Sunday, August 9, 2009

pause muna ...

Buti pa sa Pc games may start, pause, game over.
Sa pelikula, pwede mong i-fastforward, rewind, pause and in the end of the movie they lived happily ever after, Happy Endings ika-nga.

Sa totoong buhay pwede kaya? pwede kayang baguhin ang nakaraan o ibahin ang mangyayari sa kasalukuyan. Alam nating imposibleng mangyari, pero sana pwede. Sana sa pag-ibig lagi nalang happy ang ending. Pero hindi eh, meron talagang taong itinadhana para satin.

Sana may sariling remote ang buhay na pwede nating i-pause pag pagod na, i-rewind para maperpek natin ang nakaraan. O i-fastforward kung gusto. Sana ang buhay parang laro sa computer na merong start, pause, o kaya game-over. I-pause kung pagod na. Game-over kung suko na.

Para saken, gusto kong i-pause muna yung buhay ko. gusto kong magpahinga. Mapag-isa. Kung pwede nga lang eh mawala na ko, yung biglaan, Ang dami kong problemang iniisip. Kung may magagawa nga lang ako edi sana oks na, hehehe. Balik tayo sa usapan, nakakapagod din ang mabuhay sa totoo lang. Paulit-ulit. Masasaktan. Masaya. Masasaktan. Iiyak. Masaya. Masasaktan. Ganun lang naman ang buhay eh. Minsan masaya minsan hindi, merong time na iiyak ka sa sobrang sakit. Haaaiy buhay nga naman. Sana ang buhay... START then Game-over.

untitled

For how many years

I dreamt of you

I let my mind traveled a hundred miles

Thinking that I’m with you

For how many years

All I wanted is you

My feelings never changed but it seems

I’m hopelessly in love with you

For how many times

I’ve been in loved

I gave my all to the man I had

But only heartaches and pain were all I got

For all those times

I think of you

Wishing that you will be at my side

And that with you I will never cry

For all of my life

I’d waited for someone like you

To hold and love me truly

And now that I have you in my life

I will love you faithfully

Because all I wanted since then

Is to love you forever

………..for all of my life.

isang beses sa buhay ko ?

Dumating ka at pinawi mo ang sakit na dulot ng aking nakaraan, pinaramdam mo sa akin na may halaga pa ang isang ako sa ating daigdig, hindi ka nagpadala sa emosyon na aking nadarama, at sa halip ipanakita mo kung gaano kasarap mabuhay.

Nahulog ang loob ko sayo at hindi ka naman nag atubiling saluhin ang nararamdaman ko, naging isa kang malaking bahagi ng aking pagkatao, naging inspirasyon ko sa maraming bagay at hangang sa itinuring kong buhay ko.

Na ngakong hangang huli may matatawag na “TAYO”, nangako na proprotektahan ka hangang makakaya at mamahalin ng lubusan hangang sa huling buntong hininga.

Minsan ng nangarap na maisakay ka sa bisikleta ng hinaharap, na ikaw ang kasama kong haharap sa diyos at mangangakong hangang sa huli tayong dalawa, susuutan ng singsing na tanda ng habang buhay na pagmamahalan, magkakaroon ng pamilya na ikaw ang kasama, tatayong nanay sa ating mga anak at sa pag tanda magkasama at magkahawak ang mga kamay hanga sa huling sandali ng ating buhay.

Ngunit lahat ng magagandang bagay ay may katapusan, umiwas ka at pinaramdam ulit ang sakit ng kahapon, hangang tuluyang nilisan ang mundong pinulan ng ating pagmamahalan..

Iniwan mo ako ng nag iisa, pinuno ng lungkot at luha ang dating mundong kay saya, hindi alam kung paano bubuuin ang mga nasirang mga pangarap. Hindi alam ang lugar na tinatahak. Tuluyan ng nawalan ng pag-asang mabuhay sa daigdig. Ngunit patuloy paring lumalaban para sa huwad na pagmamahal.

