Friday, October 16, 2009

ibat-ibang basehan ukol sa katalinuhan ng tao

Ang katalinuhan ng tao ay nakabase sa iba’t ibang aspeto. May mga taong sadyang nakakaangat ang katalinuhan sa iba. Sila ang mga taong hinahangaan ng marami dahil sa taglay nilang katalinuhan. Mayroong iba’t ibang kahulugan at basehan ang pagiging matalino ng isang tao. Ang katalinuhan ay ang kapasidad na makapulot ng mga bagong ideya. Maaaring ang isang tao na madaling makaisip at makaintindi ng mga bagong ideya ay masasabing matalinong tao. Ang mga taong may pangkaraniwang katalinuhan ay hindi basta-basta nakakaintindi ng mga ideyang bago lamang sa kanilang pag-iisip. Ang mga matatalinong tao ay kumikilos sa mga bagong ideya na may mabuting panghuhusga. Ito ay nakikita sa paglutas ng mga bagong suliranin, at maingat na pagkilos sa iba’t ibang sitwasyon.

Ang mga matatalinong tao ay talaga namang hinahangaan. Sa ating paaralan, mayroon tayong tinatawag na valedictorian, salutatorian, at iba pa. May mga patagisan ng talino, at iba pang mga patimpalak na kumikilala sa katalinuhan ng mga estudyante. May mga parangal din. Napakahalaga ng pagiging matalino sa buhay ng isang estudyante. Napagbabasihan ang katalinuhan sa abilidad sa pagkatuto ng isang tao. Ang kapasidad sa pagkatuto ay madalas na namamana sa mga magulang natin. Kung ang mga magulang ng isang estudyante ay matalino at may kapasidad sa pagkatuto, maaari din itong manahin ng kanyang anak. Maaari ding matutunan ang abilidad na ito sa kanyang kapaligiran. Ang isang bata ay maraming natututunan sa kanyang paaralan, kaibigan, at higit sa lahat, sa kanyang tahanan.

Ang kapasidad sa pag-iisip ng mga konsepto ng isang tao ay nakatutulong sa pagpapalawak ng kanyang katalinuhan. Ang isang estudyanteng may kapasidad sa pag-iisip ng mga konsepto ay matatawag na matalino. Ito ay ang abilidad sa pag-iisip sa pamamagitan ng mga konsepto. Ang konsepto ay nakikita kapag ikaw ay nakakakilala sa iba’t ibang mga bagay, ideya, o mga pangyayari bilang miyembro ng kaparehong klase nito. Ang salitang “mansanas” bilang halimbawa, ay nagdadala sa isipan ng mga katangian tulad ng anyo nito, hugis, kulay, bigat, at iba pa. Ang katalinuhan base sa kapasidad ng pag-iisip ng mga konsepto ng mga estudyante ang nakatutulong upang makilala ang paaralan sa buong mundo. Kapag matalas ang kapasidad sa pag-iisip ng mga konsepto an mga estudyante, ito ang magbibigay-daan sa kanyang paaralan upang makilala sapagkat ang mga konseptong ito ay maaaring magamit niya sa paggawa ng mga pagtutuklas at iba pa. Ang paraan naman sa pagtuturo ng paaralan ang siyang huhubog sa paraan ng pag-iisip ng mga estudyante. Kung ang pagtuturo ng isang paaralan ay nasa paraan na kung saan ay nakakapag-isip ng mga konsepto ang mga estudyante, ay tumutulong din ito sa pagtupad ng layunin ng paaralan na makilala sa buong mundo. Ang paraan din ng pagtuturo sa paaralan ay nagtutungo sa pag-unlad sa kapasidad sa pag-iisip ng mga konsepto ng isang tao.

Ang pagiging handa ng pag-iisip ay isa pang basehan sa katalinuhan ng isang tao. Ang isang matalinong tao ay laging handa sa pag-iisip ng iba’t ibang bagay. Halimbawa, sa paaralan, kapag ang guro ay nagbigay ng di-inaasahang pagsusulit, handa ang isang matalinong estudyante ukol dito. Siya ay handa sa pag-iisip anumang oras o araw. Ito rin ay ang madaliang pag-oobserba, pag-iintindi at reaksyon. Ang isang komunidad na laging handa sa pag-iisip ay madaling masosolusyunan ang mga suliranin nito. Halimbawa, ang isang komunidad na may mga taong laging handa ang pag-iisip ay hindi na pinapatagal ang isang suliranin at aaksyunan nila agad ito. Ito ay nagreresulta sa masaganang komunidad. Ganoon din sa ating mga sarili. Ngunit, paano nga ba tayo nakakapag-isip ng wasto sa iba’t ibang mga bagay?

Nakakapag-isip tayo ng wasto sa iba’t ibang aspeto sa pamamagitan ng makatarungang panghuhusga. Ang isang makatarungang panghuhusga ay nagmumula din sa isang matalinong tao. Ang isang makatarungang panghuhusga ay kumikilatis sa iba’t ibang aspeto ng isang suliranin. Masasabing makatarungang ang isang panghuhusga kapag wala itong kinikilingan. Ito rin ay tulad sa mga konsepto na tinatawag ding common sense at tamang kaalaman. Matatawag na matalino ang isang tao kapag siya ay may common sense at may tamang kaalaman sa pag-iisip ng isang partikular na bagay. Ang common sense at tamang kaalaman ay nakukuha ng tao sa kanyang pag-iisip o katalinuhan. Ang isang taong naimpluwensiyahan ng mga pagtuklas, naniniwala sa mga kasabihan, gumagawa ng mga desisyon na masasabing may kinikilingan ay hindi nagkakaroon ng makatarungang panghuhusga o pag-iisip. Ang hindi makatarungang panghuhusga ay hindi karapat-dapat sa isang matalinong tao. Ang isang matalinong tao ay nag-iisip ng tama at makatarungan.

Sa kabuuan, may iba’t ibang basehan sa tunay na katalinuhan. Ang katalinuhan ay may kapasidad na makapulot ng mga bagong ideya. Ang taong may taglay na katalinuhan ay may abilidad sa pagkatuto. Ang matalinong tao ay may kapasidad sa pag-iisip ng mga konsepto. Siya rin ay nagtataglay ng pagiging handa ng pag-iisip. May makatarungang panghuhusga rin ang taong matalino. Ang katalinuhan ay nakatutulong sa pagpapaunlad ng sarili. Lumalawak ang kaisipan ng tao habang siya ay natututo at nagtataglay ng katalinuhan. Habang dumarami ang kanyang natutuklasan na mga bagong ideya ay tumutulong din siya sa pag-unlad ng kanyang sarili. Nalalaman niya ang kanyang layunin at nagsisikap na makamit ito upang siya ay umunlad.

mga bagay na pinagmamalaki ko sa sarili ko

Batid nating lahat na walang taong perpekto. Batid din nating lahat na ang bawat katao ay may kani-kaniyang katangian na siyang bumubukod tangi sa ibang tao. Tulad ko na lamang. Alam ko mayroon din naman akong mga katangian na hindi kaaya-aya ngunit mayroon din naman akong mga katangian na talaga namang aking ipinagmamalaki. Tulad na lamang ng:

1. Ako ay taong may isang salita.

Ang bawat salita o pahayag na aking binitawan ay siyang mananatiling nakakibit sa aking mga labi. Batay na rin sa aking mga karanasan, kay raming mga tao ang hindi nabiyayaan ng ganitong katangian. Tulad na lamang ng isang taong kakilanlan ko na talaga naman nakakapag-init ng dugo.

2. Ako ay taong laging nasa oras.

Kay rami ang nagsasabi na likas na sa mga Pilipino ang hindi dumating sa tamang oras. Ngunit masasabi kong hindi ako Pilipino sa parteng ito. Isa kasi sa mga katangian ko na ayaw ng may naghihintay sa akin. Dahil na rin siguro sa ayaw kong ako ay pinaghihintay. Naniniwala kasi ako na ang oras ay ginto. Hindi ito dapat sayangin sapagkat bawat oras ay mahalaga.

3. Ako ay taong palaban.

Siguro ay tututol ang aking pamilya sa aspetong ito. Ngunit, paniwalaan ninyo man o hindi, pinagmamalaki ko ang katangian kong ito. Ako kasi ay tipo ng tao na hindi nagpapatalo. Ayaw ko kasi na may umaapak sa aking paniniwala at dignidad. Tipikal na Pilipino kung sabihin nga ng iba. Mapa-magnanakaw man iyan o mamamatay tao, lalabanan ko hanggang kamatayan. Ilang beses na yata akong may kinalabang magnanakaw, bagay na tinututulan ng aking mga magulang sapagkat buhay ko daw ang nakataya sa mga sitwasyong iyon. Ngunit naisip ko lang, kung hindi tayo matututong lumaban, patuloy na mamimihasa ang mga taong iyan. Kaya't dapat lamang na ipaglaban natin kung ano ang tama at nararapat.

4. Ako ay taong walang bisyo.

Siguro naman kahit sino ang tanungin ninyo ay sasabihin na ito ay isang maipagmamalaking katangian. Maipagmamalaki kong sasabihin na kailan man ay hindi pa ako uminom, nanigarilyo, o ano mang bisyo na iyan. Kahit kailan pa nga ay hindi pa ako nakakatikim ng kahit "red wine" man lamang.

5. Ako ay taong matipid.

Kuripot na kung kuripot, wala akong pakialam. Basta ang alam ko lamang, matipid at nagiging praktikal lamang ako. Hindi ako ang tipo ng tao na bibili ng simpleng tsinelas (oo tsinelas, hindi flip-flops kasi PILIPINO ako!!!!) o sapatos na nagkakahalaga ng higit isang libo. Kahit ano pa naman ang mangyari ay tsinelas pa rin iyan eh. Saluhan pa rin iyan ng paa at ipang-aapak mo din sa lupa. At kung sakaling bibili man ako ng isang mamahaling bagay (bagay na nagkakahalaga ng higit isang libo) na hindi naman kailangan sa pag-aaral, pag-iipunan ko iyan. Sisikapin kong dukutin ito sa sarili kong bulsa. Oo, ilang beses ko na itong nagawa. Nangyari nga noon ay tiniis ko talagang hindi kumain ng tanghalian para lamang doon. Alam ko kasi na nahihirapan na ang aking mga magulang at ayaw ko namang manghingi gayong LUHO lamang ang aking hihingin.

