kami ay isang maaasahang tagapagpahiram at tinitiyak namin sa iyo na kung susundin mo ang aming hakbang sa hakbang na pamamaraan makakakuha ka ng iyong utang na aprubado at mailipat sa iyo. Huwag makipag-ugnay sa akin val: rebbecadonaldloancompany para sa higit pang mga detalye at kung paano ito gumagana
ReplyDeletePinakamahusay na alang
Mrs.Rebecca