Sinubukang maghanap ng ikaw sa katauhan ng iba. Subalit akoy bigo. Magkahawak nga ang aming mga kamay, ngunit ikaw parin ang nasa aking isipan, magkasamang nga kaming maglakad sa lugar na pupuntahan. Ngunit ikaw parin ang hiniihilig na aking makasama. Alam kong mali kaya itinigil ko dahil labag sa aking kalooban na iparamdam ang sakit na ipinaramdam mo nung mga oras na akoy iyong iniwan.

Pinilit kong ibalik ang dating pagmamahalan. Ngunit akoy bigo, ngayoy mayroon ka na ng bagong nakakasama. Masakit man sa kalooban ngunit tinangap ko ng buong buo. Kahit ikaw parin ang sinisigaw ng damdamin, isunuko ko na ang pakikipaglaban sa pag ibig na ako na lang ang nakadarama.


Ngayoy akoy nahihirapan sa twing ikay aking nakikita. Sa twing maririnig ko ang tinig mo, pakiramdam koy bumabalik ulit ang awit sa aking puso, Masaya ko sa twing ikay aking nasisilayan. Anong galak ang dala dala sa aking puso twing ikay aking nakakasama. Ngunit kailangan ko ng tangapin na wala na talagang pag-asang maging tayo. Kailangan ko ng tangapin na hindi ko na maibabalik ang nakaraan. at hindi ko na makakayang buuin ang mga piraso ng mga pangarap nung mga panahoy ikay kasama pa..

Ngayon akoy nakikipaglaban sa aking sarili. Pilit iniiwas ang mga mata sa twing ikay makikita, pilit na ibinabaling ang atensyon sa ibang tao.

Alam kong masaya kana sa piling ng iyong mahal, kaya hindi na kita gagambalalain.
Kahit na gusto paring kitang protektahan at ipaglaban na kahit na sinong tao.

Mahal pa kita gusto ko itoy iyong malaman. Pero kailangan ko ng lumayo para sa ikabubuti ng inyong pagsasama. Alam ko sa sarili ko na hangang ngayon ikaw parin pinapagarap ko,hangang ngayon ikaw parin ang nasa puso ko, hangang ngayon ikaw parin ang gusto kong makasama. Hangang ngayon ikaw parin ang imahe sa mga awit na aking pinakikingan. Hangang ngayon ikaw parin ang nasa panaginip at pilit na paring itinatanging mahal parin kita hangang sa mga oras na ito. Kailangan ko ng lisanin ang tinuturi kong mundo na ikaw ang kasama ko. Pero huwag kang mag alala hindi maglalaho ang taong naging ako nung ikaw pa ang kasama ko.

Tao lang rin ako napapagod rin..

Maraming salamat sa lahat ng bagay na ginawa mo para sa akin. Salamat mga panahon na nilaan mo para lang makasama ako. Salamat at ipinaramdam mong may halaga pa ang ako sa mundong ito..


Salamat dahil sa isang beses sa buhay ko. minahal ako ng taong gaya mo :]

[alam mo na kung sinu ka hindi ko na siguro kailangan pang sabihin]


NinjangHubad: ang baduy talaga ng pagmamahal oh! oh!

[ ObsEssiOn ] ...... part 1

1. Nalaman kong hindi pala exam na may passing rate ang buhay. Hindi ito multiple choice, identification, true or false, enumeration, o fill-in-the-blanks na sinasagutan, kundi essay na isinusulat araw-araw. Hinuhusgahan ito hindi base sa kung tama o mali ang sagot, kundi base sa kung may kabuluhan ang mga naisulat o wala. Allowed ang erasures.

2. Nalaman kong marami palang libreng lecture sa mundo, ikaw ang gagawa ng syllabus. Maraming teacher sa labas ng eskwelahan, desisyon mo kung kanino ka magpapaturo. Lahat tayo enrolled ngayon sa isang university, maraming subject na mahirap, pero dahil libre, ikaw ang talo pag nag-drop ka. Isa-isa tayong ga-graduate, iba’t-ibang paraan. Tanging diploma ay ang alaala ng kung ano mang tulong o pagmamahal ang iniwan natin sa mundong pinangarap nating baguhin minsan.

3. Dalawang dekada ka lang mag-aaral. kung di mo pagtitiyagaan, limang dekada ng kahirapan ang kapalit. Sobrang lugi. Kung alam lang yan ng mga kabataan sa pananaw ko ay wala ng gugustuhing umiwas sa eskwela.

