Paano nga ba kumita ng pera sa internet?
Yan ang palaging tinatanong ng mga taong may sapat na curiousity at lakas ng loob para sumubok ng bago at naiibang bagay. Kung nababasa mo ito ngayon ay isa ka sa kanila at ang mga mababasa mo dito sa blog na to ay tungkol sa kung paano kumita ng pera sa internet? HINDI po ito Paid-to-Clik! Although dini-discuss ang topic sa mga PTC sa ibang pahina nitong blog na to. Ang layunin ng blog na to para sa mga tagabasa or readers ay matuto ang pangkariniwang pinoy ng blogging at mula sa pagbla-blog ay kumita ng pera sa internet.
Excuse me po!
Sa mga dati nang sumusubaybay dito sa ' pera sa internet ', excuse me po ha, hehe, ang post po na ito ay ang intro para sa mga baguhan pa lang dito. Dumadami na po kasi ang napapadpad sa blog ko na to eh. Salamat po!
Sa mga bagong readers po na nagmamadaling malaman ang mga hakbang or steps kung paano kikita (dollars $$) gamit ang blog ay pwede na po kayo dumiretso dyan sa gawing kanan ng pahinang ito. May mga link po dyan pakihanap na lang. O kaya naman po ay pwede po kayo magpatuloy sa pagbabasa ngayon dito sa pahinang ito.
Obserbasyon.
Base sa sarili kong obserbasyon sa mga Filipino internet users, ang karamihan sating mga Pinoy ay ginagamit lamang ang internet para maglaro ng online games at maliit na bahagi lamang ang gumagamit ng internet para sa komonikasyon at business. Ang pinagbasehan ko po sa obserbasyong ito ay ang mga internet cafe na aking napuntahan at ilang pagtatanong sa mga bantay ng mga nasabing internet cafe. At karamihan po ng mga internet users ay mga edad 7 hanggang 40 at lahat ng yan ay Friendster, Yahoo messenger, online games, lang ang inaatupag.
Posibilidad.
Ang tsansa o posibilidad para ang isang pinoy ay kumita ng pera sa internet ay depende sa kanya.
Kung ang pang-unawa, pananaw, pag-iisip mo ay makitid eh lalong mas makitid ang tsansa o posibilidad na kumita ka dito sa internet.
Pero kung ang pang-unawa, pananaw, pag-iisip mo ay malawak eh lalung mas malawak at walang katapusan ang iyong posibilidad at pagkakataon na kumita sa internet.
Posibleng Mangyari Sayo Sa Pagbla-blog.
May mga blogger na kumita at patuloy na kumikita online ng malaki sa pagbla-blog sila yung mga hindi sumuko sa halip ay lumaban, hindi nag-ubos ng oras sa paninira sa halip ay patuloy na gumawa, hindi nagsawa sa halip ay nagpatuloy sa muling pagsisimula.
At marami rin ang mga sumubok at nabigo, sila yung mga sumuko, nag-ubos ng oras sa paninira at mga nagsawa.
Ngayon, saan ka dyan mapapabilang?
Oras at panahon lang ang makapagsasabi. . .
Sige na po. Humayo na po kayo at subukang magparami ng pera sa internet. hehe. Importante nga po pala na wag masyado seryoso at O.A., ok? okey...
Maaari na at pwedeng pwede na po kayong gumagala-gala sa blog na 'to. Feel free to look around, you might found the key to the door leading to the room you've always wanted to be in.
Good luck po!
Cheers!
Are you looking for an online job?
ReplyDeleteHere is a data encoding job available for you that is completely hassle free..
You can spend more time with your loved ones...
No bosses and no end-to-meet deadlines...
For more details, kindly visit http://www.unemployedpinoys.com/