sa ngayon, isa kong dakilang magiting na tambay lamang --sa bahay :P ..walang trabaho, at mas maraming time sa harap ng computer kesa sa mga gawaing bahay..! kaya naman, i promised myself na kung mabibigyan ulet ako ng chance to go back to school.. mag aaral talaga kong mabuti! sa isang tabi muna ang barkada.. at chaka na lang ang lovelife! (hehe, tutal naman wala talaga kong balak eh!..) may hihihintay kase ako..yung ibibigay ni Papa God =)
as i recall my school life, (uh,that was a long time ago,barely 3 years had passed) pero marami din naman akong natutunan.. (kahit papano :) in particular na ang comparison ng "life" at nang "school life" kung panong parang.. may pagkakahaling tulad...
"Nalaman kong hindi final exam ang passing rate ng buhay. Hindi ito multiple choice, identification, true or false, enumeration or fill-in-the-blanks na sinasagutan kundi essay na isinusulat araw-araw. Huhusgahan ito hindi base sa kung tama o mali ang sagot, kundi base sa kung may kabuluhan ang mga isinulat o wala. Allowed ang erasures."
...kaya naman... sa mga magagaling at pasaway na estudyante jan!
"Mag-aral maigi. Kung titigil ka sa pag-aaral, manghihinayang ka pagtanda mo dahil hindi mo naranasan ang kakaibang ligayang dulot ng mga araw na walang pasok o suspendido ang klase o absent ang teacher (haaay, sarap!)."
"Nalaman kong marami palang libreng lecture sa mundo, ikaw ang gagawa ng syllabus. Maraming teacher sa labas ng eskuwelahan, desisyon mo kung kanino ka magpapaturo. Lahat tayo enrolled ngayon sa isang university, maraming subject na mahirap, pero dahil libre, ikaw ang talo kung nag-drop ka. Isa-isa tayong ga-graduate, iba't-ibang paraan. tanging diploma ay ang mga alaala ng kung ano mang tulong o pagmamahal ang iniwan natin sa mundong pinangarap nating baguhin minsan..."
"Sabi nila, sa kahit ano raw problema, isang tao lang ang makakatulong sa’yo – ang sarili mo. Tama sila. Isinuplong ako ng sarili ko. Kaya siguro namigay ng konsyensya ang Diyos, alam niyang hindi sa lahat ng oras e gumagana ang utak ng tao."
"Hindi lungkot o takot ang mahirap sa pag-iisa kundi ang pagtanggap na sa bilyon-bilyong tao sa mundo, wala man lang nakipaglaban upang makasama ka."
hmmp! :D kaya naman.. sang tabi ang good times at mag aral ng mabuti!
and cheers in advance!! as you write your own essay...your own life...!
GOODLUCK SATING LAHAT!!!!
kita kits sa finals,ha!
No comments:
Post a Comment