4. Hikayatin mo lahat ng kakilala mo na magkarron ng kahit isa man lang na paboritong libro nila dahil wala ng mas nakakaawa pa sa mga taong literado pero hindi nagbabasa.

5. Hindi lungkot o takot ang mahirap sa pag-iisa kundi ang pagtanggap na sa bilyon-bilyong tao sa mundo, wala man lang nakipaglaban upang makasama ka.

6. Kumain ka na ng siopao na may palamang pusa o maglakad sa bubog nang nakayapak, pero wag na wag kang susubok mag-drugs. Kung hindi mo kayang umiwas, humingi ka ng tulong sa mga magulang mo dahil alam nila kung saan ang mga murang supplier at hindi ka nila iisahan.

7. Tuparin ang mga pangarap. Obligasyon mo yan sa sarili mo. Kung gusto mo mang kumain ng balde-baldeng lupa para malagay ka sa Guinness Book of World Records at maipagmalaki ng bansa natin, sige lang. Nosi balasi. wag mong pansinin ang sasabihin ng mga taong susubok humarang sa'yo. Kung hindi nagsumikap ang mga scientist noon, hindi pa rin tayo dapat nakatira sa jupiter ngayon. Pero hindi pa rin naman talaga tayo nakatira sa jupiter dahil nga hindi nagsumikap ang mga scientist noon. Kita mo yung moral lesson?

8. Kung paniniwalaan namin kayo na hindi naglaro ng tubig kahit na basa ang damit n'yo, kayo ang niloloko namin; hindi kayo ang nakapanloloko.

9. Kahit kelan walang maling desisyon, nagiging mali lamang ito kapag hindi napapanindigan.

10. Sa mga taong di nagpaparamdam sa kanilang mga kaibigan e mabuting patayin nalang namin kayo para magparamdam kayo.

11. Paano mo masasabing special ka sa isang tao kung ang bawat ginagawa niya sayo ay ginagawa din niya sa iba?

12. Handa ka bang magtanim ng batas sa gubat? kaya mo bang ipag utos sa mga hayop ang respeto? desidido ka bang damitan sila ng dangal at prinsipyo? determinado ka bang sugpuin ang kabangisan? nais mo bang magturo ng malasakit sa kapwa at pagkakaisa? kakayanin mo bang magpadikta sa bulong ng konsensya? gusto mo ba talagang makialam sa natural na takbo ng buhay - sa gubat?

13. Marami na ang ayaw sa Pilipinas pero walang nagtatanong kung gusto sila ng Pilipinas.

ang kabataan sa bagong milenyo

Mula sa isang pintig na nabuhay sa isang sinapupunan ng ina, inalagaan ng siyam na buwan, ipinanganak at nagkaroon ng bagong mundo mula ng isilang. Sa paglipas ng panahon, lahat ay nagbago. Panahon kung saan nagkaroon ng isip, sariling pananaw at isang katauhan. Hindi lang sa paglaki ng sukat at timbang kundi sa paglago ng isang katauhan. Bawat tao ay makaranas na maging isang kabataan.Ngunit ano nga ba ang kabataan? Kabataan ng bagong henerasyon…ng bagong milenyo? Ibang iba nga ba ito sa nakalipas na panahon? Maituturing pa nga ba na ang kabataaan ay pag-asa ng bayan? Sino at ano nga ba ang kabataan sa bagong milenyo.

Ngayon ang kabataan sa makabagong panahon, ay ibang iba kung maituturing. Kadalasan sakit ng ulo, rebelde at liberated. Di marunong pagsabihan, di makaintindi, walang galang, mabisyo- alak, sugal at sigarilyo. Ito daw ang gusto nila! Ang iba naman ay pakalat kalat sa lansangan, mga palaboy, may hawak na patalim, baril, droga at rugby.

Pero naisip ba natin, kung bakit sila ganito? Alam ba natin ang dahilan kung bakit nila sinisira ang kanilang mundo? Wala. Wala tayong alam! Ang alam lang natin ay husgahan sila at maging bulag sa katotohanan.