6. Ako ay tumutulong sa aking pagpapaaral.

Batay sa lahat ng mga katangian na nabanggit, ito ang pinaka-pinagmamalaki ko sa lahat. Bago kasi ako pumasok sa Pamantasan ng De La Salle, batid ko kung gaano kalaki ang matrikula sa pamantasan na ito. Kaya naman sinikap kong magawaran ng scholarship galing ng CHED. Malaking tulong na rin ang P 24,000 kada taon. At hindi pa iyan natatapos. Noong nakaraang taon lamang ay nagawaran naman ako ng pamantasan mismo ng isa pang scholarship. Bale kada trimester, 50% lamang ng aking matrikula ang babayaran ko. Talagang lubos ang pagpapasalamat ko sa Diyos noon dahil napakalaking tulong ito para sa aking mga magulang. Bukod pa doon ay mayroon pa rin akong "educational plan" kung saan nakakakuha din ako ng P 40,000 kada taon. O di ba! Halos wala na rin babayaran ang aking mga magulang, kaya naman lubos talaga ang pasasalamat ko sa Panginoong Maykapal.
Prev: Summer nga ba talaga? Di ko feel eh...
Next: My Debut Party
sa POV ko, malalaman mo yun pag matagal mo ng kasama yung tao..

if ang tao, down to earth/humble never magsasalita or magwewento ng kht ano yan.. kasi my feeling sila na baka mayabangan sa kanya kausap nya or magkaroon ng kung anong impression..prefer nila na tumahimik kesa mag wento ng mag wento... then malalaman mo n lang sa ibang tao na meron pala syang pedeng ipagmayabang pero tinatago nya sa sarili nya.. observation ko lang yan dun sa mga kakilala ko na magagaling pero pag nakita mo parang wala lang..



alam ko na kung san pwede gamitin ang PAGKAMAYABANG... sa job interview!! nyahahaha


I agree..on my case, honest ako pag job interview, pag di ko alam...cnasabi ko na di ko alam, pag aware or knowledgeble lang, ganun din cnasabi ko...gaya nga ng sabi nila..baka mag expect cla...mas maganda na yung you meet or even exceed their expectation kesa naman sa taas ng expectations nila then pag actual work na is biglang babagsak...baka instead na promotion eh demotion matanggap mo..hehehe..

yoko matulad sa friend ko na same field ko....tinanong kung marunong mag programming ng pearl script....nag yes!.....nung pinapagawa ng progam eh di makagawa...buti na lang, meron kaming common friend na marunong talga, ayun nagpa turo at talgang nahirapan cya...buti na lang ngayon eh OK na cya...hehehe..
_________________
Are you kidding?
No!, I'm not kidding!
I am Phoenix!
IILAN N LANG ANG MAKIKITA MONG DOWN TO EARTH.... KARAMIHAN PAG NAKALASAP NA NG GINHAWA.. WALA NA... MAYABANG NA... HINDI KO ALAM KUNG BKIT KELANGAN NILANG MAGING MAYABANG... YUNG IBA NGA E MASAMA NA UNG UGALI... HINDI LANG YUMABANG..

PEACE...


pano ba masasabi na down to earth or mayabang ang kausap mo?

what if nagsasabi lang ng totoo, minsan na iinterpret as kayabangan... so where do you draw the line between kayabangan and being honest with what you have?




actually mahirap talaga i-detect kung anong klase talagang paguugali meron ang isnag tao e unless makasama mo sya....first impression sometimes do not last...for me.

dito sa psg for example, ang dami ko na din namang ne-meet na tao, yung iba akala ko mayabang, but when i saw them face to face and get along with them for quite sometime, hindi pala....

meron namang iba na nung una akala mo mabait at down to earth but lumalabas ang totoong kulay.....sometimes, without you knowing it, tinitira ka pala patalikod....

kaya the best, don't judge yet....


Ang Malalim na ilog ay tahimik, pero ang mababaw na ilog ay maingay...
ang ibig sabihin po nyan pag-ang isang tao ay marami ng alam yan po ay tahimik lang, pero pag-ang isang tao ay mababaw ang kaalaman yan po ay madada..



pag ang isang taong tahimik na may alam yun po ay "MADAMOT"

pag ang isang taong tahimik at madaldal sa kaalaman un po ay "MAPAGBIGAY"

pag ang isang taong walang alam at tahimik yun po ay "GUSTONG MATUTO"

pero pag ang isang taong walang alam at tahimik un po ay SIRA ULO!

heheheh

peace...

isip-isip

MAG-ISIP KA!!!

ANG LAMAN NG ISIP

Isang Ikasampung bahagi lamang daw ng lakas ng isip ng tao ang ginagamit niya sa araw-araw. One tenth lamang. Katiting kung tutuusin.

Kung baga sa sampung daliri ng ating mga kamay, isang kaling-kingan ang ginagamit ng karaniwang tao.

Saan napupunta ang siyam ng bahagi ng lakas ng isip? Natutulog. Nasasayang lamang. Pagkatapos ay magrereklamo tayo. Diyos ko naman, ganito na lamang ba ang buhay ko? Pawang hirap at tiis?

Bakit hindi magamit ng karaniwang tao ang higit sa kalahati ang potensiyal na lakas ng kanyang isip?

Una nga ay hindi niya alam kung papaano niya gigisingin ang tulog niyang isip. Hindi niya alam kung papaano gagamitin ito.

Ikalawa, karamihan sa laman ng isip ay negatibo, hindi kapaki-pakinabang. Ang takbo ng isip niya ay tungo sa kabiguan.

Tingnan natin:

Pagdilat sa umaga, mag-iinin muna nang matagal. Madilim pa naman, aniya. Tinatamad ako, eh. Napuyat ako kagabi, inaantok pa ako. Masakit ang ulo ko. Masama ang pakiramdam ko.

Kung malamig at giniginaw mamamaluktot at magkukulubong sa higaan. At kapag nahuling pasok sa trabaho, sisisihin ang trapik. Ang mga pulis. Ang mga sasakyan. Ang mga mabagal na tsuper. Ang nagsisiksikang mga pasahero.

Ganyan. Sa araw-araw na ginawa ng Diyos negatibo ang laman ng isip niya. Galit, Selos, Imbot, Inggit, Alinlangan, Aburido, Sama ng loob, Lungkot, Kawalang-pag-asa, Kabiguan, Katamlayan, Katamaran, Paglilimayon, Paglalasing, Pakikipagbarkada, Pagpapalipas ng oras, Away, Sigawan, Sisihan. Mga negatibong bagay. Negatibong emosyon. Pamapabigat sa kalooban. Pamapadilim sa pananaw sa buhay. Pampalubha sa kawalang-pag-asa..

At pabalik-balik. Paulit-ulit na mga kaisipang hindi nakakapagpapasigla. Saka niya sisihin ang Diyos o mga kapitbahay kapag napasubo ng away, o nabigo sa pakay. Halimbawa’y nabigo sa pag-ibig. Iisipin kaagad, magpapakamatay na. Wari bang napakahirap lumigaya at maging masaya. Wari bang pinagmalupitan sya ng panahon. Gayong napakabait ng panahon. Mabiyaya ang panahon. Kaya tuloy lumalaganap ang mga psychosomatic diseases, mga sakit na likha ng isip sa katawan. Na likha ng mga negatibo at hindi nakakapagpapasiglang kaisipan. Ang masamang kaisipan ay lumilikha ng masamang reaksyon, ng mga kemikal sa loob ng ating katawan.

Iyan ang mga pinatutunayan ng mga pananaliksik. Sa kabilang dako, ang masigla at masayang isipan ay nagpapasigla rin at nagpapalusog sa katawan! Pagka’t malaki ang impluwensya ng iyong isip sa anumang nangyayari sa iyong damdamin at katawan.

Tingnan mo naman ang mga matagumpay na tao. Malusog ang kanilang isipan. Masigla. Hindi kabiguan ang unang naiisip pagkagising. Bago matulog, nagbabalak, paggising nagbabalak. At laging tagumpay ang nasa isip. Sila’y nagpupunyagi, nagsisikap, gumagawa, tumutulong, nakikipagkaibigan, gumagawa ng mga contacts, nagtatrabaho, lumilikha ng mga bagong ideya o produkto, nakikipagkapwa-tao, nagpapasensya, hindi nakikialam sa buhay ng may buhay, hindi naninirang-puri kundi humahanga pa nga.

Ang mga positibong isip ay laging nakatutok sa tagumpay. Sa ibang salita, positibo ang kanilang isipan – “Positive thinker” sila.

Ang karaniwang tao ay negative thinker. Laging tinatamad ang isip. Ang tamad at litong isip uulitin ko, ay madaling tumigas, katulad ng semento. Ang aktibong isip ay katulad ng agos na laging masigla sa paghahanap ng landas.

Sumakit lang ang iyong ulo, paulit-ulit mo nang sinasabi sa iyong sarili at sa ibang tao na masakit ang iyong ulo. Nagkangiwi-ngiwi ka pa. Bagay na lalo ngang lumulubha. Aalagaan mo na ‘yan. Hindi ka na papasok sa opisina o sa eskuwela. Para kang may sakit na napakabigat. Pero saan ka, kung magdadaan ang barkada mo at yayayain kang magsine o maglakuwatsa, mabilis sa pa sa alas-kuwatrong magbibihis upang sumama!

