Thursday, July 9, 2009

[ dEaL Or nO dEaL ]

Ang Deal or No Deal ni Kris Aquino ang paboritong palabas ng pinakamamahal kong lola... Madalas lagi nyang sigaw, "Deal na! Deal na, baka mawala pa yan" dahil baka nga naman daw mawala pa eh pera na...sa gameshow na ito kailangan madiskarte ka...it's either you will take the risk o magdi-deal ka na para sigurado...

Hindi ko alam na ganun din pala ang rules na sa panahong ito ay bumabagabag sa isip ko...Akala ko madali lang...akala ko isang YES at isang GO lang...yun pala, hindi din ganun kadali..

ano nga ba ang tinutukoy ko?

Dumating na ang oras na matagal kong hinintay at pinagdasal. Isang sitwasyon na magdidirekta kung saan kami talaga tutungo ng panghabang buhay..kung ano nga ba talaga ang subject na ituturo namin bilang mga teacher.. Parang madali lang diba? parang akala mo walang kwenta...

May ilang tao nasa educ pero ayaw naman nila magturo. May ilang tao na natanggap sa english at math pero wala naman silang plano na i-pursue ito. May ilang tao na bigo sa qualifying exam. May ilan na napasok sa isang major na hindi naman nila pinlano. at syempre meron din naman na masasabing successful kasi pumasa sila sa gusto nilang major.

ako, pumasa ako sa math, pumasa ako sa english.

pero syempre magkaiba ang mga status ko sa dalawang major...status sa aptitude ko (based sa qualifying exam) at sa interest ko (based sa sarili ko)

kung iisipin mo diba parang wala ng problema? parang dapat masaya na!

pero ganito kasi ang sitwasyon! kailangan kong mamili sa dalawang kainan...ang una ay sa isang hotel na tatratuhin kang hari, nasa itaas..pero hindi mo gusto ang lasa ng pagkain na hinahain lahat sa yo ng libre...ang isa ay isang karinderya sa maalinsangang kalye pero andun ang paborito kong ulam na kahit araw-araw mong kainin ay ayos lang sayo...

parang madali lang, pero siguro tama ang isang kaibigan...sabi nya tatlo lang ang dapat ituro sa paggawa ng desisyon, ang puso, ang utak at ang taas...hindi kagaya sa deal or no deal na puso lang ang susundin mo...

pero anu't anu pa man...hindi ko ito kinukwestyon...dahil ang katotohanan ay dapat maging grateful ako kasi overflowing ang blessings ni God...

lesson na natutunan ko, sa buhay, walang safe zone..

at kung sa deal or no deal madaming nanghihinayang dahil mas malaki sana ang napanalunan kung di nagdeal agad, eh wala na tayong dapat pang pagsisihan...desisyon natin ang dahilan ng mga mangyayari sa tadhana natin...

kung panalo ka sa laro, eh di magaling..kung sa tingin mo naman talo ka, isipin mo na pumunta ka sa gameshow ng wala kang puhunan..bakit di ka na lang maging masaya sa napanalunan mo...

ganun din sa buhay, kailangan nating tanggapin ang katotohanan na ang lahat na meron tayo, kayamanan, karunungan, talento o anupaman...lahat ng ito ay sya ng gantimpala...tayo na lang ang bahala kung pano natin titignan at gagamitin ito...

kailangan mong magdesisyon..

at madalas, may mabibitawan ka...may masasakripisyo ka...

dahil hindi lahat ng biyaya ay dapat nating kamkamin...madami tayong pinaglaanan nito...

pero sa huli ang basehan lang naman kung tama ang naging desisyon mo..ay ang pagtatanong sa sarili mo ng..

eh masaya ba ako?

At sana lang balang araw ang sagot ko ay OO, sa importanteng desisyon na ngayon ay gagawin ko...

No comments:

Post a Comment