Pwede ba tagalog dito?
Fist time ko mag-blog sa talagang "blogging site"
May nakapagsabi sa kin na ok ang site na ito. So subukan ko po.
blog..ndi ba ito young sound pag may biglang bumagsak? hmm..yun na siguro yun, mga ideas na biglang bumabagsak sa utak tapos type na lang...
pero madalas ko nakikita sa mga blog na to..puro tungkol sa love. hay nku wala na tlga tatalo sa topic na yan...magsusulat din ako tungkol dyan sa susunod. Meron din ako nakita mga tula..ewan ko kung sila tlga gumawa nun, kasi may nkita ako OK yung tula tapos nalaman ko na lang na lyrics pala ng kanta yun...nampucha akala ko malalim na tao na yun. Pero yun ang kagandahan sa blog..ndi mo kelangang maging malalim...kahit punuin mo ng smliey ok lang! parang sa testi may bulaklak pa di ba? Ndi kaya wala lang silang masabing maganda?
Naalala ko dati nung college pko sa mapua, yung english teacher namin, magaling...before magstart ang class..gawa daw kmi babbling...isulat daw namin kahit na anu nasa isip namin..kahit na ilang sentence or word lang...kaya nsulat ko tungkol sa dyip, sa byahe ko, sa pamasahe, sa pagkalate ko, sa taho na sobra sa arnibal.Pero habang tumatagal..nagkakasense yung pinapagawa samin, lam mo yun, mas napapansin ko na mga bagay sa paligid: kung bakit iba2 mga kasabay mo sa dyip araw2, kung bkit may malaking orasan sa city hall..at ang silbi ng underpass...at kung bakit may arnibal sa taho...at ang sago ay extra lang
tama na to haba na..blog!!
No comments:
Post a Comment