Subukin mo ito: Kapag masakit ang iyong ulo paggising sa umaga, ulit-ulitin mong sabihin sa iyong sarili na maaalis ang sakit ng iyong ulo. Ngumiti ka. Mag-ehersisyo hanggang pawisan ka. Mag-jogging pa kung gusto mo. Igalaw-galaw ang iyong ulo. Isipin mong lagi na hindi na masakit ng ulo mo. Makikita mo maya-maya ay wala na ang sakit ng iyong ulo. Bakit? Kasi, may batas ang isipan na hindi mapapasubalian: kung ano ang lagi mong iniisip, iyan ang mangyayari sa iyo. Tingnan mo ang taong may ambisyon nakakamit niya ang ambisyon. Pagka’t iyan ang laging laman ng kanyang isip.

Ikaw may ambisyon ka ba? Paano mo magagamit ang ambisyon sa iyong pag-unlad?

MAG-ISIP KA!

IPAKITA MO SA KANILA!

Ambisyon….May ambisyon ka ba? Ano ba ang ambisyon? Bakit kailangan ng tao ito? Lahat ng tao ay may ambisyon. Mithiin. ‘Yon bang gusting-gusto mong makamit. O mangyari sa buhay. Halimbawa’y mag-artista, mag-aral, makapag-asawa ng maganda, makapag-abroad, makapagtayo ng negosyo, maging empleyado, yumaman, maging kilalang singer o entertainer, mag doctor, maglingkod sa gobyerno. kahit ano. Basta gusting-gusto mong makamit. Na oras na nakamit mo’y ikaw na yata ng pinakamaligaya at pinakamatagumpay na tao sa daigdig. Ngunit sa pagitan ng iyong hangarin at pagtatagumpay ay nakaamba ang maraming hadlang, obstacles. At diyan nakikilala ang tunay na tao at ang taong bigo. Mahabang lansangan ang nasa pagitan ng hangarin at tagumpay. Maraming sagabal. Dito makikilala ang tunay mong pagkatao.

Hindi ang mga pangyayari sa daan ang mahalaga sa kanya. Hindi ang sagabal. Hindi ang pagkakadapa. Hindi ang batikos sa kanya. Ang mahalaga sa kanya ay ang nangyayari sa kanyang kalooban, sa kanyang sarili. Ang pagbabago ng kanyang pananaw sa buhay. Ang pagbabagong-bihis ng kanyang pag-iisip. Sa halip na maawa siya sa sarili dahil sa “kamalasan” itutulak pa ang kanyang sarili upang labanan ang mga sagabal hangang sa magtagumpay siya. Ganyang kahalaga sa kanya ang kanyang hangarin. Ito ang nagtutulak sa kanya upang magsikap pang lalo. Kung wala kang ambisyon o hangarin, wala kang dahilan upang sabihin, kung di man sa iyong sarili, ay sa lahat; “Ipapakita ko sa inyo na ako ay magtatagumpay rin!”

Lahat tayo’y may ambisyon, ngunit di lahat ay nagkakamti ng kanilang ambisyon. Hindi sapagakat kulang sila ng pagkakataon, o ng tulong, o ng puhunan. Kulang sila ng pananalig sa kanilang sarili. Hindi sila naniniwala na walang imposible sa daigdig na ito.

Sa unang bagsak pa lamang nila’y sasabihin na nilang “hindi maaari ito.” Ngunit ang lahat ay maaari. Ang anumang maaaring isipin mo ay maaari. Naririyan na ‘iyan, hindi mo lamang nakikita pagka’t hindi mo pa nabubuo. Ngunit naririyan na.

Tingnan mo ang isang kubo. Ang lahat ng materyales na ginamit sa pagpapatayo niyan ay nariyan na. Ang ginawa lamang ni Tatang ay kumuha ng kawayan, ng kugon, ng panali, at ng ilan pang kagamitan, saka pinagsama-sama ang mga materyales na ito sa iasng balangkas. At naging kubo. Huwag mong sabihing mas magaling sa iyo si Tatang. O si Engr. Pedro kaya nakapag tayo siya ng malaking gusali. O kaya nakakasulat tayo ng ganito. O si Dr. Juan kaya nakakagamot. Talagang mas magaling sila sa iyo sa larangang pinasok at pinag-aralan nila.

Ngunit hindi sila ang mahalaga para sa iyo. Hindi ang galing nila ang pinapantayan mo. Wala kang laban sa kanila. Ang mahalaga ay ilabas mo ang pinakamabuting magagawa mo. At diyan higit kang magaling sa kanila. Ang mahalaga ay kung papaano mo gagamitin ang iyong nalalaman upang makamit mo ang iyong ambisyon.

Nasa iyo ang lakas at dunong na gagamitin. Walang makakaagaw o makakakuha niyan sa ‘yo maliban sa Diyos sa iyong kamatayan. Nasa iyo ang pagkakataong gumawa ng pinakamabuti mong magagawa para sa iyo at para sa pamilya mo at para sa kapwa mo.

Naaabot ng isip mo ang pinakamalayong maaari mong maabot. Ang totoo, walang limitasyon ang maabot mo. Ikaw lamang ang makapagtatakda ng limitasyong iyan.

Kapag sinabi mong hindi maari ang isang bagay, hindi na nga maaari para sa iyo. Ngunit para sa iba, maari iyon. Hangga’t sinasabi mong hindi maaari, hindi nga maaari para sa iyo. Ngunit sa sandaling palitan mo ang paniniwala mong iyan, mag-iiba na rin ang sasabihin mo.

Si Edison ay kung ilang daan ulit na nabigo sa pag-imbento ng ilawang bombilya. Hindi niya sinabing hindi maaari. Iginiit niyang maaari. At naimbento nga niya ang bombilya. Noong 1873, ikinulong so Coppersmith nang gumawa siya ng isang kagamitang maaaring makapag-usap ang dalawang tao nang magkalayo. Mag-uusap sila sa pamamagitan ng alambre. Kinutya siya. Itinuring siyang luko-luko. Papaano makakapag-usap ang dalawang taong magkalayo sa pamamagitan ng tinawag niyang “telepono?”

Pero ngayon, ang nasa Pilipinas ay puwedeng makipag-usap sa isang taong nasa Amerika sa telepono.

Kung walang imposible na katulad ng sinasabi ni Gresham, papaano mo naman magagamit ang iyong isip upang makamit mo ang iyong hangarin sa buhay?

Sa kasalukuyan, ayon sa pag-aaral mga diyes porsiyento lamang ng lahat ng tao sa daigdig ang nakikinabang sa kayamanan ng mundo. Sila ang mayayaman at may sobrang yaman. Ang nubenta porsiyento ay katulad mo, katulad ko, katulad natin, na naghihikahos.

Papaano tayo magkakaroon ng pagkakataong makibahagi sa kasaganaan ng kalikasan?

ANG LAMAN NG ISIP!

NASA PAGGAMIT NG ISIP

Lahat ng tao ay pare-parehong binigyan ng Diyos ng kalayaan at pagkakataong magtagumpay o mabigo. Para tayong isang pamilya---KAPUSO O KAPAMILYA!

Kung lima kayong magkakapatid, pare-pareho kayong kaparti sa kayamanan o kahirapan ng inyong pamilya. Nguni’t tiyak na sa inyong lima ay may higit na matagumpay, mayroon naming hindi gaanong matagumpay. Bakit? Hindi sapagka’t di pantay-pantay ang pagkakataong ibinigay sa inyo ng inyong mga magulang. Kundi sapagka’t hindi kayo pare-pareho sa paggamit ng inyong isip. Kung kayo’y tigsasampung libo. Hindi magkakapareho ang paggagamitan ninyo ng pera. Ang isa’y sa negosyo, Ang ikalawa’y ibabangko. Ang ikatlo’y ipag-aaral. Ang ikaapat ay ipaghahapi-hapi. Ang ikalima’y ibibili ng bahay at lupa. Sino sa akala ninyo ang magtatagumpay o yayaman sa kanilang lima?

Hindi ang halagang sampung piso ang mahalaga kundi kung papaano mo ginamit ang halagang iyan. “Walang imposible” wika ni Bresham sa kanyang librong “Nothing is Impossible” kung gagamitin mo lamang ang iyong natatagong lakas. At ang lakas na iyan ay ang iyong isip.

Ang mga taong bigo, wika pa niya, ay umaasa sa tulong ng iba pagka’t sila’y mahihina. At dahil doon ay lalo pa silang hihina.

Ngunit ang taong matagumpay ay gumagamit ng lakas ng kaloob sa kanya ng lumikha. At walang hanggan ang lakas na iyan. Nasa kanya na. Kailangan lamang gamitin niya.

Sabi ng isang pilosopo: Maaaring hulmahin mo ang luwad upang gawing sisidlan at pira-pirasuhin ang salamin upang gawing bintana; ngunit ang iyong pakikinabangan ay ang mga guwang doon. Ngunit hanggang hindo mo ginagamit ang potensyal na lakas ng iyong isip ay hindi mo makakamit ang iyong hinahangad.

Tingnan mo ang karaniwang empleyado. Gumagawa ito ng naaayon lamang sa gawaing ibinibigay sa kanya. Hindi siya nagkukusa. Sa liit ng suweldo niya, aniya, “bakit ba ako gagawa ng labis sa tungkulin ko? Sa kanya, ang trabaho ay pagkukunan lamang ng suweldo!

Wala pang alas-dose, kumakain na. Wala pang als-singko, nakapagligpit na sa mesa niya. At makikipag-unahan sa bundy clock. Masarap ang imbay ng kamay habang nakikipag-unahan sa daan. Tuloy sa sine, Liligaw-ligaw, makikipag-inuman. Pagdating sa bahay aawayin si misis. Ganyan pasarap lamang siya.

Iba ang masigasig na empleyado. Hindi man inuutusan ay nagkukusang gumawa. Lumilikha siya ng mga bagong idea o pamamaraan upang umunlad pa ang kanilang kumpanya. Hindi sarili lamang ang iniisip, kundi pati ang kapakanan ng kumpanya at ng kanyang mga kasamahan.

Sa kanya, ang trabaho ay tuntungan lamang upang makamit ang kanyang minimithi. Di magtatagal, matataas siya ng tungkulin, sabay taas ng suweldo. Tulad ng dati, masigasig pa rin. At lalo pa ngayon. Alam niya na walang natatapos kung walang trabaho. Sa kanya kung mas maraming ginagawa, mas maraming natatapos. At alam niya na habang siya’y abala ngayon, mas marami naman siyang pagkakataong mag-libang pagkatapos niyon. Enjoy siya sa trabaho. Ikaw ay hindi. Inip na inip ka sa maghapon. Pagkatapos ay naiinggit ka sa kanya. Galit ka sa kanya. Galit ka rin sa inyong boss pagka’t ‘ika mo’y hindi ka man lang isinaalang-alang ganong kaytagal mo na sa opisina. Bakit ka naunahan ng iyong ke-empleyado?

May ambisyon siya. Ikaw ay wala. Kay sigasig siya. Ikaw ay wala. Naiigsian siya sa oras sa maghapon. Ikaw naman ay nahahabaan. Siya kapag nakatapos ng isang trabaho, magsisimula na naman sa isa. Kung tapos na niyang lahat, magtatanong ng gagawin pa sa kanya sa nakatataas.

Ikaw kapag natapos ang trabaho, tama na. At ang trabaho sa kanila ay pagkukunan lamang ng perang pambili ng ikabubuhay sa araw-araw. Sa kanya ang trabaho ay bukal ng kasiyahan.

At pag nabigo minsan hindi siya nagmumukmok o nagagalit. Bagkus babangon muli, magsisimula na naman ng isang bagong gawain. Wala siyang siyang sinisisi. Hindi naninisi. Ang kabiguan, sa kanya ay isa lamang baitang ng hagdan patungo sa tagumpay.

Iba ka sa kanya gayong wala ka ng ambisyon at pagpupunyagi o sipag sinisisi mo ang lahat matangi ang iyong sarili. Sa palagay mo, nasa iyo na yatang lahat ng kamalasan. Ika mo, Ang isang kabiguan mo ay pinababayan mong magdiin pang lalo sa ‘yo.

Siya, pinahahalagahan niya ang pamana ng kanyang ina, na ganito ang isinasaad:

Kung hindi ka makaraan sa ibaba, pumaibabaw ka, Kung hindi ka makaraan sa kanan, kumaliwa ka. Kung wala ka ng tamang material, kumuha ka. Kung hindi ka makakuha. Humanap ka ng kapalit kung hindi mo mapalitan kumilos ka ng paraan kung hindi mo magawa ng paraan baguhin mo!

Ang taong walang goal ay walang paghahangad na magpursigi. Bakit siya magpupursigi nga naman ay wala naman siyang hangaring makamit sa buhay? Sasabihin natin: talagang ganyan ang buhay, O siguro’y ipinanganak akong mahirap. Ano ang magagawa ko kung ito talaga ang aking kapalaran? Wala akong pinag-aralan eh. Hindi ako nakatapos sa kolehiyo.

Ang taong nasisiyahan sa kanyang buhay, o ginagawa, o kalagayan, ay hanggang doon na lamang. Wala nga makapagtutulak sa kanya upang gumawa ng higit pa sa nararating na niya.

Iba ang mga taong may minimithing kamtin. Hindi sila nasisiyahan sa takbo ng kanilang buhay. At dahil sa hindi sila nasisiyahan ay umiisip sila ng mga paraan upang makamit nila, kahima’t paunti-unti ang kanilang hangarin.

Ang kailangan mo lamang ay MAG-ISIP KA! Gamitin ang iyong imahinasyon at magkaroon ng goal o hangarin nais kamtan

these are my confession

kapag tinanong mo ang isang tao ng "how are you?" at ang sagot nila ay "i am fine. thank you.", sa palagay nyo ba nagsasabi sya ng katotohanan? siguro tumugon lang siya bilang pag-galang o kaya para tigilan mo na siya sa paguusisa. napapansin nyo ba na kahit "i am fine" ang isinagot niya sa'yo, makikita nyo sa kanyang kilos o facial expression na meron siyang itinatago? sabi nga nila "action speaks louder than words." totoo hindi ba?

kapag nakakita ka ng bulalakaw, dapat mag-wish ka daw. tinanong mo na ba sa iyong sarili kung magkakatotoo ba talaga ang iyong minimithi? kung hindi ka mag-wish, ano ang mangyayari?

saan nga ba tayo pupunta kapag namatay? totoo bang meron langit, purgatoryo o impiyerno? alam naman natin na walang perpektong tao. lahat tayo ay nagkakamali. sabi ng pari dapat magsimba tayo tuwing linggo para magpasalamat sa mga biyayang natatanggap natin sa araw-araw. paano ang taong hindi nagsisimba pero nagdadasal naman araw-araw sa bahay o kahit saan sya maglakbay? sa palagay nyo ba sa langit ang punta nya? magkikita-kita kaya ang mga pumanaw na mahal natin sa buhay?

kasabihan nga meron daw kaban ng ginto sa dulo ng bahaghari. minsan nga gusto kong alamin kung meron talagang ginto. hinanap ko yun dulo ng bahaghari kaso sa ilog naman natapos. wala naman akong makitang ginto kungdi puro isdang maliliit. siguro yun mga isda ang ginto sa mensahe na ito. hindi ko naman pwedeng hulihin kasi sobrang liit nila.

yun mga suicide bomber, gusto kaya talaga nilang magpakamatay o napilitan lang sila? ano kaya ang pakiramdam habang sumasabog ang kanilang katawan? lahat kaya ng ginagawa nila iniaalay nila kay allah?

ilan sanggol kaya ang pinanganganak bawat oras? ilan sanggol naman ang may kapansanan? bakit kailangan pang ipanganak ang sanggol tapos mamamatay din naman pala sila? paano mo sasabihin ito sa mga magulang nya? umaasam sila sa paglabas ng kanilang supling pero kinuha agad siya ni kamatayan.

ilan sa atin ang napagbintangan ng kasalanan na hindi natin ginawa? kapag nasa mayamang angkan ang nasasakdal, kaya nilang bayaran ang hukom para mapawalang bisa ang paratang sa kanila. dahil ba kailangan nila pangalagaan ang kanilang karangalan sa mata ng tao? kapag dukha ang nasasakdal at pawang wala siyang kasalanan, bakit pilit pinababagsak sila? paano mo maipaliliwanang na meron tayong katarungan?

ikaw, siya, tayo... ano nga ba ang mga kasagutan nito?

Sunday, September 27, 2009

assumption,,the hyper tension theory

  1. the principle of unconscious transitions to basic emotions: individuals acquire a sequence of unconscious transitions from a bodily feeling or cognitive evaluation to a basic emotion that is appropriate to the situation but aberrant in its intensity. The onset of a psychological illness occurs with such transitions, but they continue to occur throughout the illness. Ibig sabihin mayroong tamang kumbinasyon ng pagkakasunod sa transisyon ng konsyuys sa mga payak na mga damdamin. Ang pagkakasunodsunod mula sa pakiramdam sa prosesong kognitibo ay tumutugma sa payak na damdamin o emosyon depende sa sitwasyon. Ngayon, ano ang problema? Ang di normal, ayon sa assumption ay ang labis o kakulangan sa lakas ng damdamin.

  2. The principle of no voluntary control: individuals cannot control their basic emotions, which depend on simple cognitive evaluations. Ang kasunod na pagpapalagay ay walang control ang mga indibidwal sa kanilang mga emosyon, na nakadepende sa mga kognitibong mga ebalwasyon at pagtataya. Nanganaghulugan itong wala sa indibidwal ang konsyuys na control sa kanyang mga damdamin na nakadepnde sa mga prosesong kognitibo na nagbabago nakasalalay sa sitwasyon. Bagamat kayang idetermina ng indibidwal siguro kung gusto niyang magkaroon ng spesipikong damdamin pero hindi rin ito direktang makakimpluwensya at makakapili ng emosyon.

  3. The ontological principle: psychological illnesses arise from transitions to basic emotions, which derive from the ontogeny of social mammals, and so, the taxonomy of psychological illnesses depends on their ontogeny. Ayon sa pagpapalagay na ito, nakadepende ang pagkakaroon ng mga sakit sa pag-iisip sa ontogeny ng mga tao at kung gayon, ang buong klasipikiasyon ng mga sakit sa utak ng tao ay nakasang-ayon sa ontogeny ng mga tao.

  4. The principle of vulnerability: individuals vary in vulnerability to psychological illnesses depending on innately determined conditions and on adverse environment. Ang mga indibidwal ay iba-iba. Ang mga ito ay maaaring magkaroon ng iba-ibang klase ng lakas o hina ng pusibilidad na magkaroon ng mga sakit sa pag-iisip. Titingnan ang laki o liit n prababilidad ng pagkakaroon ng sakit sa utak, hindi lamang sa mga namamanang mga rason o genetic ng mga sakit kundi maging ang impluwensya ng kapaligiran. Ang dalawang salik na ito ay maaaring makaimpluwensya sa taas o baba ng tyansa sa pagkakaroon ng indibidwal ng abnormalidad.

  5. The principle of inferential consequences: individuals focus on an aberrant basic emotion, they reason about it and its causes, and as a result, they become well practiced in reasoning about the topic, and their reasoning can maintain and generalize the illness. Malaki nag tendensiya ng mga indibidwal na tumututok sa hindi normal na emosyon na walang pinaghahawakan kundi ang sariling pagrarason. Maaari itong magspekuleyt at magkaroon ng sariling mga pagrarason tungkol sa mga pinanggalingan at pusibleng epekto nito. Ang resulta nito, sa katagalan ng pagkakaroon ng kung anu-anong rason habang namimintina, ay maaaring maging pangkalahatang pagtingen sa sariling sakit.

just unique ..

