Friday, July 31, 2009

.. [] /amp [] ..?

wlang kwenta
its a sad day nmn



b0ring ...

Sunday, July 26, 2009

sayang na pagkakataon

wala lang akong magawa ngayon, kaya nagsulat nalang ako ng nararamdaman ko…

sayang talaga ang mga nangyari noon,… hindi ko na pwedeng ibalik dahil nasarhan na ako ng pintuan ng puso niya.. mayroon na siyang iba ngayon, at yun ang buhay niya,… ang bago niyang buhay ngayon ay iba na sa dati.. hindi na kami pwdeng magkita, dahil bawal.. wala ng pag-uusap na mangyayari, dahil bawal na sa bahay nila.. wala ng pagpapadala ng mensahe sa cellphone, dahil minsan nalang siya gumagamit nito.. wala na yung mga masasayang pangyayari sa buhay ko dahil wala na ang kaligayahan ng buhay ko..

hahayyy ang buhay nga naman.. parang minsan lang yun na tinatawag niya pa akong anghel at tinatawag ko siyang sanggol.. ngayon ay nawala na iyon lahat.. ang taong tanging minahal ko ng lubusan ay kinuha na sa akin, at ang pangako namin noon na maghihintay sa bukas, iyong bukas na pwede na kaming magsama, ay kinalimutan niya, at naghanap ng iba..

ngayon, nalaman ko na may bago siya, ay lubos akong natawa, ngunit sa dulo ng tawang iyon, ay mga luha na noon ko pa sana gustong ipalabas. pero ang sabi niya, ay wala lang daw iyon, pero kahit nasabi niyang wala lang iyon, ay nasaktan parin ako, dahil kinalimutan niya ang pangako niya sa akin..

bakit ba siya ganoon.. wala naman akong galit sa kanya, pero hindi ko tlaga siya makalimutan.. sa sandaling panahong iyon, ay naranasan ko ang umibig…

at sa panahong iyon, akala ko alam ko na lahat ang tungkol sa pag-big, na masasabi ko na experto na ako sa bagay na iyon, pero mali pala ako.. marami pa akong hindi alam…

noon, akala ko, dahil ayaw ko siyang mawala sa buhay ko pag sobrang mahal ko na siya, ay binaliwala ko nalang siya habang bago pa kami, dahil baka hindi ko makayang mwala siya pag sobra na ung pagmamahal ko sa kanya..

ang hindi ko alam, ay sa simulat simula pa ng pag ibig namin, ay labis ko na siyang minahal.. kaya ng sumuko na siya sakin, saka ko palang naisip iyon.. na pinakawalan ko ang taong mahal na mahal ko…

ngayon, nagsisisi na ako, pero wala na akong magawa.. may kandado na ang puso niya sa akin, at hindi ko na alam ang paraan para mabuksan ulit iyon.. sana kung saan man siya ngayon, ay maligaya siya,,.. dahil ako, ay maligayang maligaya, dahil siya ang una kong pag-ibig, at ang iniibig ko hanggang ngaun..

pero bago ko ito tapusin, mayroon lang akong tanong na hindi ko kayang sagutin,….

MAHAL NIYA BA AKO?

MINAHAL NIYA BA TALAGA AKO?

O AKO LANG ANG NAGMAHAL SA KANYA?

TAMA BA AKO, NG MINAHAL KO SIYA?

Friday, July 24, 2009

bLoggEr

Pwede ba tagalog dito?

Fist time ko mag-blog sa talagang "blogging site"
May nakapagsabi sa kin na ok ang site na ito. So subukan ko po.

blog..ndi ba ito young sound pag may biglang bumagsak? hmm..yun na siguro yun, mga ideas na biglang bumabagsak sa utak tapos type na lang...

pero madalas ko nakikita sa mga blog na to..puro tungkol sa love. hay nku wala na tlga tatalo sa topic na yan...magsusulat din ako tungkol dyan sa susunod. Meron din ako nakita mga tula..ewan ko kung sila tlga gumawa nun, kasi may nkita ako OK yung tula tapos nalaman ko na lang na lyrics pala ng kanta yun...nampucha akala ko malalim na tao na yun. Pero yun ang kagandahan sa blog..ndi mo kelangang maging malalim...kahit punuin mo ng smliey ok lang! parang sa testi may bulaklak pa di ba? Ndi kaya wala lang silang masabing maganda?

Naalala ko dati nung college pko sa mapua, yung english teacher namin, magaling...before magstart ang class..gawa daw kmi babbling...isulat daw namin kahit na anu nasa isip namin..kahit na ilang sentence or word lang...kaya nsulat ko tungkol sa dyip, sa byahe ko, sa pamasahe, sa pagkalate ko, sa taho na sobra sa arnibal.Pero habang tumatagal..nagkakasense yung pinapagawa samin, lam mo yun, mas napapansin ko na mga bagay sa paligid: kung bakit iba2 mga kasabay mo sa dyip araw2, kung bkit may malaking orasan sa city hall..at ang silbi ng underpass...at kung bakit may arnibal sa taho...at ang sago ay extra lang

tama na to haba na..blog!!

Wednesday, July 22, 2009

[ stript dart ]

NAALALA KO minsang nag-iinuman kami ng tropa at batung-bato na sa mga kuwentong paulit-ulit habang nagda-darts. May nag-suggest na maglaro kami ng kakaibang laro:

STRIP DART.

Simple lang ang rules:

  1. Iinom ng isang basong beer bago tumira sa dart board.
  2. Babato ng tig-dalawang darts ang bawat kasali sa laro.
  3. Ia-add ang total points ng dalawang throws.
  4. Everyone will have one turn to throw.
  5. Ang pinakamababang score pagkatapos ng isang round ng batuhan ay mag-aalis ng isang saplot na nakasuot sa katawan.

Ala-una na ng madaling araw. Nasa garahe kami ng isang bahay. Pumayag ang lahat. Mga walo kaming tipsy na kasali sa kaistupiduhang ito.

Unang round: tanggalan ng relo, singsing, kuwintas, cellphone at sapatos ang mga lowest score. Easy. Tawanan ang lahat.

Round two: T-shirts, medyas, sinturon. Tawanan pa rin.

Pangatlong round: Heto na ang unang biktima na may pinakamababang iskor. Nakapantalon na lang siya kaya ito na ang susunod na matatanggal. Tawanan lalo. Alaskahan nang todo. “Hubad naaaa! Hahaha!”

Susunod kaya siya sa pinagkasunduan? Sa kanya nakasalalay ang tagumpay ng palaro.

“’Tang-ina ‘pag hindi kayo sumunod, yari kayo sa akin!” sabay tanggal ng jeans. Halakhakan ang lahat! Tahulan ang mga aso sa labas. Parang nakikitawa rin sa hitsura ng isang mataba na ari na lang ang may takip.

Round four and five: Naka-underwear na lang ang lahat by this time. Maginaw na ang hangin. Pero tawanan pa rin tuwing may nakakapansin ng mga bilbil sa tiyan, hindi pantay-pantay na kulay ng balat dahil sa sinag ng araw at mga parte ng katawang maraming balahibo kahit hindi dapat.

Round six: May tao sa gate! “Tao poooo!”

Si Mang Cando, isang respetadong manginginom ng baranggay. Pumasok siya bigla sa gate gaya nang nakagawian niya sa bahay na ‘yun. Akala niya kakilala niya ‘yung mga nag-iinuman.

Hindi na kami nakakilos lahat. Lasing. Hubad. Nilalamig. Paano?

Napatigil kami. Napatigil din si Mang Cando sa nakita niya: Mga hubad na lasing sa kanyang harapan.

Puro kami lalaki.

“Yaaaaaaahhhh!!!” nagsisigaw siyang tumakbo palabas ng bahay.

“Putang-ina! Mga bakla! Patawarin kayooo!!!”

Mula noon hindi na siya uminom ng alak.

Hindi na rin kami nag-darts.

Pero tuwing nakikita namin si Mang Cando, kinikindatan namin siya.

Sabay tawa.

MGA TANONG NG TANGA

confusedman1SCENE 7:

GUSTO mo palipas muna tayo ng bagyo sa motel?”

‘Yan ang tanong ng almost– take note, ALMOST girlfriend ko sa akin.

Tanong na ikinatulala ko nang matagal.

Actually, hindi ko pa siya official GF. Nanliligaw pa lang ako kay Megan. At least, that’s what I thought.

Maybe I missed something somewhere? Dahil parang “kami” na nga mula kanina nu’ng umangkla siya sa braso ko from school nu’ng sinundo ko siya.

Ayoko pa ring umasa; paano kung mali ang kutob ko.

Alam ko ang iniisip n’yo sa akin: “Ang tanga naman nito.”

Isasagot ko sa inyo: “Slowly but surely.”

Bumagal nga ang mga pangyayari. Nakikisilong pa rin kami sa carenderia. Tuloy pa rin ang signal No. 3 na bagyo sa labas ng tindahan. Tumaas na nang tuluyan ang baha mula tuhod hanggang hita.

Ang alam ko ngayon, we need to go somewhere else. Hindi naman “Paano?” ang tanong niya, ‘di ba? Ang tanong niya, “Saan?” ‘Yan ang dapat kong sagutin. ‘Tsaka na ako mag-iisip ng sagot sa “Paano?”

Puro kabastusan kasi ang naiisip kong sagot diyan.

“Boss, magsasara na kami. Aabot na ang baha sa loob ng tindahan namin,” sabi ng katulong-looking girl na nag-serve sa amin ng softdrinks kanina.

“Ah, okey. Thank you,” sabi ko.

“So… paano na tayo?” Ang bagal mo naman,” tanong ulit ni Megan sa tonong nangungutya.

Iniisip ko napu-possess kaya siya? Or it’s just THAT time of the month na “tag-init” ang isang babae.

O malisyoso lang akong masyado. Hindi naman lahat ng nagmu-motel nag-aanuhan, ‘di ba?

O tanga nga siguro ako

Tuesday, July 14, 2009

Monday, July 13, 2009

Friday, July 10, 2009

PaanO kUmita ng pEra sa intErnEt ?

Paano nga ba kumita ng pera sa internet?

Yan ang palaging tinatanong ng mga taong may sapat na curiousity at lakas ng loob para sumubok ng bago at naiibang bagay. Kung nababasa mo ito ngayon ay isa ka sa kanila at ang mga mababasa mo dito sa blog na to ay tungkol sa kung paano kumita ng pera sa internet? HINDI po ito Paid-to-Clik! Although dini-discuss ang topic sa mga PTC sa ibang pahina nitong blog na to. Ang layunin ng blog na to para sa mga tagabasa or readers ay matuto ang pangkariniwang pinoy ng blogging at mula sa pagbla-blog ay kumita ng pera sa internet.


Excuse me po!

Sa mga dati nang sumusubaybay dito sa ' pera sa internet ', excuse me po ha, hehe, ang post po na ito ay ang intro para sa mga baguhan pa lang dito. Dumadami na po kasi ang napapadpad sa blog ko na to eh. Salamat po!