Di lahat ng kabataan ay matuwid, nag aaral, magalang at masasabing kapakipakinabang sa murang edad pa lamang. Masasabi ngang di panatay pantay ang tao sa mundo, may mas nakakaangat at mayroong tinatapon sa lansangan na parang walang pakinabang.

Ang kabataan, madalas nagkakamali, nasasaktan pero dito sila nagiging malakas. Nabubuhay sila sa isang kuwebang madilim at nais makahanap man lang ng kaunting liwanag. Nabubuhay sila sa dilim, kung saan, kulang sila sa pansin, pag aaruga at pag mamahal. Iyon siguro ang dahilan kung bakit sila gumagawa ng kapalpakan. Upang mabigyan ng pansin, simpatya, pag aalaga at pag mamahal.

Ang kabataan ay isang estado ng tao o panahon nila na kung saan sila ay bumubuo ng isang katauhan, na magagamit nila sa kanilang pag tanda. Nagkarakaroon sila ng sariling isip pananaw at kalayaan. Kadalasan sila ay di maintindihan, puro pag kakamali at laging nasasaktan. Naririnig sa kanila ang hikbi, makikita ang lungkot sa kanilang mga mata, may sakit at pighati sa kanilang mga puso. Pero iilan lang ang nakakarinig, nakakakita at nakakaramdam. Lahat sila ay bingi, bulag at manhid sa na nararamdaman ng iba.

Hindi nila kasalanan kung anu ang buhay nila ngayon. Biktima din lang sila , na kanilang pangangailangan at emosyon. Magkamali man sila ng ilang beses, isang daang beses o ilang libong beses, tao din sila, na habangbuhay…may karapatan din silang magbago.

Kabataan sa bagong milenyo, kadalasan nahuhusgahan pero di ito ang kailangan nila. Patnubay at pagmamahal yun ang dapat sa kanila. Kahit ano pa man sila ngayon, tatanda at magtatanda rin sila at magiging pag asa ng bayan. Sila ang magiging instrumento sa pag babago at kaunlaran. Pag mamahal at pag titiwala yan ang kanilang inaasahan. Hanggat marunong silang mangarap at may naniniwala pa sa diyos… Di pa huli ang lahat. Yan ang kabataan, madupilos, madapa man… babangon pa rin, tatalon…sasabay sa makabagong tugtugin ng bayan at hinding hindi mawawalan ng pag asa. Ang kabataan ng bagong milenyo, buhay at bagong liwanag ng susunod na henerasyon. Sila ang magiging pag asa ng ating bayan.

word of wisdom ...

“Kung hindi mo mahal ang isang tao, wag ka nang magpakita ng motibo para mahalin ka niya.”

“Hindi porke’t madalas mong ka-chat, kausap sa telepono, kasama sa mga lakad o ka-text ng wantusawa eh may gusto sayo at magkakatuluyan kayo. Meron lang talagang mga taong sadyang friendly, sweet, flirt, malandi, pa-fall o paasa..”

“Pag hindi ka mahal ng mahal mo wag ka magreklamo. Kasi may mga tao rin na di mo mahal pero mahal ka… Kaya quits lang.”

“Kung dalawa ang mahal mo, piliin mo yung pangalawa. Kasi hindi ka naman magmamahal ng iba kung mahal mo talaga yung una.”

“Mahirap pumapel sa buhay ng tao. Lalo na kung hindi ikaw yung bida sa script na pinili niya.”

“Ang pag-ibig parang imburnal… nakakatakot mahulog… at kapag nahulog ka, it’s either by accident or talagang tanga ka.”

“Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin ang puso mo. Tumitibok lang yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag mong isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay! Tandaan mo: magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo, kundi IKAW mismo!”

“Huwag magmadali sa babae o lalaki. Tatlo, lima , sampung taon, mag-iiba ang pamantayan mo at maiisip mong hindi pala tamang pumili ng kapareha dahil lang maganda o nakakalibog ito. Totoong mas mahalaga ang kalooban ng tao higit sa anuman. Sa paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan nagmumukha ding pandesal, maniwala ka.”

“Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawak ng iba.”

“Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang.”

“Huwag na huwag ka hahawak kapag alam mong may hawak ka na.”

“Parang elevator lang yan eh, bakit mo pagsisiksikan ung sarili mo kung walang pwesto para sayo. Eh meron naman hagdan, ayaw mo lang pansinin.”

“Kung maghihintay ka ng lalandi sayo, walang mangyayari sa buhay mo… Dapat lumandi ka din.”

“Pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo. Malay mo sa mga susunod na araw ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang.”

“Hiwalayan na kung di ka na masaya. Walang gamot sa tanga kundi pagkukusa.”

“Minsan kahit ikaw ang nakaschedule, kailangan mo pa rin maghintay, kasi hindi ikaw ang priority.”

“Bakit ka magpaparamdam sa taong hindi marunong makaramdam?
Wag kang magpakatanga sa taong hindi marunong magpahalaga.
Matuto kang sumuko at mang-iwan kung lagi ka naming sinasaktan.
Imbes na magtanong ka ng ‘Hindi pa ba sapat?’ Bakit hindi mo na lang kalimutan ang lahat?
Kung alam mong binabale-wala ka na, tanggapin mong nagsasawa na siya. .
Wag kang magpadala sa salitang ‘sorry’ at ‘ayokong mawala ka’. Kung totoo yun, papatunayan nya.”

“Minsan nililinlang ka na lang ng sarili mong damdamin na akala mo nasasaktan ka pa din. Pero ang totoo-naalala mo lang talaga yung pakiramdam nung nasaktan ka. Pareho lang din yun sa pag-aakalang mahal mo pa yung tao pero ang totoo- naiisip mo lang yung pakiramdam mo dati nung mahal mo pa siya.”

“Alam mo ba kung gaano kalayo ang pagitan ng dalawang tao pag nagtalikuran na sila? Kailangan mong libutin ang buong mundo para lang makaharap ulit ang taong tinalikuran mo.”

“Mas mabuting mabigo sa paggawa ng isang bagay kesa magtagumpay sa paggawa ng wala.”

“Hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohan, at hindi lahat ng hindi mo kayang intindihin ay kasinungalingan.”
“Pakawalan mo yung mga bagay na nakakasakit sa iyo kahit na pinasasaya ka nito. Wag mong hintayin ang araw na sakit na lang ang nararamdaman mo at iniwan ka na ng kasiyahan mo.”

“Gamitin ang puso para alagaan ang mga taong malalapit sa iyo. Gamitin ang utak para alagaan ang sarili mo.”

“Bakit ka matitiis sa taong alam mong sakit lang sa ulo mo? Wag mong ikulong ang sarili mo sa hawlang ginto pero sira ang kandado. Sino bang may sabing hindi madaling makahanap ng kapalit? Kahit ibon marunong maghanap ng bagong pugad, tao pa kaya?”

"Ang babae, nirerespeto, inaalagaan! Hindi yan PSP na bubunutin mo lang sa bulsa pag gusto mo ng paglaruan.Hindi yan IPOD na papakinggan mo lang kapag wala kang libangan. At hindi yan RED HORSE na pwede mong laklakin hanggang madaling-araw. Ang babae, marami mang arte sa katawan, hindi yan gadget para kolektahin at paglaruan."

"Pag pinag-aagawan ka, malamang maganda ka o gwapo ka.
Tandaan mo: Sumama ka sa mabuti, di sa mabait. Sa marunong, di sa matalino. Higit sa lahat, sa mahal ka, di sa gusto ka."

"pag pinag dugtong daw ang tenga ng tao.. korteng PUSO.
kaya sabi ni Pareng Bob.. Kung hindi ka marunong makinig..
hindi ka din marunong mag mahal.."

"Ano namang mapapala mo sa kakaisip sa nakaraan at sa mga pwede pang mangyari? Wala ka naman cgurong super powers para maibalik ang nakalipas na. Dapat matuto kang pahalagahan ang mga nangyayari sayo sa kasalukuyan. I-enjoy mo lang ang buhay. Wag kang Emo. Hindi ka talaga magiging masaya kung di mo tutulungan ang sarili mo. Natural lang na makaramdam ng lungkot paminsan-minsan pero ang pagiging miserable? Wag kang hibang, choice mo yan."