A Hyper-Emotion Theory of Psychological Illness is presented. It postulates that these illnesses have an onset on which a cognitive evaluation initiates a sequence of unconscious transitions yielding a basic emotion. This emotion is appropriate for the situation but inappropriate in its intensity. Whenever it recurs, it leads individuals to focus on the precipitating situation and to characteristics patterns of inference that can bolster the illness. Individuals with a propensity to psychological illness accordingly reason better than more robust individuals, but only on topics relevant to their illness. The theory is assessed in the light of previous research, a small epidemiological study of patients. Ang teorya ay may dalawang pangunahing silbi sa buhay ng tao, para sa akin ang isang bagay ay kinakailangan magkaroon ng silbi kundi wala itong kwenta. Ang silbi ng teorya sa buhay ng tao, meron itong kakayahang makapagpaliwanag at pangalawa, may kapasidad itong makapagdetermina nang mga pangyayari na hindi pa nagaganap. Ang hyper-emotion theory ay isa sa maraming teorya na nagtatangkang magkaroon ng silbi sa buhay ng tao. Ang tanong, mayroon nga ba itong saysay o wala? Sa tingin ko, mayroon itong silbi para Makita at mapansin ang mga sintomas ng mga sakit pero wala itong sagot sa totoong problema. Wala itong kapasidad na magpagaling sa sakit, bagamat meron itong kakayahang makapagpaliwanag at kapasidad na makapagdetermina ng mangyayari pa lamang. Isa-isahin natin ang mga assumption; may pagpapalagay na may sakit. Kung may sakit, may pinagmulan at mayroon itong kaakibat na mga sintomas at mga kaakbay na mga epekto, sa indibidwal na mayroong sakit at sa kanyang kapwa, maging sa lipunang kanyang ginagalawan. Makitid ang kategorisasyon sa mga normal at walang sakit. Pero napakalawak ng saklaw ng paggiging abnormal at pagkakaroon ng sakit. Ang kasunod na pagpapalagay, may mga sintomas na hindi agad na nakikita at hindi litaw, nasa lugar ito ng mga kognitibong proseso at mga transisyong hindi konsyuys. Ibig sabihin, mayroon itong katambal na mga pagkilos at konsyuys o mas malay na mga sintomas. At nagkakaroon ng akmang pagtatambal ang emosyon sa sitwasyon. Ang mga indibidwal ay nagkakaroon ng iba-ibang mga emosyon depende sa kung ano ang sitwasyon kung saan nakasalang ang indibdiwal. Dito nagkakaroon ng hindi pagtutugma, at ito ang sakit at problema.

Wednesday, September 23, 2009

READING - THE ROAD TO SUCCESS

reading creates a wisest person out of you ...
ito ay bagay na makototohanan ... higit pa sa A B C D
1 2 3 ang dapat niyang malaman ng isang tao ..
mahalaga na mapalawak ang kaalaman
at kakayahang natatago sa bawat bahagi
ng ating pagkatao ,. hindi ito imposible
ang libro at ang dedikasyon sa pagbabasa nito
ang pinakaimportante at pinakamabisang gabay
tungo sa pagkatuto.. ang magbasa ay masaya
kahit ito ay hindi biro ....

sa modernong panahon ng kasalukuyan
maraming kabataan sa mundo ang hindi
nabibigyan ng sapat na pagkakataon na magkaroon
ng maayosat de-kalidad na edukasyon dahil dito
nasasayang at nababaliwala ang potensyal at kakayahan
ng mga bawat sanay ,silang mga tagapagtaguyod
ng kinabukasan ..sanay mabigyan din sila ng pagkakataon
hindi ito imposible !! ang inaasan na pagkamulat ay mag uumpisa
sa pagkatuto .. ang ganap na pagkatuto ay
magmumula sa pagbabasa ...

Sunday, September 13, 2009

Sunday, August 9, 2009

pause muna ...

Buti pa sa Pc games may start, pause, game over.
Sa pelikula, pwede mong i-fastforward, rewind, pause and in the end of the movie they lived happily ever after, Happy Endings ika-nga.

Sa totoong buhay pwede kaya? pwede kayang baguhin ang nakaraan o ibahin ang mangyayari sa kasalukuyan. Alam nating imposibleng mangyari, pero sana pwede. Sana sa pag-ibig lagi nalang happy ang ending. Pero hindi eh, meron talagang taong itinadhana para satin.

Sana may sariling remote ang buhay na pwede nating i-pause pag pagod na, i-rewind para maperpek natin ang nakaraan. O i-fastforward kung gusto. Sana ang buhay parang laro sa computer na merong start, pause, o kaya game-over. I-pause kung pagod na. Game-over kung suko na.

Para saken, gusto kong i-pause muna yung buhay ko. gusto kong magpahinga. Mapag-isa. Kung pwede nga lang eh mawala na ko, yung biglaan, Ang dami kong problemang iniisip. Kung may magagawa nga lang ako edi sana oks na, hehehe. Balik tayo sa usapan, nakakapagod din ang mabuhay sa totoo lang. Paulit-ulit. Masasaktan. Masaya. Masasaktan. Iiyak. Masaya. Masasaktan. Ganun lang naman ang buhay eh. Minsan masaya minsan hindi, merong time na iiyak ka sa sobrang sakit. Haaaiy buhay nga naman. Sana ang buhay... START then Game-over.

untitled

For how many years

I dreamt of you

I let my mind traveled a hundred miles

Thinking that I’m with you

For how many years

All I wanted is you

My feelings never changed but it seems

I’m hopelessly in love with you

For how many times

I’ve been in loved

I gave my all to the man I had

But only heartaches and pain were all I got

For all those times

I think of you

Wishing that you will be at my side

And that with you I will never cry

For all of my life

I’d waited for someone like you

To hold and love me truly

And now that I have you in my life

I will love you faithfully

Because all I wanted since then

Is to love you forever

………..for all of my life.

isang beses sa buhay ko ?

Dumating ka at pinawi mo ang sakit na dulot ng aking nakaraan, pinaramdam mo sa akin na may halaga pa ang isang ako sa ating daigdig, hindi ka nagpadala sa emosyon na aking nadarama, at sa halip ipanakita mo kung gaano kasarap mabuhay.

Nahulog ang loob ko sayo at hindi ka naman nag atubiling saluhin ang nararamdaman ko, naging isa kang malaking bahagi ng aking pagkatao, naging inspirasyon ko sa maraming bagay at hangang sa itinuring kong buhay ko.

Na ngakong hangang huli may matatawag na “TAYO”, nangako na proprotektahan ka hangang makakaya at mamahalin ng lubusan hangang sa huling buntong hininga.

Minsan ng nangarap na maisakay ka sa bisikleta ng hinaharap, na ikaw ang kasama kong haharap sa diyos at mangangakong hangang sa huli tayong dalawa, susuutan ng singsing na tanda ng habang buhay na pagmamahalan, magkakaroon ng pamilya na ikaw ang kasama, tatayong nanay sa ating mga anak at sa pag tanda magkasama at magkahawak ang mga kamay hanga sa huling sandali ng ating buhay.

Ngunit lahat ng magagandang bagay ay may katapusan, umiwas ka at pinaramdam ulit ang sakit ng kahapon, hangang tuluyang nilisan ang mundong pinulan ng ating pagmamahalan..

Iniwan mo ako ng nag iisa, pinuno ng lungkot at luha ang dating mundong kay saya, hindi alam kung paano bubuuin ang mga nasirang mga pangarap. Hindi alam ang lugar na tinatahak. Tuluyan ng nawalan ng pag-asang mabuhay sa daigdig. Ngunit patuloy paring lumalaban para sa huwad na pagmamahal.

Sinubukang maghanap ng ikaw sa katauhan ng iba. Subalit akoy bigo. Magkahawak nga ang aming mga kamay, ngunit ikaw parin ang nasa aking isipan, magkasamang nga kaming maglakad sa lugar na pupuntahan. Ngunit ikaw parin ang hiniihilig na aking makasama. Alam kong mali kaya itinigil ko dahil labag sa aking kalooban na iparamdam ang sakit na ipinaramdam mo nung mga oras na akoy iyong iniwan.

Pinilit kong ibalik ang dating pagmamahalan. Ngunit akoy bigo, ngayoy mayroon ka na ng bagong nakakasama. Masakit man sa kalooban ngunit tinangap ko ng buong buo. Kahit ikaw parin ang sinisigaw ng damdamin, isunuko ko na ang pakikipaglaban sa pag ibig na ako na lang ang nakadarama.


Ngayoy akoy nahihirapan sa twing ikay aking nakikita. Sa twing maririnig ko ang tinig mo, pakiramdam koy bumabalik ulit ang awit sa aking puso, Masaya ko sa twing ikay aking nasisilayan. Anong galak ang dala dala sa aking puso twing ikay aking nakakasama. Ngunit kailangan ko ng tangapin na wala na talagang pag-asang maging tayo. Kailangan ko ng tangapin na hindi ko na maibabalik ang nakaraan. at hindi ko na makakayang buuin ang mga piraso ng mga pangarap nung mga panahoy ikay kasama pa..

Ngayon akoy nakikipaglaban sa aking sarili. Pilit iniiwas ang mga mata sa twing ikay makikita, pilit na ibinabaling ang atensyon sa ibang tao.

Alam kong masaya kana sa piling ng iyong mahal, kaya hindi na kita gagambalalain.
Kahit na gusto paring kitang protektahan at ipaglaban na kahit na sinong tao.

Mahal pa kita gusto ko itoy iyong malaman. Pero kailangan ko ng lumayo para sa ikabubuti ng inyong pagsasama. Alam ko sa sarili ko na hangang ngayon ikaw parin pinapagarap ko,hangang ngayon ikaw parin ang nasa puso ko, hangang ngayon ikaw parin ang gusto kong makasama. Hangang ngayon ikaw parin ang imahe sa mga awit na aking pinakikingan. Hangang ngayon ikaw parin ang nasa panaginip at pilit na paring itinatanging mahal parin kita hangang sa mga oras na ito. Kailangan ko ng lisanin ang tinuturi kong mundo na ikaw ang kasama ko. Pero huwag kang mag alala hindi maglalaho ang taong naging ako nung ikaw pa ang kasama ko.

Tao lang rin ako napapagod rin..

