Thursday, July 9, 2009
Hindi ka sUpErhEro
[ k a p a l a r a n ]
maraming pagkakataon sa buhay natin ang hindi natin naisip o pinlano.
meron tayong mga kaibigan, ka-ibigan, magulang, kapatid, teacher, kaklase....na minsan tinatanong natin, sa dinami-dami ng tao sa mundo, bakit sila?
hindi natin alam minsan kung bakit nandito tayo ngayon sa kinalalagyan natin...
ang tawag dun, kapalaran. tadhana. isang ideya na nagsasabi sa atin na hindi natin hawak (o control) ang lahat ng bagay. hindi natin hawak ang mundo.
nagtatanong tayo, kasi merong parte sa buhay natin na hindi natin gusto, o nagbunga na hindi favorable sa atin...
meron akong kaibigan, itago na lang natin sa pangalang Jairus...
simula pa lang ng school year noong first year namin sa college, sinasabi nya na hindi sya para sa educ. iba ang gusto nya. meron syang plano. meron syang pangarap. pero dito sya dinala dahil wala na syang slot sa course na gusto nya..
natapos ang school year at pinroseso nya ang kanyang mga papeles para makapagshift sa college na yun. nagkakausap kami minsan kahit bakasyon at sinasabi nyang malaki ang pag-asa. nagpaalam na nga sya sa amin na mga kaibigan nya at mamimiss nya daw kami at ang educ. at basta sabi nya patuloy daw namin ang pagdarasal.
2 weeks bago magpasukan...sabi nya sa akin..
guess what?
sabi ko, ano? nakabuntis ka? (hahahahahaha)
sabi nya, tsk. kaasar naman eh. nahulaan mo. JOKE...educ na ako ulit..
sabi ko, weh?
at ayun nga, totoo... sa 300 na shifters, isa siya sa 7 na hindi nakapasok... sa pagkakakilala ko sa kanya, qualified naman sya, maganda naman ang standing nya...pero bakit ganun??
at ang nasabi ko na lang kay jairus, isipin mo na lang lahat ng bagay may dahilan, at yung dahilan na yun late na natin narerealize...
malungkot sa unang tingin...pero bakit nating kailangan mabuhay sa lungkot? bakit natin kailangang gumising sa umaga nang may pagsisisi?
lagi nating naririnig, That's Life. ganun talaga...minsan nakakainis...pero ang totoo, wala tayong choice...nangyari na ang nangyari..
hindi ko sinasabing wag nating planuhin ang bukas natin. hindi ko sinasabing wag tayong mangarap... ang sinasabi ko lang, hindi porke't hindi natupad ang lahat ng pinlano mo eh hindi ka na pwedeng maging successful at masaya...
Minsan, hindi natin kailangan kwestyunin o kontrahin ang 'kapalaran o tadhana' natin. Mas magiging masaya tayo kung yayakapin natin ang bawat maliit na detalye ng kung ano ang ipinagkakaloob sa atin...in that way, mas marerealize natin kung gaano tayo ka-blessed.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment