“Kung hindi mo mahal ang isang tao, wag ka nang magpakita ng motibo para mahalin ka niya.”
“Hindi porke’t madalas mong ka-chat, kausap sa telepono, kasama sa mga lakad o ka-text ng wantusawa eh may gusto sayo at magkakatuluyan kayo. Meron lang talagang mga taong sadyang friendly, sweet, flirt, malandi, pa-fall o paasa..”
“Pag hindi ka mahal ng mahal mo wag ka magreklamo. Kasi may mga tao rin na di mo mahal pero mahal ka… Kaya quits lang.”
“Kung dalawa ang mahal mo, piliin mo yung pangalawa. Kasi hindi ka naman magmamahal ng iba kung mahal mo talaga yung una.”
“Mahirap pumapel sa buhay ng tao. Lalo na kung hindi ikaw yung bida sa script na pinili niya.”
“Ang pag-ibig parang imburnal… nakakatakot mahulog… at kapag nahulog ka, it’s either by accident or talagang tanga ka.”
“Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin ang puso mo. Tumitibok lang yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag mong isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay! Tandaan mo: magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo, kundi IKAW mismo!”
“Huwag magmadali sa babae o lalaki. Tatlo, lima , sampung taon, mag-iiba ang pamantayan mo at maiisip mong hindi pala tamang pumili ng kapareha dahil lang maganda o nakakalibog ito. Totoong mas mahalaga ang kalooban ng tao higit sa anuman. Sa paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan nagmumukha ding pandesal, maniwala ka.”
“Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawak ng iba.”
“Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang.”
“Huwag na huwag ka hahawak kapag alam mong may hawak ka na.”
“Parang elevator lang yan eh, bakit mo pagsisiksikan ung sarili mo kung walang pwesto para sayo. Eh meron naman hagdan, ayaw mo lang pansinin.”
“Kung maghihintay ka ng lalandi sayo, walang mangyayari sa buhay mo… Dapat lumandi ka din.”
“Pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo. Malay mo sa mga susunod na araw ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang.”
“Hiwalayan na kung di ka na masaya. Walang gamot sa tanga kundi pagkukusa.”
“Minsan kahit ikaw ang nakaschedule, kailangan mo pa rin maghintay, kasi hindi ikaw ang priority.”
“Bakit ka magpaparamdam sa taong hindi marunong makaramdam?
Wag kang magpakatanga sa taong hindi marunong magpahalaga.
Matuto kang sumuko at mang-iwan kung lagi ka naming sinasaktan.
Imbes na magtanong ka ng ‘Hindi pa ba sapat?’ Bakit hindi mo na lang kalimutan ang lahat?
Kung alam mong binabale-wala ka na, tanggapin mong nagsasawa na siya. .
Wag kang magpadala sa salitang ‘sorry’ at ‘ayokong mawala ka’. Kung totoo yun, papatunayan nya.”
“Minsan nililinlang ka na lang ng sarili mong damdamin na akala mo nasasaktan ka pa din. Pero ang totoo-naalala mo lang talaga yung pakiramdam nung nasaktan ka. Pareho lang din yun sa pag-aakalang mahal mo pa yung tao pero ang totoo- naiisip mo lang yung pakiramdam mo dati nung mahal mo pa siya.”
“Alam mo ba kung gaano kalayo ang pagitan ng dalawang tao pag nagtalikuran na sila? Kailangan mong libutin ang buong mundo para lang makaharap ulit ang taong tinalikuran mo.”
“Mas mabuting mabigo sa paggawa ng isang bagay kesa magtagumpay sa paggawa ng wala.”
“Hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohan, at hindi lahat ng hindi mo kayang intindihin ay kasinungalingan.”
“Pakawalan mo yung mga bagay na nakakasakit sa iyo kahit na pinasasaya ka nito. Wag mong hintayin ang araw na sakit na lang ang nararamdaman mo at iniwan ka na ng kasiyahan mo.”
“Gamitin ang puso para alagaan ang mga taong malalapit sa iyo. Gamitin ang utak para alagaan ang sarili mo.”
“Bakit ka matitiis sa taong alam mong sakit lang sa ulo mo? Wag mong ikulong ang sarili mo sa hawlang ginto pero sira ang kandado. Sino bang may sabing hindi madaling makahanap ng kapalit? Kahit ibon marunong maghanap ng bagong pugad, tao pa kaya?”
"Ang babae, nirerespeto, inaalagaan! Hindi yan PSP na bubunutin mo lang sa bulsa pag gusto mo ng paglaruan.Hindi yan IPOD na papakinggan mo lang kapag wala kang libangan. At hindi yan RED HORSE na pwede mong laklakin hanggang madaling-araw. Ang babae, marami mang arte sa katawan, hindi yan gadget para kolektahin at paglaruan."
"Pag pinag-aagawan ka, malamang maganda ka o gwapo ka.
Tandaan mo: Sumama ka sa mabuti, di sa mabait. Sa marunong, di sa matalino. Higit sa lahat, sa mahal ka, di sa gusto ka."
"pag pinag dugtong daw ang tenga ng tao.. korteng PUSO.
kaya sabi ni Pareng Bob.. Kung hindi ka marunong makinig..
hindi ka din marunong mag mahal.."
"Ano namang mapapala mo sa kakaisip sa nakaraan at sa mga pwede pang mangyari? Wala ka naman cgurong super powers para maibalik ang nakalipas na. Dapat matuto kang pahalagahan ang mga nangyayari sayo sa kasalukuyan. I-enjoy mo lang ang buhay. Wag kang Emo. Hindi ka talaga magiging masaya kung di mo tutulungan ang sarili mo. Natural lang na makaramdam ng lungkot paminsan-minsan pero ang pagiging miserable? Wag kang hibang, choice mo yan."
"Paano mo masasabing special ka sa isang tao kung ang bawat ginagawa niya sayo ay ginagawa din niya sa iba? "
"hindi biro ang pagbabasa, rite of passage to, pag natuto ka ibig sabihin nabinyagan ka bilang 'literate'. kaya mong magbasa ng mga kasinungalingan sa dyaryo, ng mga subtitles sa mga foreign movies at mag vandalism sa upuan ng bus"
"sabi nila kahit ano daw problema, isang tao lang ang makakatulong sa yo - ang sarili mo.... kaya siguro namigay ng konsensya ang dyos, alam nyang hindi sa lahat ng oras gumagana ang utak ng tao"
"minsan pala kailangan rin ang lakas para sabihing mahina ka.... ang karapatan kong madapa at bumangon sa buhay ng walang tatatawa, magagalit, magtatanong o magbibilang kung ilang beses na kong nagkamali at ilang ulit ako dapat bumawi"
"paghahangad ng diploma - ritual yon, tradisyon, sakramentong hinihingi ng lipunan para makapagtrabaho ka at kumita nang disente. at oo, para na rin respetuhin ka ng ibang tao"
"parang 'times up' ang reunion, 'pass your papers, finished or not'. oras na para husgahan kung naging sino ka o kung naging magkano ka"
"kung pumapasok tayo sa eskwela para lang makahanap ng trabaho at kumita ng pera balang-araw, di na nakakapagtaka kung bakit marami ang namamatay na mangmang. nakalimutan na ng tao ang kabanalan nya, na mas marami pa syang alam kesa sa nakasulat sa transcript of records nya, mas madami pa syang magagawa kesa sa nakalista sa resume nya at mas mataas ang halaga nya kesa sa presyong nakasulat sa payslip nya tuwing sweldo"
"habang lumalaki ka, maraming beses kang madadapa. bumangon ka man ulit o hindi, magpapatuloy ang buhay, iikot ang mundo at mauubos ang oras"
"marami palang libreng lecture sa mundo, ikaw ang gagawa ng syllabus. maraming teachers sa labas ng eskwelahan, desisyon mo kung kanino ka magpapaturo"
"ang liit at laki ay nasa isip lang. nasa pagsisikap lang yan"
"walang mangyayari sa buhay mo hanggat hindi ka tumitigil sa paninisi sa iba sa naging kapalaran mo"
"paggawa na ba ng kabutihan ang hindi paggawa ng kasamaan?
No comments:
Post a Comment