Maraming salamat sa lahat ng bagay na ginawa mo para sa akin. Salamat mga panahon na nilaan mo para lang makasama ako. Salamat at ipinaramdam mong may halaga pa ang ako sa mundong ito..


Salamat dahil sa isang beses sa buhay ko. minahal ako ng taong gaya mo :]

[alam mo na kung sinu ka hindi ko na siguro kailangan pang sabihin]


NinjangHubad: ang baduy talaga ng pagmamahal oh! oh!

[ ObsEssiOn ] ...... part 1

1. Nalaman kong hindi pala exam na may passing rate ang buhay. Hindi ito multiple choice, identification, true or false, enumeration, o fill-in-the-blanks na sinasagutan, kundi essay na isinusulat araw-araw. Hinuhusgahan ito hindi base sa kung tama o mali ang sagot, kundi base sa kung may kabuluhan ang mga naisulat o wala. Allowed ang erasures.

2. Nalaman kong marami palang libreng lecture sa mundo, ikaw ang gagawa ng syllabus. Maraming teacher sa labas ng eskwelahan, desisyon mo kung kanino ka magpapaturo. Lahat tayo enrolled ngayon sa isang university, maraming subject na mahirap, pero dahil libre, ikaw ang talo pag nag-drop ka. Isa-isa tayong ga-graduate, iba’t-ibang paraan. Tanging diploma ay ang alaala ng kung ano mang tulong o pagmamahal ang iniwan natin sa mundong pinangarap nating baguhin minsan.

3. Dalawang dekada ka lang mag-aaral. kung di mo pagtitiyagaan, limang dekada ng kahirapan ang kapalit. Sobrang lugi. Kung alam lang yan ng mga kabataan sa pananaw ko ay wala ng gugustuhing umiwas sa eskwela.

4. Hikayatin mo lahat ng kakilala mo na magkarron ng kahit isa man lang na paboritong libro nila dahil wala ng mas nakakaawa pa sa mga taong literado pero hindi nagbabasa.

5. Hindi lungkot o takot ang mahirap sa pag-iisa kundi ang pagtanggap na sa bilyon-bilyong tao sa mundo, wala man lang nakipaglaban upang makasama ka.

6. Kumain ka na ng siopao na may palamang pusa o maglakad sa bubog nang nakayapak, pero wag na wag kang susubok mag-drugs. Kung hindi mo kayang umiwas, humingi ka ng tulong sa mga magulang mo dahil alam nila kung saan ang mga murang supplier at hindi ka nila iisahan.

7. Tuparin ang mga pangarap. Obligasyon mo yan sa sarili mo. Kung gusto mo mang kumain ng balde-baldeng lupa para malagay ka sa Guinness Book of World Records at maipagmalaki ng bansa natin, sige lang. Nosi balasi. wag mong pansinin ang sasabihin ng mga taong susubok humarang sa'yo. Kung hindi nagsumikap ang mga scientist noon, hindi pa rin tayo dapat nakatira sa jupiter ngayon. Pero hindi pa rin naman talaga tayo nakatira sa jupiter dahil nga hindi nagsumikap ang mga scientist noon. Kita mo yung moral lesson?

8. Kung paniniwalaan namin kayo na hindi naglaro ng tubig kahit na basa ang damit n'yo, kayo ang niloloko namin; hindi kayo ang nakapanloloko.

9. Kahit kelan walang maling desisyon, nagiging mali lamang ito kapag hindi napapanindigan.

10. Sa mga taong di nagpaparamdam sa kanilang mga kaibigan e mabuting patayin nalang namin kayo para magparamdam kayo.

11. Paano mo masasabing special ka sa isang tao kung ang bawat ginagawa niya sayo ay ginagawa din niya sa iba?

12. Handa ka bang magtanim ng batas sa gubat? kaya mo bang ipag utos sa mga hayop ang respeto? desidido ka bang damitan sila ng dangal at prinsipyo? determinado ka bang sugpuin ang kabangisan? nais mo bang magturo ng malasakit sa kapwa at pagkakaisa? kakayanin mo bang magpadikta sa bulong ng konsensya? gusto mo ba talagang makialam sa natural na takbo ng buhay - sa gubat?

13. Marami na ang ayaw sa Pilipinas pero walang nagtatanong kung gusto sila ng Pilipinas.

ang kabataan sa bagong milenyo

Mula sa isang pintig na nabuhay sa isang sinapupunan ng ina, inalagaan ng siyam na buwan, ipinanganak at nagkaroon ng bagong mundo mula ng isilang. Sa paglipas ng panahon, lahat ay nagbago. Panahon kung saan nagkaroon ng isip, sariling pananaw at isang katauhan. Hindi lang sa paglaki ng sukat at timbang kundi sa paglago ng isang katauhan. Bawat tao ay makaranas na maging isang kabataan.Ngunit ano nga ba ang kabataan? Kabataan ng bagong henerasyon…ng bagong milenyo? Ibang iba nga ba ito sa nakalipas na panahon? Maituturing pa nga ba na ang kabataaan ay pag-asa ng bayan? Sino at ano nga ba ang kabataan sa bagong milenyo.

Ngayon ang kabataan sa makabagong panahon, ay ibang iba kung maituturing. Kadalasan sakit ng ulo, rebelde at liberated. Di marunong pagsabihan, di makaintindi, walang galang, mabisyo- alak, sugal at sigarilyo. Ito daw ang gusto nila! Ang iba naman ay pakalat kalat sa lansangan, mga palaboy, may hawak na patalim, baril, droga at rugby.

Pero naisip ba natin, kung bakit sila ganito? Alam ba natin ang dahilan kung bakit nila sinisira ang kanilang mundo? Wala. Wala tayong alam! Ang alam lang natin ay husgahan sila at maging bulag sa katotohanan.

Di lahat ng kabataan ay matuwid, nag aaral, magalang at masasabing kapakipakinabang sa murang edad pa lamang. Masasabi ngang di panatay pantay ang tao sa mundo, may mas nakakaangat at mayroong tinatapon sa lansangan na parang walang pakinabang.

Ang kabataan, madalas nagkakamali, nasasaktan pero dito sila nagiging malakas. Nabubuhay sila sa isang kuwebang madilim at nais makahanap man lang ng kaunting liwanag. Nabubuhay sila sa dilim, kung saan, kulang sila sa pansin, pag aaruga at pag mamahal. Iyon siguro ang dahilan kung bakit sila gumagawa ng kapalpakan. Upang mabigyan ng pansin, simpatya, pag aalaga at pag mamahal.

Ang kabataan ay isang estado ng tao o panahon nila na kung saan sila ay bumubuo ng isang katauhan, na magagamit nila sa kanilang pag tanda. Nagkarakaroon sila ng sariling isip pananaw at kalayaan. Kadalasan sila ay di maintindihan, puro pag kakamali at laging nasasaktan. Naririnig sa kanila ang hikbi, makikita ang lungkot sa kanilang mga mata, may sakit at pighati sa kanilang mga puso. Pero iilan lang ang nakakarinig, nakakakita at nakakaramdam. Lahat sila ay bingi, bulag at manhid sa na nararamdaman ng iba.

Hindi nila kasalanan kung anu ang buhay nila ngayon. Biktima din lang sila , na kanilang pangangailangan at emosyon. Magkamali man sila ng ilang beses, isang daang beses o ilang libong beses, tao din sila, na habangbuhay…may karapatan din silang magbago.

Kabataan sa bagong milenyo, kadalasan nahuhusgahan pero di ito ang kailangan nila. Patnubay at pagmamahal yun ang dapat sa kanila. Kahit ano pa man sila ngayon, tatanda at magtatanda rin sila at magiging pag asa ng bayan. Sila ang magiging instrumento sa pag babago at kaunlaran. Pag mamahal at pag titiwala yan ang kanilang inaasahan. Hanggat marunong silang mangarap at may naniniwala pa sa diyos… Di pa huli ang lahat. Yan ang kabataan, madupilos, madapa man… babangon pa rin, tatalon…sasabay sa makabagong tugtugin ng bayan at hinding hindi mawawalan ng pag asa. Ang kabataan ng bagong milenyo, buhay at bagong liwanag ng susunod na henerasyon. Sila ang magiging pag asa ng ating bayan.

word of wisdom ...

“Kung hindi mo mahal ang isang tao, wag ka nang magpakita ng motibo para mahalin ka niya.”

“Hindi porke’t madalas mong ka-chat, kausap sa telepono, kasama sa mga lakad o ka-text ng wantusawa eh may gusto sayo at magkakatuluyan kayo. Meron lang talagang mga taong sadyang friendly, sweet, flirt, malandi, pa-fall o paasa..”

“Pag hindi ka mahal ng mahal mo wag ka magreklamo. Kasi may mga tao rin na di mo mahal pero mahal ka… Kaya quits lang.”

“Kung dalawa ang mahal mo, piliin mo yung pangalawa. Kasi hindi ka naman magmamahal ng iba kung mahal mo talaga yung una.”

“Mahirap pumapel sa buhay ng tao. Lalo na kung hindi ikaw yung bida sa script na pinili niya.”

“Ang pag-ibig parang imburnal… nakakatakot mahulog… at kapag nahulog ka, it’s either by accident or talagang tanga ka.”

“Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin ang puso mo. Tumitibok lang yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag mong isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay! Tandaan mo: magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo, kundi IKAW mismo!”

“Huwag magmadali sa babae o lalaki. Tatlo, lima , sampung taon, mag-iiba ang pamantayan mo at maiisip mong hindi pala tamang pumili ng kapareha dahil lang maganda o nakakalibog ito. Totoong mas mahalaga ang kalooban ng tao higit sa anuman. Sa paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan nagmumukha ding pandesal, maniwala ka.”

“Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawak ng iba.”

“Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang.”

“Huwag na huwag ka hahawak kapag alam mong may hawak ka na.”

“Parang elevator lang yan eh, bakit mo pagsisiksikan ung sarili mo kung walang pwesto para sayo. Eh meron naman hagdan, ayaw mo lang pansinin.”

