Ay Grabe ang saya saya lang naman ng klase namin with Maam Gualvez, sa Filipino...at ang topic nga naman ay komunikasyon...
At Isang Bagay ang Tiyak!! hahaha (favorite expression ni Maam yan)
May isang statement si Maam na talaga namang nag-register sa utak ko."SA MUNDONG ITO KAILANGAN MONG MAGPAKAPLASTIK"..oo tama ang nabasa nio at tama din naman ang pagkakarinig ko..
Kailangan daw ang kaplastikan. Dagdag pa niya, hindi uubra daw yung mga nagsasabi na "NAGPAPAKATOO LANG NAMAN AKO" dahil "HINDI NAMAN LAHAT NG TOTOO SA IYO AY MAGANDA, AT MINSAN DI LAHAT ITO AY DAPAT NATING IPAKITA". Ito ay dahil ang tao ay kailangang MAKIBAGAY.
Agree ka?
Actually, baka ang pinupunto ng prof ko ay ganito, kailangan nating maging sensitibo sa mga bagay na nangyayari at sa mga tao sa paligid natin; sensitibo sa maaari nilang reaksyon..
TULAD DIN NAMAN ng iba ang paraan ng pakikipag-usap natin sa mga ka-close natin at sa mga taong di natin masyadong kaibigan....gaya ng paraan ng pakikipag-usap natin sa professor at sa isang jeepney driver..
Baka naging marahas lamang si Maam sa paggamit ng salitang PLASTIK..
basta ako, nasabihan at naparatangan na ako na isang plastik! peste yan ang sakit ha!! akalain mo yon, sabihan ba naman akong plastik? (chaka nun! hahahah!)
Hindi na alam ng lipunan ang kaibahan ng pagiging totoo, sinungaling, prangka, plastik at senseitibo..
Hindi kahanga-hanga ang mga nagpapakita ng mga negatibo sa kanila, at sasabihing nagpapakatotoo lang naman sila...ibig sabihin, sinara na nila ang pagiisip nila sa kung ano ang gusto nila, kahit minsan ay mali naman ito...Halimbawa, balbal ka kung magsalita..at sa kahit sinong kausap mo ay balbal ka..gagawin mong dahilan na ganoon ka na eh, wala ka nang magagawa.."Ganito na Ako"
MALI! Hindi mo na binigyan ng pagkakataon ang iba at ang sarili mong tignang ang kun anung mali sa yo, at baguhin yon..Isa itong paraan ng pangungunsinti..
Minsan kailangan nating maging 'plastik' ('sensitibo' ang mas tamang termino) kung ang pakay natin ay maganda...
Hindi matatawag na kaplastikan ang pag-iisip sa mararamdaman ng kapwa, kaya pipiliin mo ang mga sasabihin mo sa kanya...
Alamin ang tama, ang mabuti (sosyolohikal at moralistoko) , Gawin ito!
Alisin ang tapaoo (yung suot ng kabayo para diretso lang ang direksyon nia)! Maging Open-Minded!
Wag kang Magmaganda! Wag kang Umarte! whahaha!
No comments:
Post a Comment