Sa mga bagong readers po na nagmamadaling malaman ang mga hakbang or steps kung paano kikita (dollars $$) gamit ang blog ay pwede na po kayo dumiretso dyan sa gawing kanan ng pahinang ito. May mga link po dyan pakihanap na lang. O kaya naman po ay pwede po kayo magpatuloy sa pagbabasa ngayon dito sa pahinang ito.

Obserbasyon.

Base sa sarili kong obserbasyon sa mga Filipino internet users, ang karamihan sating mga Pinoy ay ginagamit lamang ang internet para maglaro ng online games at maliit na bahagi lamang ang gumagamit ng internet para sa komonikasyon at business. Ang pinagbasehan ko po sa obserbasyong ito ay ang mga internet cafe na aking napuntahan at ilang pagtatanong sa mga bantay ng mga nasabing internet cafe. At karamihan po ng mga internet users ay mga edad 7 hanggang 40 at lahat ng yan ay Friendster, Yahoo messenger, online games, lang ang inaatupag.

Posibilidad.

Ang tsansa o posibilidad para ang isang pinoy ay kumita ng pera sa internet ay depende sa kanya.
Kung ang pang-unawa, pananaw, pag-iisip mo ay makitid eh lalong mas makitid ang tsansa o posibilidad na kumita ka dito sa internet.
Pero kung ang pang-unawa, pananaw, pag-iisip mo ay malawak eh lalung mas malawak at walang katapusan ang iyong posibilidad at pagkakataon na kumita sa internet.


Posibleng Mangyari Sayo Sa Pagbla-blog.

May mga blogger na kumita at patuloy na kumikita online ng malaki sa pagbla-blog sila yung mga hindi sumuko sa halip ay lumaban, hindi nag-ubos ng oras sa paninira sa halip ay patuloy na gumawa, hindi nagsawa sa halip ay nagpatuloy sa muling pagsisimula.
At marami rin ang mga sumubok at nabigo, sila yung mga sumuko, nag-ubos ng oras sa paninira at mga nagsawa.
Ngayon, saan ka dyan mapapabilang?

Oras at panahon lang ang makapagsasabi. . .

Sige na po. Humayo na po kayo at subukang magparami ng pera sa internet. hehe. Importante nga po pala na wag masyado seryoso at O.A., ok? okey...

Maaari na at pwedeng pwede na po kayong gumagala-gala sa blog na 'to. Feel free to look around, you might found the key to the door leading to the room you've always wanted to be in.

Good luck po!

Cheers!
MariaH CarEY



JuLiUS


bOwOw n snOOp dOg

Thursday, July 9, 2009

iSang tan0ng...maraming sagot ..?











Mayroong mga bagay sa punto ng ating buhay na tayo ay malungkot, na tayo ay balisa, na tayo ay tulala, na mainit ang ating ulo. Maaaring bunga ito ng pagod, ng pisikal na karamdaman o ng kung anu pa man na kayang ipaliwanag ng agham o pilosopiya. Ngunit minsan hindi natin matukoy kung ano ba ang tunay na dahilan ng mga di natural na manipestasyon na ito. Ang mga karanasang ito ay naranasan ko na, na para bang wala namang dahilan para maging malungkot ngunit mayroon sa puso o sa utak ko na parang wala, na parang gusto kong hanapin.

tinatanong ko sa sarili ko kung lahat ba ng taong nasa edad ko ay dumadaan sa ganitong kundisyon, puno ng mga katanungan sa isip. Tinatanong ko rin sa sarili ko, na minsan kung naiisip ko ay pinagtatawanan ko na lang, "MASAYA BA AKO?" o ito ba ay mga tanong lamang dahil mayroong pagkukulang.

Ilang taon kong pinagdusahan ang mga pangugulo ng mga halu-halong ideyang ito sa aking isip, sa aking konsensya. Matagal kong nalaman ang kasagutan. Matagal akong humantong sa kundisyon na matagal ko nang inaasahan.

Marahil ay tinatanong mo kung ano ba ang sinasabi ko kanina pa na mga gumugulo, o sasabihin kong 'gumulo' sa aking isip. Isang general na sagot ang aking maibibigay, hindi ko alam kung ano ang tunay na makakapagpaligaya sa akin, yung hindi ko lang basta pinipilit. ang sabi ko noon ay hindi ko kilala ang sarili ko at patuloy kong piapaskilsa isip ko ang isang imahe na hindi naman talaga ang tunay na ako. gayunman ay hindi ako nagpakita ng kahit na anong uri ng pagpapanggap o pagkukubli. ilang taong magulo ang isip ko.

isang solusyon, na hindi ko inakalang solusyon pala. inalis ko ang atensyon ko sa aking sarili. kung inyong malalaman, ang buhay ko noon ang tangi ko lamang na pinagkakaabal;ahan ay ang aking sarili, ang sarili ko, at ako. wala ng iba. sa isang mas kumplikadong paliwanag, binuksan ko ang aking mundo, sinubukan kong gawin ang mga bagay na hindi ko inakalang kaya ko palang gawin.

natuto akong makinig. yun bang hindi na pasok sa kanan, labas sa kaliwa. naniwala akong may punto ang mga konstruktibong mga kritisismo ng mga taong pinagbuksan ko ng puso at ng mga taong kilala ko at kilala ako. mas nakilala ko ang mundong ginagalawan ko sa pamamagitan ng pagpasok sa ibang mundo. ito ay hangga't alam ko na ang mundong pinasukan ko ay nananatili pa ring mabuti , at ang mga taong kapiling ko ay pinaniniwalaan kong mabuti, mabuti para sa akin. hanggang dumating ako sa puntong natanto ko na handa na ako.

nalaman ko na ang nag-iisang kasagutan sa pagkaramdam ko ng kakulangan, isang sagot na aali-aligid lamang, ngunit hindi ko lamang inaamin sa sarili ko na yaon na pala ang sagot.
ito ay ang PAGTANGGAP.

totoo ang mga nasasabi na kailangan mo munang tanggapin ang iyong sarili, ang iyong mga kalakasan at kahinaan, upang mas maging mabuting indibidwal, upang maging mabuting impluwensya sa iba.

hanggang sa ngayon ay patuloy pa rin akong lumalaban, kagaya ng paglaban ng bawat isa sa atin. Aaaminin ko na minsan ay dumadating pa rin ako sa puto ng kalungkutan, ngunit iba na ngayon. ito ay dahil mas alam ko na ang dahilan kung bakit, at isa itong bentahe upang kahit papaano sa sarili kong paraan ay maresolba ito. hindi ko na lang basta sisisihin ang sarili ko. at masaya ako dahil humantong ako sa ganitong sitwasyon.

minsan ay hindi uubra ang isang sagot sa isang tanong, dahil ika nga ay mayroong libong paraan upang alisin ang balat ng pusa, maraming paraan. at minsan ay mayroong higit sa isang sagot upang sagutin ang mga gumugulo sa ating konsensya.

ang kaligayahan ay hindi nahahanap, hindi ito basta nakakamit. ito ay isang premyo ng iyong puso sa iyong sarili dahil sa isang matagumpay na paglalakbay, at sa aking sitwasyon ang paglalakbay na ito ay ang pagkilala sa aking sarili.

tanungin mo ang iyong sarili, MASAYA KA BA?

Utang na Loob.... tigiLan mko ..?



[ JuLiUs ]




[ J E nnY ]

Sa lahat ng ayaw ko sa isang tao, ay ang mga taong hindi malawak at bukas ang isip sa lahat ng posibilidad na nangyayari sa ating mundo, lalo na kung ang isip na ito ay sa SARILI lang nila nakatuon.

Naiinis lang ako. Naiinis sa mga pagkakataong may mga taong gumagawa nito. Lalo naman kung dinadamay ako.

Kaya naman, hindi kahanga-hanga ang mga taong ipanagmamalaki nila ng husto ang kanilang nararating, dahil mas mabuti na hangaan ka dahil nakita ng isang tao na karapat-dapat kang tingalain, at hindi dahil sinabi mo na kailangan kang hangaan..

Sabi ko nga sa mga kaibigan kong TUNAY, hindi kita hinahangaan dahil sa kung sino ka nakilala ng marami, hindi sa kung anuman ang binansag say o, hindi sa kung anumang parangal ang natanggap mo, at lalong hindi sa kung ano ang kaya mong ibigay sa pagkakaibigang ito……Hinangaan ko ikaw bilang TAO at hindi dahil ikaw kung sino..

Isa pa, masaya naman ako na masaya ang mga “dating kaibigan” ko. Gayunpaman, hindi ko lang gusto na ang mga bagong elementong nakapagbibigay sa iyo ng ligaya ay sasarado na sa kalawakan ng iyong pag-iisip. Hindi naman yata patas na lagi na lang ako ang umiintindi at lagging ikaw ang uunawain sa lahat ng pagkakataon. Hindi ako nagsasawa. Pero baka ikaw naman ang nararapat na magbukas ng isip.

Ang kaligayahan sa mundong ito ay hindi perpekto, hindi supremo. Ngunit maaari pa rin tayong maging maligaya, kung alam natin na ang mga ginagawa natin ay naaayon at mabuti.

Hindi rin sa lahat ng pagkakataon, ang lahat ng maganda, ang lahat ng bago at ang lahat ng pisikal o material na bagay ay ang siya lamang na makapagbibigay sa atin ng ligaya. Oo kailangan natin ang mga ito ngunit hindi ito dapat ang magpagalaw ng buhay natin..

Marami tayong biyayang natatanggap na minsan ay hindi natin naipagpapasalamat. Para sa akin, biyaya ang magkaroon ng magkasama at responsableng magulang, pagkakaroon ng kahit konti ay mabuti at mapagkakatiwalaang kaibigan, ang pagtanggap ng karunungan, at higit sa lahat ang pagkakaroon ng maagang pagkakataon na kilalanin at marapatin ang aking pagkatao at sarili.

OO MAY INIISIP AKONG MGA TAO NOONG SINUSULAT KO ITO..SANA LANG AY MASAYA DIN SILA TULAD KO. TUNAY NA MASAYA.

Malungkot ako ngayon dahil may mga kaibigan na sadyang nawala sa akin, hindi dahil sa literal na malayo sila bagkus ay dahil sa nag-iba na sila.. gayunman masaya pa rin ako dahil alam ko na mabait talaga ang tadhana dahil higit pa sa nawala ang mga dumating, mga bagong taong ang turing ko ay KAIBIGAN, at ipinagpapasalamat ko ito.
Ay Grabe ang saya saya lang naman ng klase namin with Maam Gualvez, sa Filipino...at ang topic nga naman ay komunikasyon...


At Isang Bagay ang Tiyak!! hahaha (favorite expression ni Maam yan)


May isang statement si Maam na talaga namang nag-register sa utak ko."SA MUNDONG ITO KAILANGAN MONG MAGPAKAPLASTIK"..oo tama ang nabasa nio at tama din naman ang pagkakarinig ko..

Kailangan daw ang kaplastikan. Dagdag pa niya, hindi uubra daw yung mga nagsasabi na "NAGPAPAKATOO LANG NAMAN AKO" dahil "HINDI NAMAN LAHAT NG TOTOO SA IYO AY MAGANDA, AT MINSAN DI LAHAT ITO AY DAPAT NATING IPAKITA". Ito ay dahil ang tao ay kailangang MAKIBAGAY.


Agree ka?


Actually, baka ang pinupunto ng prof ko ay ganito, kailangan nating maging sensitibo sa mga bagay na nangyayari at sa mga tao sa paligid natin; sensitibo sa maaari nilang reaksyon..

TULAD DIN NAMAN ng iba ang paraan ng pakikipag-usap natin sa mga ka-close natin at sa mga taong di natin masyadong kaibigan....gaya ng paraan ng pakikipag-usap natin sa professor at sa isang jeepney driver..

Baka naging marahas lamang si Maam sa paggamit ng salitang PLASTIK..


basta ako, nasabihan at naparatangan na ako na isang plastik! peste yan ang sakit ha!! akalain mo yon, sabihan ba naman akong plastik? (chaka nun! hahahah!)

Hindi na alam ng lipunan ang kaibahan ng pagiging totoo, sinungaling, prangka, plastik at senseitibo..


Hindi kahanga-hanga ang mga nagpapakita ng mga negatibo sa kanila, at sasabihing nagpapakatotoo lang naman sila...ibig sabihin, sinara na nila ang pagiisip nila sa kung ano ang gusto nila, kahit minsan ay mali naman ito...Halimbawa, balbal ka kung magsalita..at sa kahit sinong kausap mo ay balbal ka..gagawin mong dahilan na ganoon ka na eh, wala ka nang magagawa.."Ganito na Ako"

MALI! Hindi mo na binigyan ng pagkakataon ang iba at ang sarili mong tignang ang kun anung mali sa yo, at baguhin yon..Isa itong paraan ng pangungunsinti..

Minsan kailangan nating maging 'plastik' ('sensitibo' ang mas tamang termino) kung ang pakay natin ay maganda...

Hindi matatawag na kaplastikan ang pag-iisip sa mararamdaman ng kapwa, kaya pipiliin mo ang mga sasabihin mo sa kanya...


Alamin ang tama, ang mabuti (sosyolohikal at moralistoko) , Gawin ito!
Alisin ang tapaoo (yung suot ng kabayo para diretso lang ang direksyon nia)! Maging Open-Minded!

Wag kang Magmaganda! Wag kang Umarte! whahaha!

Handa ka naba ?



Napag-iisip isip mo na ba ito?

O isa ka sa kanila?



Isa ka sa kanila na walang pakialam, basta nabubuhay, basta may load at basta may syota?



Isa ka sa mga taong pinagtatawanan ang mga taong nagmamartsa mula sa mga pinagtatrabahuhang hacienda hanggang mendiola?



Isa ka sa mga nagmamayabang na salik ng lipunang bulag na sa sitwasyon ng bayan?



Isa ka sa mga nagwawalang bahala sa mga nangyayari sa ating bansa?







Hindi ka nakakatawa.

At lalong hindi kahanga-hanga.

At lalo naming hindi ok lang.




Isang kayabangan! Isang kahangalan!





Pero bakit ka tutulad sa kanila? Kung ikaw sa sarili mo kaya mong maghasik ng tunay na pagbabago!



Makiisa. Tumindig at isiwalat ang damdamin para sa bayan!

UMASA!




Ito na ang panahon ng pagbabago at walang mangyayari kung uupo ka lang at hindi makikialam! Magbasa. Magsaliksik. Magpahayag. Makiisa.



Ito ang iyong bansa, ito ang sumasalamin sa kaugaliang isinasabuhay mo, ito ang luklukan ng iyong lahi at ng iyong kaluluwa.




Ito ang iyong PILIPINAS!

Hindi ka sUpErhEro


[ k a p a l a r a n ]











maraming pagkakataon sa buhay natin ang hindi natin naisip o pinlano.

meron tayong mga kaibigan, ka-ibigan, magulang, kapatid, teacher, kaklase....na minsan tinatanong natin, sa dinami-dami ng tao sa mundo, bakit sila?

hindi natin alam minsan kung bakit nandito tayo ngayon sa kinalalagyan natin...


ang tawag dun, kapalaran. tadhana. isang ideya na nagsasabi sa atin na hindi natin hawak (o control) ang lahat ng bagay. hindi natin hawak ang mundo.


nagtatanong tayo, kasi merong parte sa buhay natin na hindi natin gusto, o nagbunga na hindi favorable sa atin...


meron akong kaibigan, itago na lang natin sa pangalang Jairus...

simula pa lang ng school year noong first year namin sa college, sinasabi nya na hindi sya para sa educ. iba ang gusto nya. meron syang plano. meron syang pangarap. pero dito sya dinala dahil wala na syang slot sa course na gusto nya..

natapos ang school year at pinroseso nya ang kanyang mga papeles para makapagshift sa college na yun. nagkakausap kami minsan kahit bakasyon at sinasabi nyang malaki ang pag-asa. nagpaalam na nga sya sa amin na mga kaibigan nya at mamimiss nya daw kami at ang educ. at basta sabi nya patuloy daw namin ang pagdarasal.

2 weeks bago magpasukan...sabi nya sa akin..

guess what?

sabi ko, ano? nakabuntis ka? (hahahahahaha)

sabi nya, tsk. kaasar naman eh. nahulaan mo. JOKE...educ na ako ulit..

sabi ko, weh?



at ayun nga, totoo... sa 300 na shifters, isa siya sa 7 na hindi nakapasok... sa pagkakakilala ko sa kanya, qualified naman sya, maganda naman ang standing nya...pero bakit ganun??

at ang nasabi ko na lang kay jairus, isipin mo na lang lahat ng bagay may dahilan, at yung dahilan na yun late na natin narerealize...


malungkot sa unang tingin...pero bakit nating kailangan mabuhay sa lungkot? bakit natin kailangang gumising sa umaga nang may pagsisisi?


lagi nating naririnig, That's Life. ganun talaga...minsan nakakainis...pero ang totoo, wala tayong choice...nangyari na ang nangyari..


hindi ko sinasabing wag nating planuhin ang bukas natin. hindi ko sinasabing wag tayong mangarap... ang sinasabi ko lang, hindi porke't hindi natupad ang lahat ng pinlano mo eh hindi ka na pwedeng maging successful at masaya...




Minsan, hindi natin kailangan kwestyunin o kontrahin ang 'kapalaran o tadhana' natin. Mas magiging masaya tayo kung yayakapin natin ang bawat maliit na detalye ng kung ano ang ipinagkakaloob sa atin...in that way, mas marerealize natin kung gaano tayo ka-blessed.

[ dEaL Or nO dEaL ]

Ang Deal or No Deal ni Kris Aquino ang paboritong palabas ng pinakamamahal kong lola... Madalas lagi nyang sigaw, "Deal na! Deal na, baka mawala pa yan" dahil baka nga naman daw mawala pa eh pera na...sa gameshow na ito kailangan madiskarte ka...it's either you will take the risk o magdi-deal ka na para sigurado...

Hindi ko alam na ganun din pala ang rules na sa panahong ito ay bumabagabag sa isip ko...Akala ko madali lang...akala ko isang YES at isang GO lang...yun pala, hindi din ganun kadali..

ano nga ba ang tinutukoy ko?

Dumating na ang oras na matagal kong hinintay at pinagdasal. Isang sitwasyon na magdidirekta kung saan kami talaga tutungo ng panghabang buhay..kung ano nga ba talaga ang subject na ituturo namin bilang mga teacher.. Parang madali lang diba? parang akala mo walang kwenta...

May ilang tao nasa educ pero ayaw naman nila magturo. May ilang tao na natanggap sa english at math pero wala naman silang plano na i-pursue ito. May ilang tao na bigo sa qualifying exam. May ilan na napasok sa isang major na hindi naman nila pinlano. at syempre meron din naman na masasabing successful kasi pumasa sila sa gusto nilang major.

ako, pumasa ako sa math, pumasa ako sa english.

pero syempre magkaiba ang mga status ko sa dalawang major...status sa aptitude ko (based sa qualifying exam) at sa interest ko (based sa sarili ko)

kung iisipin mo diba parang wala ng problema? parang dapat masaya na!

pero ganito kasi ang sitwasyon! kailangan kong mamili sa dalawang kainan...ang una ay sa isang hotel na tatratuhin kang hari, nasa itaas..pero hindi mo gusto ang lasa ng pagkain na hinahain lahat sa yo ng libre...ang isa ay isang karinderya sa maalinsangang kalye pero andun ang paborito kong ulam na kahit araw-araw mong kainin ay ayos lang sayo...

parang madali lang, pero siguro tama ang isang kaibigan...sabi nya tatlo lang ang dapat ituro sa paggawa ng desisyon, ang puso, ang utak at ang taas...hindi kagaya sa deal or no deal na puso lang ang susundin mo...

pero anu't anu pa man...hindi ko ito kinukwestyon...dahil ang katotohanan ay dapat maging grateful ako kasi overflowing ang blessings ni God...

lesson na natutunan ko, sa buhay, walang safe zone..

at kung sa deal or no deal madaming nanghihinayang dahil mas malaki sana ang napanalunan kung di nagdeal agad, eh wala na tayong dapat pang pagsisihan...desisyon natin ang dahilan ng mga mangyayari sa tadhana natin...

kung panalo ka sa laro, eh di magaling..kung sa tingin mo naman talo ka, isipin mo na pumunta ka sa gameshow ng wala kang puhunan..bakit di ka na lang maging masaya sa napanalunan mo...

ganun din sa buhay, kailangan nating tanggapin ang katotohanan na ang lahat na meron tayo, kayamanan, karunungan, talento o anupaman...lahat ng ito ay sya ng gantimpala...tayo na lang ang bahala kung pano natin titignan at gagamitin ito...

kailangan mong magdesisyon..

at madalas, may mabibitawan ka...may masasakripisyo ka...

dahil hindi lahat ng biyaya ay dapat nating kamkamin...madami tayong pinaglaanan nito...

pero sa huli ang basehan lang naman kung tama ang naging desisyon mo..ay ang pagtatanong sa sarili mo ng..

eh masaya ba ako?

At sana lang balang araw ang sagot ko ay OO, sa importanteng desisyon na ngayon ay gagawin ko...

[ rhym n bLUEs ]





im juLiUs 19 yrs 0ld ...

cErtifiEd rnb fans since im gradeschool
i love rnb track's ......






[ mY
FavOriTE [rnb] SingEr ]

[UshEr] - shE's my fav SingEr ..

UshEr s0ng: Nice and sLow..caught Up..u g0t it bad
cat u help me ..moving mountain..burn ..cofession[part 2]



[ 0der's rnb singEr ] n [ ph0tos ]

[ nELLY ]

dilemma feat.kelly r0wland
my place ft.jaheeim
h0t in here

Oo tama na..pErfECt kna.. [0_0]

Beauty.

Intelligence.

Magnanimity.


PERFECTION!


We all adhere to these ideas.

Una ang Kagandahan. Nabubuhay tayo ngayon sa mundo na para lamang sa magaganda, sa mapuputi, matangkad, maganda katawan, makinis at walang kung anumang elemento sa mukha. ito ang image na pinapakita ng mass media.