“Kung maghihintay ka ng lalandi sayo, walang mangyayari sa buhay mo… Dapat lumandi ka din.”

“Pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo. Malay mo sa mga susunod na araw ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang.”

“Hiwalayan na kung di ka na masaya. Walang gamot sa tanga kundi pagkukusa.”

“Minsan kahit ikaw ang nakaschedule, kailangan mo pa rin maghintay, kasi hindi ikaw ang priority.”

“Bakit ka magpaparamdam sa taong hindi marunong makaramdam?
Wag kang magpakatanga sa taong hindi marunong magpahalaga.
Matuto kang sumuko at mang-iwan kung lagi ka naming sinasaktan.
Imbes na magtanong ka ng ‘Hindi pa ba sapat?’ Bakit hindi mo na lang kalimutan ang lahat?
Kung alam mong binabale-wala ka na, tanggapin mong nagsasawa na siya. .
Wag kang magpadala sa salitang ‘sorry’ at ‘ayokong mawala ka’. Kung totoo yun, papatunayan nya.”

“Minsan nililinlang ka na lang ng sarili mong damdamin na akala mo nasasaktan ka pa din. Pero ang totoo-naalala mo lang talaga yung pakiramdam nung nasaktan ka. Pareho lang din yun sa pag-aakalang mahal mo pa yung tao pero ang totoo- naiisip mo lang yung pakiramdam mo dati nung mahal mo pa siya.”

“Alam mo ba kung gaano kalayo ang pagitan ng dalawang tao pag nagtalikuran na sila? Kailangan mong libutin ang buong mundo para lang makaharap ulit ang taong tinalikuran mo.”

“Mas mabuting mabigo sa paggawa ng isang bagay kesa magtagumpay sa paggawa ng wala.”

“Hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohan, at hindi lahat ng hindi mo kayang intindihin ay kasinungalingan.”
“Pakawalan mo yung mga bagay na nakakasakit sa iyo kahit na pinasasaya ka nito. Wag mong hintayin ang araw na sakit na lang ang nararamdaman mo at iniwan ka na ng kasiyahan mo.”

“Gamitin ang puso para alagaan ang mga taong malalapit sa iyo. Gamitin ang utak para alagaan ang sarili mo.”

“Bakit ka matitiis sa taong alam mong sakit lang sa ulo mo? Wag mong ikulong ang sarili mo sa hawlang ginto pero sira ang kandado. Sino bang may sabing hindi madaling makahanap ng kapalit? Kahit ibon marunong maghanap ng bagong pugad, tao pa kaya?”

"Ang babae, nirerespeto, inaalagaan! Hindi yan PSP na bubunutin mo lang sa bulsa pag gusto mo ng paglaruan.Hindi yan IPOD na papakinggan mo lang kapag wala kang libangan. At hindi yan RED HORSE na pwede mong laklakin hanggang madaling-araw. Ang babae, marami mang arte sa katawan, hindi yan gadget para kolektahin at paglaruan."

"Pag pinag-aagawan ka, malamang maganda ka o gwapo ka.
Tandaan mo: Sumama ka sa mabuti, di sa mabait. Sa marunong, di sa matalino. Higit sa lahat, sa mahal ka, di sa gusto ka."

"pag pinag dugtong daw ang tenga ng tao.. korteng PUSO.
kaya sabi ni Pareng Bob.. Kung hindi ka marunong makinig..
hindi ka din marunong mag mahal.."

"Ano namang mapapala mo sa kakaisip sa nakaraan at sa mga pwede pang mangyari? Wala ka naman cgurong super powers para maibalik ang nakalipas na. Dapat matuto kang pahalagahan ang mga nangyayari sayo sa kasalukuyan. I-enjoy mo lang ang buhay. Wag kang Emo. Hindi ka talaga magiging masaya kung di mo tutulungan ang sarili mo. Natural lang na makaramdam ng lungkot paminsan-minsan pero ang pagiging miserable? Wag kang hibang, choice mo yan."

"Paano mo masasabing special ka sa isang tao kung ang bawat ginagawa niya sayo ay ginagawa din niya sa iba? "

"hindi biro ang pagbabasa, rite of passage to, pag natuto ka ibig sabihin nabinyagan ka bilang 'literate'. kaya mong magbasa ng mga kasinungalingan sa dyaryo, ng mga subtitles sa mga foreign movies at mag vandalism sa upuan ng bus"

"sabi nila kahit ano daw problema, isang tao lang ang makakatulong sa yo - ang sarili mo.... kaya siguro namigay ng konsensya ang dyos, alam nyang hindi sa lahat ng oras gumagana ang utak ng tao"

"minsan pala kailangan rin ang lakas para sabihing mahina ka.... ang karapatan kong madapa at bumangon sa buhay ng walang tatatawa, magagalit, magtatanong o magbibilang kung ilang beses na kong nagkamali at ilang ulit ako dapat bumawi"

"paghahangad ng diploma - ritual yon, tradisyon, sakramentong hinihingi ng lipunan para makapagtrabaho ka at kumita nang disente. at oo, para na rin respetuhin ka ng ibang tao"

"parang 'times up' ang reunion, 'pass your papers, finished or not'. oras na para husgahan kung naging sino ka o kung naging magkano ka"

"kung pumapasok tayo sa eskwela para lang makahanap ng trabaho at kumita ng pera balang-araw, di na nakakapagtaka kung bakit marami ang namamatay na mangmang. nakalimutan na ng tao ang kabanalan nya, na mas marami pa syang alam kesa sa nakasulat sa transcript of records nya, mas madami pa syang magagawa kesa sa nakalista sa resume nya at mas mataas ang halaga nya kesa sa presyong nakasulat sa payslip nya tuwing sweldo"

"habang lumalaki ka, maraming beses kang madadapa. bumangon ka man ulit o hindi, magpapatuloy ang buhay, iikot ang mundo at mauubos ang oras"

"marami palang libreng lecture sa mundo, ikaw ang gagawa ng syllabus. maraming teachers sa labas ng eskwelahan, desisyon mo kung kanino ka magpapaturo"

"ang liit at laki ay nasa isip lang. nasa pagsisikap lang yan"

"walang mangyayari sa buhay mo hanggat hindi ka tumitigil sa paninisi sa iba sa naging kapalaran mo"

"paggawa na ba ng kabutihan ang hindi paggawa ng kasamaan?

..just ispik ...

.... kailan ka pa ba mananahimik dyan?? kapag wala nang magsasalita??..

.kailan pa yun??

mamaya?? bukas??? o hihintayin mo pang magmilagro??

....ikaw na mismo ang gumawa ng hakbang upang mapakinggan kung ano ang nasa saloobin mo... wag matakot na awayin ka ng ibang tao... ikaw yan... opinyon mo yan... pagmamay-ari mo ang boses mo...

....ngayong malapit na ang halalan... ngayong yumao na ang Ina na demokrasya... mananatili ka pa bang tahimik at walang pakialam sa paligid mo...? Hoy! GISING!

...ikaw na ang may hawak nang buhay ng ating bansa... hahayaan na lang ba nilang maagaw sa iyo ang bola?? kaya mo pa kayang rebound?? ano?! kailan ka pa kikilos??

.......ikaw na mismo ang gumawa... ako mismo ang gagawa ng akin... kanya-kanya pero iisa lang ang motibo... sayo yan... akin ito... iba't ibang trabaho pero tulong-tulong... tayo na ang susunod na aayos sa nasirang bayan.. kailangan nang ayusin at ibalik muli sa dati... nakaraang dati pang inaasam...

...kung hindi man maibalik sa dati... ayusin muli... kung saan nararapat.. kung ano ang alam nating tama... sa atin ito... aayusin natin mismo...

dahil ikaw, tayo ako mismo ang gagawa ng hakbang...

...kaya ngayon simulan mo nang magsalita....

Tuesday, August 4, 2009

Corry passed away

PHOTO COURTESY OF GOOGLE

As I woke up this morning, I was shocked by my classmate's text message saying Former President Cory Aquino finally joined our Creator in heaven.

For how many days now, prank text messages about Cory's death has been inconsiderately circulated so I did not believed the text message I received right away. In fact, I was still unconvinced as I wrote this post. But after reading this reports from the internet and seeing the full blown coverage of her death in national television, it was really over for our beloved Cory.

One with all the nation who are grieving for her demise, I'm extending my heartfelt condolences to the bereaved family of Tita Cory. Even to the whole nation, aside from Tita Cory's immediate family. As someone who restored the democracy of this country, Cory was well loved by us Filipinos. Her death is something that would not only grieve a family or two but the entire nation. Truly, our country has lost its mother. And this is not going to be easy for us all.

As a blogger, I am appealing to my fellow bloggers to pray for the soul of our kind mother., although rest assured that wherever she is right now, she's at ease with our Father. Goodbye our dearest President Cory and thank you for everything. We love you and you will always be remembered in our brains and in our hearts.

LibrE Lang Mangarap ...

pangarap

TAON: III | BILANG: 3 | DAMA: :)

Charity -tawag sa OT (overtime) na walang bayad, in short tinutulungan mo ang isang kumpanya para yumaman. Kaw nagcha-charity works ka ba?

Anong related nito sa next topic ko? wala lang hehehehe :D

o well, papel, efel, kamakailan nakatanggap ako ng comment mula sa isa kong fan. (hulols) Nyahahhaha. s’ya ay si Ar’o mula sa e-bahay n’yang may titulong batanglakwatsero

Nagpapatulong s’ya sa kanilang aralin ukol sa epekto ng blog sa mga mambabasa at manunulat nito. Mula sa kasaysayan nito patungo sa mga kahalagahan upang matunton ang ugat kung paano ito nakakaapekto sa emosyonal na bahagi ng blogger at ng mambabasa.

At dahil tayming na tayming ito dahil sa nais kong ilahad ngayon, at dahil nais kong makatulong ay gagawin ko ito.

