Thursday, July 9, 2009
iSang tan0ng...maraming sagot ..?
Mayroong mga bagay sa punto ng ating buhay na tayo ay malungkot, na tayo ay balisa, na tayo ay tulala, na mainit ang ating ulo. Maaaring bunga ito ng pagod, ng pisikal na karamdaman o ng kung anu pa man na kayang ipaliwanag ng agham o pilosopiya. Ngunit minsan hindi natin matukoy kung ano ba ang tunay na dahilan ng mga di natural na manipestasyon na ito. Ang mga karanasang ito ay naranasan ko na, na para bang wala namang dahilan para maging malungkot ngunit mayroon sa puso o sa utak ko na parang wala, na parang gusto kong hanapin.
tinatanong ko sa sarili ko kung lahat ba ng taong nasa edad ko ay dumadaan sa ganitong kundisyon, puno ng mga katanungan sa isip. Tinatanong ko rin sa sarili ko, na minsan kung naiisip ko ay pinagtatawanan ko na lang, "MASAYA BA AKO?" o ito ba ay mga tanong lamang dahil mayroong pagkukulang.
Ilang taon kong pinagdusahan ang mga pangugulo ng mga halu-halong ideyang ito sa aking isip, sa aking konsensya. Matagal kong nalaman ang kasagutan. Matagal akong humantong sa kundisyon na matagal ko nang inaasahan.
Marahil ay tinatanong mo kung ano ba ang sinasabi ko kanina pa na mga gumugulo, o sasabihin kong 'gumulo' sa aking isip. Isang general na sagot ang aking maibibigay, hindi ko alam kung ano ang tunay na makakapagpaligaya sa akin, yung hindi ko lang basta pinipilit. ang sabi ko noon ay hindi ko kilala ang sarili ko at patuloy kong piapaskilsa isip ko ang isang imahe na hindi naman talaga ang tunay na ako. gayunman ay hindi ako nagpakita ng kahit na anong uri ng pagpapanggap o pagkukubli. ilang taong magulo ang isip ko.
isang solusyon, na hindi ko inakalang solusyon pala. inalis ko ang atensyon ko sa aking sarili. kung inyong malalaman, ang buhay ko noon ang tangi ko lamang na pinagkakaabal;ahan ay ang aking sarili, ang sarili ko, at ako. wala ng iba. sa isang mas kumplikadong paliwanag, binuksan ko ang aking mundo, sinubukan kong gawin ang mga bagay na hindi ko inakalang kaya ko palang gawin.
natuto akong makinig. yun bang hindi na pasok sa kanan, labas sa kaliwa. naniwala akong may punto ang mga konstruktibong mga kritisismo ng mga taong pinagbuksan ko ng puso at ng mga taong kilala ko at kilala ako. mas nakilala ko ang mundong ginagalawan ko sa pamamagitan ng pagpasok sa ibang mundo. ito ay hangga't alam ko na ang mundong pinasukan ko ay nananatili pa ring mabuti , at ang mga taong kapiling ko ay pinaniniwalaan kong mabuti, mabuti para sa akin. hanggang dumating ako sa puntong natanto ko na handa na ako.
nalaman ko na ang nag-iisang kasagutan sa pagkaramdam ko ng kakulangan, isang sagot na aali-aligid lamang, ngunit hindi ko lamang inaamin sa sarili ko na yaon na pala ang sagot.
ito ay ang PAGTANGGAP.
totoo ang mga nasasabi na kailangan mo munang tanggapin ang iyong sarili, ang iyong mga kalakasan at kahinaan, upang mas maging mabuting indibidwal, upang maging mabuting impluwensya sa iba.
hanggang sa ngayon ay patuloy pa rin akong lumalaban, kagaya ng paglaban ng bawat isa sa atin. Aaaminin ko na minsan ay dumadating pa rin ako sa puto ng kalungkutan, ngunit iba na ngayon. ito ay dahil mas alam ko na ang dahilan kung bakit, at isa itong bentahe upang kahit papaano sa sarili kong paraan ay maresolba ito. hindi ko na lang basta sisisihin ang sarili ko. at masaya ako dahil humantong ako sa ganitong sitwasyon.
minsan ay hindi uubra ang isang sagot sa isang tanong, dahil ika nga ay mayroong libong paraan upang alisin ang balat ng pusa, maraming paraan. at minsan ay mayroong higit sa isang sagot upang sagutin ang mga gumugulo sa ating konsensya.
ang kaligayahan ay hindi nahahanap, hindi ito basta nakakamit. ito ay isang premyo ng iyong puso sa iyong sarili dahil sa isang matagumpay na paglalakbay, at sa aking sitwasyon ang paglalakbay na ito ay ang pagkilala sa aking sarili.
tanungin mo ang iyong sarili, MASAYA KA BA?
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment