TAON: III | BILANG: 3 | DAMA:
Charity -tawag sa OT (overtime) na walang bayad, in short tinutulungan mo ang isang kumpanya para yumaman. Kaw nagcha-charity works ka ba?
Anong related nito sa next topic ko? wala lang hehehehe
o well, papel, efel, kamakailan nakatanggap ako ng comment mula sa isa kong fan. (hulols) Nyahahhaha. s’ya ay si Ar’o mula sa e-bahay n’yang may titulong batanglakwatsero
Nagpapatulong s’ya sa kanilang aralin ukol sa epekto ng blog sa mga mambabasa at manunulat nito. Mula sa kasaysayan nito patungo sa mga kahalagahan upang matunton ang ugat kung paano ito nakakaapekto sa emosyonal na bahagi ng blogger at ng mambabasa.
At dahil tayming na tayming ito dahil sa nais kong ilahad ngayon, at dahil nais kong makatulong ay gagawin ko ito.
UGAT – Nagsimula akong magblog tatlong taon na ang nakakalipas, nag umpisa ito matapos bumagsak sa College Entrance Exam ng PUP. Sa sobrang kalungkutan na hindi ko makuha ang totoong gusto kong kurso at kawalan ng pag-asa na malabo na akong maging broadcaster balang araw, umusbong ang konsepto kong libre lang mangarap.
Naisip ko na lang na gumawa ng isang blog kung saan masasaad ang mga pangarap kong wala ng katuparan, pero dahil naniniwala akong wala namang bayad ang pangangarap at naniniwala akong sa simpleng pamamaraan na ito ay maaari akong makakabahi ng konting inspirasyon at aral sa mga maisusulat ko.
Pinangako ko kasi sa sarili, na tutuparin ko ito dahil hindi pa naman huli ang lahat, habang may kumpleto pa ang katawan ko at nasa matino pa akong pag-iisip
KAHALAGAHAN -Kung may halaga man ang blog sa’kin, ito yung tinatawag na: (1) nagkakaroon tayo ng layang maglabas ng kanya-kayang saloobin sa mga bagay-bahay o pagkakaroon ng boses sa mga isyu sa paligid at pamayanan (2) nagkakaroon tayo ng mga idea o mas lalo nating naiintindihan ang mga bagay sa simpleng pamamaraan o paliwanag sa pamamagitan ng opinyon ng iba (3) nagkakaroon ako ng kaibigan kung saan nagbibigay sa akin ng mga paalala at gabay o kahit opinyon na kapupulutan ko ng aral sa sariling kuwento o naisulat (4) Nagkakarron din ako ng pagkakataong makihalubilo sa mga taong hindi ko naman kakilala at malayang nakakapagbigay din ng komento na masasabi kong napakahalaga bilang isang mahusay na blogger (5) at higit sa lahat at saganang akin nagkakaroon ako ng pag-asa sa mga pangarap kong naudlot sa pamamagitan ng pagsubaybay dito.
EPEKTO/EMOSYON – katulad pagpapaliwanag ko sa kahalagan halos katulad din ng epekto ang kahulugan nito . Kung maisisingit man natin ang epekto nito sa emosyonal na mambabasa ito siguro yung: (1) Masasabi mong nakakapulot ka ng aral o inpormasyon, at habang tumatagal mas lalo itong nadaragdagan (2) Siguro, na-ilalagay mo ang sarili mo sa sitwasyon habang binabasa mo ang salaysay ng iba at mapapatanong ka, paano kung nangyari din sakin ‘to? (3) Sa sitwasyong nakakatanggap ako ng magagandang kumento, malaking epekto ‘to para mas pag-igihin mo pa ang mga naisusulat mo. Kumbaga sa isang vitamina ito yung nagbibigay sustansya sa blog mo. sa pamamagitan kasi ng komento masasabi mong naging matagumpay ang post mo.
Malaki talaga ang nagiging epekto nito sa kapwa mambabasa at manunulat. at bilang blogger na napapaloob sa dalawang uri na ‘yan, may opinyon din ako d’yan.
mambabasa -sa maling interpretasyon na maaring makuha nila sa nilalaman ng post mo, maaari din itong maka sugat sa kamalayan ng tao. Ang pagbabablog kasi ay hindi lang napapaloob sa sinasabing malayang pagpapahayag bagkus responsibilidad dahil maari kang makainpluwensya.
manunulat -sa blogger na tulad ko dalawa lang ang maaring maging epekto nito mula sa komento ng mambabasa. epekto na nakakataba ng puso at epekto na nagpaapekto ka talaga hehehe. Sabi nga nila, ang komento ang nagiging kabayaran sa mga pagkukuwento mo, maliban na lang kung may Ads ang blog mo. Kaya nga yung iba halos pasukin na ang lahat ng bahay-blog at magsabi ng “padaan po” para mapuntahan din ang bahay n’ya at baka sakali ding makatanggap din ng puna.
parang ang nagiging batas na nga sa blog ay “koment mo ko, koment kita” hehehehe.
Pero dahil naman doon, umuusbong ang matibay na pag i-spamman este pagkakaibigan. Kaya nga usung-uso na ang GEB (group eye ball).
(At nangalap talaga ako ng case study)
Ayon kay Jason ng jasonhamster ang bagong RIZAL
Malaki daw ang naging epekto nito sa araw araw n’yang pamumuhay, tulad ng dati n’yang pag ku-computer games ngayon ay pagbablog na lang.
Sa blog daw kasi nagkakaroon s’ya ng kaibigan yung tipong di ka iiwanan, kumpara sa mga high school o college friend na panandalian lang.
Sa pamamagitan daw ng blog mas nalalabas n’ya kung sino s’ya at nakakapagpalabas ng kanyang sariling opinyon (tulad ng ibang blogger)
Kung mayroon man daw na napakalaking pagbabago sa buhay nya ito yung hindi na s’ya naging mahiyiin. Oo nga naman, na meet na nga n’ya yata lahat ng blogger Nyahahahahaha )
Sa mga tulad naman nila Rye (Malaysia), Dencio (UAE) at Bluguy (Italy) kapwa nasa iba’t ibang parte ng mundo, paraan din ito para libangin ang sarili sa kapaki-pakinabang ng paraan. at sa aking palagay para din makabalita mula sa kanilang pinanggalingan.
Kung pag uusapan naman ang emosyon, siguro pumapasok pa rin dito ang komento. pero gaya ng sabi ko ang KOMENTO ay KOMENTO gaano man kasakit o gaano man nakakagago, sa pagbablog kasi matatanggap mo lahat ng uri ng komento, may pambabastos, may pagmumura, at may paninira pa nga ang iba.
Minsan nakatanggap ako ng ganito, masakit syempre sa una, pero matatanggap mo din kalaunan, sa masasakit kasi na puna doon ka pa matututo, doon mo maitatama ang mga bagay na sa tingin ng iba na di kagandahan at sa pansarili mo na ring kamalayan.
Waaaa nosebleed na ‘to. partida tagalog post ‘to.
Hindi ko na kaya!, ganito na lang,
kung gusto n’yo tumulong ukol sa:
epekto ng blog sa mga mambabasa at manunulat nito. Mula sa kasaysayan nito patungo sa mga kahalagahan upang matunton ang ugat kung paano ito nakakaapekto sa emosyonal na bahagi ng blogger at ng mambabasa.
No comments:
Post a Comment