Wednesday, July 22, 2009

MGA TANONG NG TANGA

confusedman1SCENE 7:

GUSTO mo palipas muna tayo ng bagyo sa motel?”

‘Yan ang tanong ng almost– take note, ALMOST girlfriend ko sa akin.

Tanong na ikinatulala ko nang matagal.

Actually, hindi ko pa siya official GF. Nanliligaw pa lang ako kay Megan. At least, that’s what I thought.

Maybe I missed something somewhere? Dahil parang “kami” na nga mula kanina nu’ng umangkla siya sa braso ko from school nu’ng sinundo ko siya.

Ayoko pa ring umasa; paano kung mali ang kutob ko.

Alam ko ang iniisip n’yo sa akin: “Ang tanga naman nito.”

Isasagot ko sa inyo: “Slowly but surely.”

Bumagal nga ang mga pangyayari. Nakikisilong pa rin kami sa carenderia. Tuloy pa rin ang signal No. 3 na bagyo sa labas ng tindahan. Tumaas na nang tuluyan ang baha mula tuhod hanggang hita.

Ang alam ko ngayon, we need to go somewhere else. Hindi naman “Paano?” ang tanong niya, ‘di ba? Ang tanong niya, “Saan?” ‘Yan ang dapat kong sagutin. ‘Tsaka na ako mag-iisip ng sagot sa “Paano?”

Puro kabastusan kasi ang naiisip kong sagot diyan.

“Boss, magsasara na kami. Aabot na ang baha sa loob ng tindahan namin,” sabi ng katulong-looking girl na nag-serve sa amin ng softdrinks kanina.

“Ah, okey. Thank you,” sabi ko.

“So… paano na tayo?” Ang bagal mo naman,” tanong ulit ni Megan sa tonong nangungutya.

Iniisip ko napu-possess kaya siya? Or it’s just THAT time of the month na “tag-init” ang isang babae.

O malisyoso lang akong masyado. Hindi naman lahat ng nagmu-motel nag-aanuhan, ‘di ba?

O tanga nga siguro ako

No comments:

Post a Comment