Pangalawa ang Katalinuhan. Sa panahon ngayon, ang tanging tanggap lamang sa karera ay ang may alam, may dunong.


Pangatlo ang Kabutihan. Hindi kumpleto ang lahat ng ito kung wala ang asal, sayang ika nga ang lahat kung wala nito...



Ang mas nakaka-pressure pa na katotohanan, para bang dapat meron ka lagi ng tatlong idea na ito...dapat perfect ka lagi...


pero pano kung hindi? dapat ba kinukutya ka na? dapat ka bang husgahan ng mga tao?


ang sagot, hinde!



lahat tayo nangangarap ng perfection, ng ideal! pero ang mali, hindi natin tanggap na ang buhay ay hindi ideal kaya hindi tayo handa sa kung ano ang totoo...



kaya tayo nagbabalat-maganda! at akala natin wala nang karapatan tawaging 'tao' ang mga taong may pagkukulang!!



there's nothing wrong with adhering to what is perfect. but then we should face the reality that the only thing that can make life perfect is acceptance!

..ang essay ng buhay..

sa ngayon, isa kong dakilang magiting na tambay lamang --sa bahay :P ..walang trabaho, at mas maraming time sa harap ng computer kesa sa mga gawaing bahay..! kaya naman, i promised myself na kung mabibigyan ulet ako ng chance to go back to school.. mag aaral talaga kong mabuti! sa isang tabi muna ang barkada.. at chaka na lang ang lovelife! (hehe, tutal naman wala talaga kong balak eh!..) may hihihintay kase ako..yung ibibigay ni Papa God =)

as i recall my school life, (uh,that was a long time ago,barely 3 years had passed) pero marami din naman akong natutunan.. (kahit papano :) in particular na ang comparison ng "life" at nang "school life" kung panong parang.. may pagkakahaling tulad...

"Nalaman kong hindi final exam ang passing rate ng buhay. Hindi ito multiple choice, identification, true or false, enumeration or fill-in-the-blanks na sinasagutan kundi essay na isinusulat araw-araw. Huhusgahan ito hindi base sa kung tama o mali ang sagot, kundi base sa kung may kabuluhan ang mga isinulat o wala. Allowed ang erasures."

...kaya naman... sa mga magagaling at pasaway na estudyante jan!
"Mag-aral maigi. Kung titigil ka sa pag-aaral, manghihinayang ka pagtanda mo dahil hindi mo naranasan ang kakaibang ligayang dulot ng mga araw na walang pasok o suspendido ang klase o absent ang teacher (haaay, sarap!)."

"Nalaman kong marami palang libreng lecture sa mundo, ikaw ang gagawa ng syllabus. Maraming teacher sa labas ng eskuwelahan, desisyon mo kung kanino ka magpapaturo. Lahat tayo enrolled ngayon sa isang university, maraming subject na mahirap, pero dahil libre, ikaw ang talo kung nag-drop ka. Isa-isa tayong ga-graduate, iba't-ibang paraan. tanging diploma ay ang mga alaala ng kung ano mang tulong o pagmamahal ang iniwan natin sa mundong pinangarap nating baguhin minsan..."

"Sabi nila, sa kahit ano raw problema, isang tao lang ang makakatulong sa’yo – ang sarili mo. Tama sila. Isinuplong ako ng sarili ko. Kaya siguro namigay ng konsyensya ang Diyos, alam niyang hindi sa lahat ng oras e gumagana ang utak ng tao."

"Hindi lungkot o takot ang mahirap sa pag-iisa kundi ang pagtanggap na sa bilyon-bilyong tao sa mundo, wala man lang nakipaglaban upang makasama ka."

hmmp! :D kaya naman.. sang tabi ang good times at mag aral ng mabuti!

and cheers in advance!! as you write your own essay...your own life...!

GOODLUCK SATING LAHAT!!!!

kita kits sa finals,ha!

Sunday, July 5, 2009

January 18th ...2009

“kung wala kang alam sa buhay ng dalawang tao o kahit pa man may alam ka sa isa sa kanila, wala ka pa rin sa tamang lugar para lagyan ng kahulugan ang mga kilos nila”

“Pag pinag-aagawan ka, malamang maganda o gwapo ka. Sumama ka sa mabuti, di sa mabait. Sa marunong, di sa matalino. Sa mahal ka, di sa gusto ka.”

“Ang pag- ibig parang imburnal..nakakatakot mahulog, at kapag nahulog ka, it’s either by accident or talagang tanga ka.”

“Ang tenga kapag pinagdikit korteng puso.. Extension ng puso ang tenga kaya kapag marunong kang makinig, marunong kang magmahal”

“Alam mo ba kung gaano kalayo ang pagitan ng dalawang tao pag nagtalikuran na sila? kailangan mong libutin ang buong mundo para lang makaharap ulit ang taong tinalikuran mo.”

“Kung dalawa mahal mo, piliin mo ang pangalawa,kasi hindi ka naman magmamahal ng iba kung mahal mo na talaga ang una”

“mahirap pumapel sa buhay ng isang tao, lalo na kung hindi ikaw ang bida sa script na pinili niya”

“Kapag di ka mahal ng taong mahal mo, huwag kang magreklamo. Kasi, may mga tao rin na hindi mo mahal pero mahal ka kaya quits lang.”

“Parang elevator lang yan eh. bakit mo pagsisiksikan yung sarili mo kung wala ng pwesto para sayo, eh meron namang hagdan, ayaw mo lang pansinin.”

“hindi porke’t madalas mong ka-chat, kausap sa telepono, kasama sa mga lakad o ka-text ng wantusawa eh may gusto sayo at magkakatuluyan kayo, meron lang talagang taong sadyang friendly, sweet, flirt, malandi, pa-fall o paasa.”

“pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo na..malay mo sa mga susunod na araw, ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang”

“Kung hindi mo mahal ang isang tao, wag ka nang magpakita ng motibo para mahalin ka niya.”

“walang taong manhid…hindi niya lang talaga maintindihan kung ano ang gusto mong iparating dahil ayaw mo siyang diretsuhin..”

“kahit ikaw ay parang bato na manhid at walang pakiramamdam, mag ingat-ingat ka naman, dahil kahit ganyan ka, hindi nasasaktan, kaya mo namang makasakit”

“Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin ang puso mo. Tumitibok lng yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag mong isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay! Tandaan mo: magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanansa lahat ng nangyar

MakahULUgang saLiTa

“Kung hindi mo mahal and isang tao, wag ka nang magpakita ng motibo para mahalin ka nya..”

“Ayokong nasasanay sa mga bagay na pwede namang wala sa buhay ko.”

“Hinahanap mo nga ba ako o ang kawalan ko?”

“…mas marami pa s’yang alam kesa sa nakasulat sa Transcript of Records n’ya, mas marami pa s’yang kayang gawin kesa sa nakalista sa resume n’ya, at mas mataas ang halaga n’ya kesa sa presyong nakasulat sa payslip n’ya tuwing sweldo.”

”…madaming teacher sa labas ng eskwelahan. desisyon mo kung kanino ka magpapaturo.”
“Nalaman kong hindi final exam ang passing rate ng buhay. Hindi ito multiple choice, identification, true or false, enumeration or fill-in-the-blanks na sinasagutan kundi essay na isinusulat araw-araw. Huhusgahan ito hindi base sa kung tama o mali ang sagot, kundi base sa kung may kabuluhan ang mga isinulat o wala. Allowed ang erasures.”

”Mag-aral maigi; Kung titigil ka sa pag-aaral, manghihinayang ka sa pagtanda mo dahil hindi mo naranasan ang kakaibang ligayang dulot ng mga araw na walang pasok o suspendido ang klase o absent ang teacher.”

“…ayokong sabihing susubok naman ako ng iba. Walang “iba”. Wala akong iiwan, meron lang babalikan. Kung meron mang iba sa ginawa ko, yun ay ang Bobong Pinoy. Kung may magsasabi man sa hinaharap na: “Sana nagpatawa ka na lang!” Yun ay opinyong handa kong tanggapin. Marami ang kaya at pwedeng gumawa ng mga isinusulat ko ngayon para sa mga mambabasa, pero ang gusto kong isulat at gawin para sa sarili, walang pwedeng tumupad kundi ako. Inumpisahan ko ang dialogue sa ikatlong libro para ipakilala sa mambabasa ang fiction. Umatras pa ‘ko ng bahagya sa ikaapat para mas maging kumportable sila dito. Sa mga susunod pa, pwede na siguro ako magtangka ng maikling kwento o nobela. Tulad ng pagsusulat ko, ayoko rin kasi malimitahan ang pagbabasa ng mga tao sa iisang klase ng libro…”

“iba ang informal gramar sa mali!!!”

“Masama akong tao, tulad mo, sa parehong paraan na mabuti kang tao, tulad ko.”

“Kung kabayo gagawa ng libro mahirap maging palaging politically correct para sa mga damo”

“Kung ako ay isang walang kwentang manunulat, english ang isusulat ko, para kahit anu anu ang sabihin ko hindi na nila mahahalata.. Kaya nga ako nagsulat sa tagalog para maintindihan ng mambabasa ang lahat ng sinasabi ko”

“Wag magmadali sa pag-aasawa. Tatlo, lima, sampung taon sa hinaharap, mag-iiba pa ang pamantayan mo at maiisip mong di pala tamang pumili ng kapareha dahil lang sa kaboses niya si Debbie Gibson o magaling mag-breakdance. Totoong mas importante ang kalooban ng tao higit anuman. Sa paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan sa eskwelahan e nagmumukha ring pandesal. Maniwala ka.”

“Hikayatin mo lahat ng kakilala mo na magkaroon kahit isa man lang paboritong libro sa buong buhay nila..dahil walang

mas nakakaawa pa sa mga taong literado pero hindi nagbabasa “

“Kung paniniwalaan namin kayo na hindi naglaro ng tubig kahit na basa ang damit n’yo, kayo ang niloloko namin; Hindi kayo ang nakapanloloko.”

“Para san ba ang cellphone na may camera? Kung kailangan sa buhay un, dapat matagal na kong patay.”

“Iba ang walang ginagawa sa gumagawa ng wala”

” Hikayatin mo lahat ng kakilala mo na magkaroon ng kahit isa man lang paboritong libro sa buhay nila. Dahil wala nang mas kawawa pa sa mga taong literado pero hindi nagbabasa. “ “Kumain ka na ng siopao na may palamang pusa o maglakad sa bubog nang nakayapak, pero wag na wag kang susubok mag-drugs. Kung hindi mo kayang umiwas, humingi ka ng tulong sa mga magulang mo dahil alam nila kung saan ang mga murang supplier at hindi ka nila iisahan.”

“Obligasyon kong maglayag, karapatan kong pumunta sa kung saan ko gusto, responsibilidad ko ang buhay ko.”

“Nalaman kong habang lumalaki ka, maraming beses kang madadapa. Bumangon ka man ulit o hindi, magpapatuloy ang buhay, iikot ang mundo, at mauubos ang oras.”

“Masama akong tao, tulad mo, sa parehong paraan na mabuti kang tao, tulad ko.”