"Paano mo masasabing special ka sa isang tao kung ang bawat ginagawa niya sayo ay ginagawa din niya sa iba? "

"hindi biro ang pagbabasa, rite of passage to, pag natuto ka ibig sabihin nabinyagan ka bilang 'literate'. kaya mong magbasa ng mga kasinungalingan sa dyaryo, ng mga subtitles sa mga foreign movies at mag vandalism sa upuan ng bus"

"sabi nila kahit ano daw problema, isang tao lang ang makakatulong sa yo - ang sarili mo.... kaya siguro namigay ng konsensya ang dyos, alam nyang hindi sa lahat ng oras gumagana ang utak ng tao"

"minsan pala kailangan rin ang lakas para sabihing mahina ka.... ang karapatan kong madapa at bumangon sa buhay ng walang tatatawa, magagalit, magtatanong o magbibilang kung ilang beses na kong nagkamali at ilang ulit ako dapat bumawi"

"paghahangad ng diploma - ritual yon, tradisyon, sakramentong hinihingi ng lipunan para makapagtrabaho ka at kumita nang disente. at oo, para na rin respetuhin ka ng ibang tao"

"parang 'times up' ang reunion, 'pass your papers, finished or not'. oras na para husgahan kung naging sino ka o kung naging magkano ka"

"kung pumapasok tayo sa eskwela para lang makahanap ng trabaho at kumita ng pera balang-araw, di na nakakapagtaka kung bakit marami ang namamatay na mangmang. nakalimutan na ng tao ang kabanalan nya, na mas marami pa syang alam kesa sa nakasulat sa transcript of records nya, mas madami pa syang magagawa kesa sa nakalista sa resume nya at mas mataas ang halaga nya kesa sa presyong nakasulat sa payslip nya tuwing sweldo"

"habang lumalaki ka, maraming beses kang madadapa. bumangon ka man ulit o hindi, magpapatuloy ang buhay, iikot ang mundo at mauubos ang oras"

"marami palang libreng lecture sa mundo, ikaw ang gagawa ng syllabus. maraming teachers sa labas ng eskwelahan, desisyon mo kung kanino ka magpapaturo"

"ang liit at laki ay nasa isip lang. nasa pagsisikap lang yan"

"walang mangyayari sa buhay mo hanggat hindi ka tumitigil sa paninisi sa iba sa naging kapalaran mo"

"paggawa na ba ng kabutihan ang hindi paggawa ng kasamaan?

..just ispik ...

.... kailan ka pa ba mananahimik dyan?? kapag wala nang magsasalita??..

.kailan pa yun??

mamaya?? bukas??? o hihintayin mo pang magmilagro??

....ikaw na mismo ang gumawa ng hakbang upang mapakinggan kung ano ang nasa saloobin mo... wag matakot na awayin ka ng ibang tao... ikaw yan... opinyon mo yan... pagmamay-ari mo ang boses mo...

....ngayong malapit na ang halalan... ngayong yumao na ang Ina na demokrasya... mananatili ka pa bang tahimik at walang pakialam sa paligid mo...? Hoy! GISING!

...ikaw na ang may hawak nang buhay ng ating bansa... hahayaan na lang ba nilang maagaw sa iyo ang bola?? kaya mo pa kayang rebound?? ano?! kailan ka pa kikilos??

.......ikaw na mismo ang gumawa... ako mismo ang gagawa ng akin... kanya-kanya pero iisa lang ang motibo... sayo yan... akin ito... iba't ibang trabaho pero tulong-tulong... tayo na ang susunod na aayos sa nasirang bayan.. kailangan nang ayusin at ibalik muli sa dati... nakaraang dati pang inaasam...

...kung hindi man maibalik sa dati... ayusin muli... kung saan nararapat.. kung ano ang alam nating tama... sa atin ito... aayusin natin mismo...

dahil ikaw, tayo ako mismo ang gagawa ng hakbang...

...kaya ngayon simulan mo nang magsalita....

Tuesday, August 4, 2009

Corry passed away

PHOTO COURTESY OF GOOGLE

As I woke up this morning, I was shocked by my classmate's text message saying Former President Cory Aquino finally joined our Creator in heaven.

For how many days now, prank text messages about Cory's death has been inconsiderately circulated so I did not believed the text message I received right away. In fact, I was still unconvinced as I wrote this post. But after reading this reports from the internet and seeing the full blown coverage of her death in national television, it was really over for our beloved Cory.

One with all the nation who are grieving for her demise, I'm extending my heartfelt condolences to the bereaved family of Tita Cory. Even to the whole nation, aside from Tita Cory's immediate family. As someone who restored the democracy of this country, Cory was well loved by us Filipinos. Her death is something that would not only grieve a family or two but the entire nation. Truly, our country has lost its mother. And this is not going to be easy for us all.

As a blogger, I am appealing to my fellow bloggers to pray for the soul of our kind mother., although rest assured that wherever she is right now, she's at ease with our Father. Goodbye our dearest President Cory and thank you for everything. We love you and you will always be remembered in our brains and in our hearts.

LibrE Lang Mangarap ...

pangarap

TAON: III | BILANG: 3 | DAMA: :)

Charity -tawag sa OT (overtime) na walang bayad, in short tinutulungan mo ang isang kumpanya para yumaman. Kaw nagcha-charity works ka ba?

Anong related nito sa next topic ko? wala lang hehehehe :D

o well, papel, efel, kamakailan nakatanggap ako ng comment mula sa isa kong fan. (hulols) Nyahahhaha. s’ya ay si Ar’o mula sa e-bahay n’yang may titulong batanglakwatsero

Nagpapatulong s’ya sa kanilang aralin ukol sa epekto ng blog sa mga mambabasa at manunulat nito. Mula sa kasaysayan nito patungo sa mga kahalagahan upang matunton ang ugat kung paano ito nakakaapekto sa emosyonal na bahagi ng blogger at ng mambabasa.

At dahil tayming na tayming ito dahil sa nais kong ilahad ngayon, at dahil nais kong makatulong ay gagawin ko ito.

UGAT – Nagsimula akong magblog tatlong taon na ang nakakalipas, nag umpisa ito matapos bumagsak sa College Entrance Exam ng PUP. Sa sobrang kalungkutan na hindi ko makuha ang totoong gusto kong kurso at kawalan ng pag-asa na malabo na akong maging broadcaster balang araw, umusbong ang konsepto kong libre lang mangarap.

Naisip ko na lang na gumawa ng isang blog kung saan masasaad ang mga pangarap kong wala ng katuparan, pero dahil naniniwala akong wala namang bayad ang pangangarap at naniniwala akong sa simpleng pamamaraan na ito ay maaari akong makakabahi ng konting inspirasyon at aral sa mga maisusulat ko.

Pinangako ko kasi sa sarili, na tutuparin ko ito dahil hindi pa naman huli ang lahat, habang may kumpleto pa ang katawan ko at nasa matino pa akong pag-iisip :)

KAHALAGAHAN -Kung may halaga man ang blog sa’kin, ito yung tinatawag na: (1) nagkakaroon tayo ng layang maglabas ng kanya-kayang saloobin sa mga bagay-bahay o pagkakaroon ng boses sa mga isyu sa paligid at pamayanan (2) nagkakaroon tayo ng mga idea o mas lalo nating naiintindihan ang mga bagay sa simpleng pamamaraan o paliwanag sa pamamagitan ng opinyon ng iba (3) nagkakaroon ako ng kaibigan kung saan nagbibigay sa akin ng mga paalala at gabay o kahit opinyon na kapupulutan ko ng aral sa sariling kuwento o naisulat (4) Nagkakarron din ako ng pagkakataong makihalubilo sa mga taong hindi ko naman kakilala at malayang nakakapagbigay din ng komento na masasabi kong napakahalaga bilang isang mahusay na blogger (5) at higit sa lahat at saganang akin nagkakaroon ako ng pag-asa sa mga pangarap kong naudlot sa pamamagitan ng pagsubaybay dito.

EPEKTO/EMOSYON – katulad pagpapaliwanag ko sa kahalagan halos katulad din ng epekto ang kahulugan nito . Kung maisisingit man natin ang epekto nito sa emosyonal na mambabasa ito siguro yung: (1) Masasabi mong nakakapulot ka ng aral o inpormasyon, at habang tumatagal mas lalo itong nadaragdagan (2) Siguro, na-ilalagay mo ang sarili mo sa sitwasyon habang binabasa mo ang salaysay ng iba at mapapatanong ka, paano kung nangyari din sakin ‘to? (3) Sa sitwasyong nakakatanggap ako ng magagandang kumento, malaking epekto ‘to para mas pag-igihin mo pa ang mga naisusulat mo. Kumbaga sa isang vitamina ito yung nagbibigay sustansya sa blog mo. sa pamamagitan kasi ng komento masasabi mong naging matagumpay ang post mo.

Malaki talaga ang nagiging epekto nito sa kapwa mambabasa at manunulat. at bilang blogger na napapaloob sa dalawang uri na ‘yan, may opinyon din ako d’yan.

mambabasa -sa maling interpretasyon na maaring makuha nila sa nilalaman ng post mo, maaari din itong maka sugat sa kamalayan ng tao. Ang pagbabablog kasi ay hindi lang napapaloob sa sinasabing malayang pagpapahayag bagkus responsibilidad dahil maari kang makainpluwensya.

manunulat -sa blogger na tulad ko dalawa lang ang maaring maging epekto nito mula sa komento ng mambabasa. epekto na nakakataba ng puso at epekto na nagpaapekto ka talaga hehehe. Sabi nga nila, ang komento ang nagiging kabayaran sa mga pagkukuwento mo, maliban na lang kung may Ads ang blog mo. Kaya nga yung iba halos pasukin na ang lahat ng bahay-blog at magsabi ng “padaan po” para mapuntahan din ang bahay n’ya at baka sakali ding makatanggap din ng puna.

parang ang nagiging batas na nga sa blog ay “koment mo ko, koment kita” hehehehe.

Pero dahil naman doon, umuusbong ang matibay na pag i-spamman este pagkakaibigan. Kaya nga usung-uso na ang GEB (group eye ball).

(At nangalap talaga ako ng case study) :D

Ayon kay Jason ng jasonhamster ang bagong RIZAL

Malaki daw ang naging epekto nito sa araw araw n’yang pamumuhay, tulad ng dati n’yang pag ku-computer games ngayon ay pagbablog na lang.

Sa blog daw kasi nagkakaroon s’ya ng kaibigan yung tipong di ka iiwanan, kumpara sa mga high school o college friend na panandalian lang.

Sa pamamagitan daw ng blog mas nalalabas n’ya kung sino s’ya at nakakapagpalabas ng kanyang sariling opinyon (tulad ng ibang blogger)

Kung mayroon man daw na napakalaking pagbabago sa buhay nya ito yung hindi na s’ya naging mahiyiin. Oo nga naman, na meet na nga n’ya yata lahat ng blogger Nyahahahahaha :) )

Sa mga tulad naman nila Rye (Malaysia), Dencio (UAE) at Bluguy (Italy) kapwa nasa iba’t ibang parte ng mundo, paraan din ito para libangin ang sarili sa kapaki-pakinabang ng paraan. at sa aking palagay para din makabalita mula sa kanilang pinanggalingan.

Kung pag uusapan naman ang emosyon, siguro pumapasok pa rin dito ang komento. pero gaya ng sabi ko ang KOMENTO ay KOMENTO gaano man kasakit o gaano man nakakagago, sa pagbablog kasi matatanggap mo lahat ng uri ng komento, may pambabastos, may pagmumura, at may paninira pa nga ang iba.

Minsan nakatanggap ako ng ganito, masakit syempre sa una, pero matatanggap mo din kalaunan, sa masasakit kasi na puna doon ka pa matututo, doon mo maitatama ang mga bagay na sa tingin ng iba na di kagandahan at sa pansarili mo na ring kamalayan.

Waaaa nosebleed na ‘to. partida tagalog post ‘to.

Hindi ko na kaya!, ganito na lang,

kung gusto n’yo tumulong ukol sa:

epekto ng blog sa mga mambabasa at manunulat nito. Mula sa kasaysayan nito patungo sa mga kahalagahan upang matunton ang ugat kung paano ito nakakaapekto sa emosyonal na bahagi ng blogger at ng mambabasa.