UGAT – Nagsimula akong magblog tatlong taon na ang nakakalipas, nag umpisa ito matapos bumagsak sa College Entrance Exam ng PUP. Sa sobrang kalungkutan na hindi ko makuha ang totoong gusto kong kurso at kawalan ng pag-asa na malabo na akong maging broadcaster balang araw, umusbong ang konsepto kong libre lang mangarap.

Naisip ko na lang na gumawa ng isang blog kung saan masasaad ang mga pangarap kong wala ng katuparan, pero dahil naniniwala akong wala namang bayad ang pangangarap at naniniwala akong sa simpleng pamamaraan na ito ay maaari akong makakabahi ng konting inspirasyon at aral sa mga maisusulat ko.

Pinangako ko kasi sa sarili, na tutuparin ko ito dahil hindi pa naman huli ang lahat, habang may kumpleto pa ang katawan ko at nasa matino pa akong pag-iisip :)

KAHALAGAHAN -Kung may halaga man ang blog sa’kin, ito yung tinatawag na: (1) nagkakaroon tayo ng layang maglabas ng kanya-kayang saloobin sa mga bagay-bahay o pagkakaroon ng boses sa mga isyu sa paligid at pamayanan (2) nagkakaroon tayo ng mga idea o mas lalo nating naiintindihan ang mga bagay sa simpleng pamamaraan o paliwanag sa pamamagitan ng opinyon ng iba (3) nagkakaroon ako ng kaibigan kung saan nagbibigay sa akin ng mga paalala at gabay o kahit opinyon na kapupulutan ko ng aral sa sariling kuwento o naisulat (4) Nagkakarron din ako ng pagkakataong makihalubilo sa mga taong hindi ko naman kakilala at malayang nakakapagbigay din ng komento na masasabi kong napakahalaga bilang isang mahusay na blogger (5) at higit sa lahat at saganang akin nagkakaroon ako ng pag-asa sa mga pangarap kong naudlot sa pamamagitan ng pagsubaybay dito.

EPEKTO/EMOSYON – katulad pagpapaliwanag ko sa kahalagan halos katulad din ng epekto ang kahulugan nito . Kung maisisingit man natin ang epekto nito sa emosyonal na mambabasa ito siguro yung: (1) Masasabi mong nakakapulot ka ng aral o inpormasyon, at habang tumatagal mas lalo itong nadaragdagan (2) Siguro, na-ilalagay mo ang sarili mo sa sitwasyon habang binabasa mo ang salaysay ng iba at mapapatanong ka, paano kung nangyari din sakin ‘to? (3) Sa sitwasyong nakakatanggap ako ng magagandang kumento, malaking epekto ‘to para mas pag-igihin mo pa ang mga naisusulat mo. Kumbaga sa isang vitamina ito yung nagbibigay sustansya sa blog mo. sa pamamagitan kasi ng komento masasabi mong naging matagumpay ang post mo.

Malaki talaga ang nagiging epekto nito sa kapwa mambabasa at manunulat. at bilang blogger na napapaloob sa dalawang uri na ‘yan, may opinyon din ako d’yan.

mambabasa -sa maling interpretasyon na maaring makuha nila sa nilalaman ng post mo, maaari din itong maka sugat sa kamalayan ng tao. Ang pagbabablog kasi ay hindi lang napapaloob sa sinasabing malayang pagpapahayag bagkus responsibilidad dahil maari kang makainpluwensya.

manunulat -sa blogger na tulad ko dalawa lang ang maaring maging epekto nito mula sa komento ng mambabasa. epekto na nakakataba ng puso at epekto na nagpaapekto ka talaga hehehe. Sabi nga nila, ang komento ang nagiging kabayaran sa mga pagkukuwento mo, maliban na lang kung may Ads ang blog mo. Kaya nga yung iba halos pasukin na ang lahat ng bahay-blog at magsabi ng “padaan po” para mapuntahan din ang bahay n’ya at baka sakali ding makatanggap din ng puna.

parang ang nagiging batas na nga sa blog ay “koment mo ko, koment kita” hehehehe.

Pero dahil naman doon, umuusbong ang matibay na pag i-spamman este pagkakaibigan. Kaya nga usung-uso na ang GEB (group eye ball).

(At nangalap talaga ako ng case study) :D

Ayon kay Jason ng jasonhamster ang bagong RIZAL

Malaki daw ang naging epekto nito sa araw araw n’yang pamumuhay, tulad ng dati n’yang pag ku-computer games ngayon ay pagbablog na lang.

Sa blog daw kasi nagkakaroon s’ya ng kaibigan yung tipong di ka iiwanan, kumpara sa mga high school o college friend na panandalian lang.

Sa pamamagitan daw ng blog mas nalalabas n’ya kung sino s’ya at nakakapagpalabas ng kanyang sariling opinyon (tulad ng ibang blogger)

Kung mayroon man daw na napakalaking pagbabago sa buhay nya ito yung hindi na s’ya naging mahiyiin. Oo nga naman, na meet na nga n’ya yata lahat ng blogger Nyahahahahaha :) )

Sa mga tulad naman nila Rye (Malaysia), Dencio (UAE) at Bluguy (Italy) kapwa nasa iba’t ibang parte ng mundo, paraan din ito para libangin ang sarili sa kapaki-pakinabang ng paraan. at sa aking palagay para din makabalita mula sa kanilang pinanggalingan.

Kung pag uusapan naman ang emosyon, siguro pumapasok pa rin dito ang komento. pero gaya ng sabi ko ang KOMENTO ay KOMENTO gaano man kasakit o gaano man nakakagago, sa pagbablog kasi matatanggap mo lahat ng uri ng komento, may pambabastos, may pagmumura, at may paninira pa nga ang iba.

Minsan nakatanggap ako ng ganito, masakit syempre sa una, pero matatanggap mo din kalaunan, sa masasakit kasi na puna doon ka pa matututo, doon mo maitatama ang mga bagay na sa tingin ng iba na di kagandahan at sa pansarili mo na ring kamalayan.

Waaaa nosebleed na ‘to. partida tagalog post ‘to.

Hindi ko na kaya!, ganito na lang,

kung gusto n’yo tumulong ukol sa:

epekto ng blog sa mga mambabasa at manunulat nito. Mula sa kasaysayan nito patungo sa mga kahalagahan upang matunton ang ugat kung paano ito nakakaapekto sa emosyonal na bahagi ng blogger at ng mambabasa.

Friday, July 31, 2009

.. [] /amp [] ..?

wlang kwenta
its a sad day nmn



b0ring ...

Sunday, July 26, 2009

sayang na pagkakataon

wala lang akong magawa ngayon, kaya nagsulat nalang ako ng nararamdaman ko…

sayang talaga ang mga nangyari noon,… hindi ko na pwedeng ibalik dahil nasarhan na ako ng pintuan ng puso niya.. mayroon na siyang iba ngayon, at yun ang buhay niya,… ang bago niyang buhay ngayon ay iba na sa dati.. hindi na kami pwdeng magkita, dahil bawal.. wala ng pag-uusap na mangyayari, dahil bawal na sa bahay nila.. wala ng pagpapadala ng mensahe sa cellphone, dahil minsan nalang siya gumagamit nito.. wala na yung mga masasayang pangyayari sa buhay ko dahil wala na ang kaligayahan ng buhay ko..

hahayyy ang buhay nga naman.. parang minsan lang yun na tinatawag niya pa akong anghel at tinatawag ko siyang sanggol.. ngayon ay nawala na iyon lahat.. ang taong tanging minahal ko ng lubusan ay kinuha na sa akin, at ang pangako namin noon na maghihintay sa bukas, iyong bukas na pwede na kaming magsama, ay kinalimutan niya, at naghanap ng iba..

ngayon, nalaman ko na may bago siya, ay lubos akong natawa, ngunit sa dulo ng tawang iyon, ay mga luha na noon ko pa sana gustong ipalabas. pero ang sabi niya, ay wala lang daw iyon, pero kahit nasabi niyang wala lang iyon, ay nasaktan parin ako, dahil kinalimutan niya ang pangako niya sa akin..

bakit ba siya ganoon.. wala naman akong galit sa kanya, pero hindi ko tlaga siya makalimutan.. sa sandaling panahong iyon, ay naranasan ko ang umibig…

at sa panahong iyon, akala ko alam ko na lahat ang tungkol sa pag-big, na masasabi ko na experto na ako sa bagay na iyon, pero mali pala ako.. marami pa akong hindi alam…

noon, akala ko, dahil ayaw ko siyang mawala sa buhay ko pag sobrang mahal ko na siya, ay binaliwala ko nalang siya habang bago pa kami, dahil baka hindi ko makayang mwala siya pag sobra na ung pagmamahal ko sa kanya..

ang hindi ko alam, ay sa simulat simula pa ng pag ibig namin, ay labis ko na siyang minahal.. kaya ng sumuko na siya sakin, saka ko palang naisip iyon.. na pinakawalan ko ang taong mahal na mahal ko…

ngayon, nagsisisi na ako, pero wala na akong magawa.. may kandado na ang puso niya sa akin, at hindi ko na alam ang paraan para mabuksan ulit iyon.. sana kung saan man siya ngayon, ay maligaya siya,,.. dahil ako, ay maligayang maligaya, dahil siya ang una kong pag-ibig, at ang iniibig ko hanggang ngaun..

pero bago ko ito tapusin, mayroon lang akong tanong na hindi ko kayang sagutin,….

MAHAL NIYA BA AKO?

MINAHAL NIYA BA TALAGA AKO?

O AKO LANG ANG NAGMAHAL SA KANYA?

TAMA BA AKO, NG MINAHAL KO SIYA?

Friday, July 24, 2009

bLoggEr

Pwede ba tagalog dito?

Fist time ko mag-blog sa talagang "blogging site"
May nakapagsabi sa kin na ok ang site na ito. So subukan ko po.

blog..ndi ba ito young sound pag may biglang bumagsak? hmm..yun na siguro yun, mga ideas na biglang bumabagsak sa utak tapos type na lang...

pero madalas ko nakikita sa mga blog na to..puro tungkol sa love. hay nku wala na tlga tatalo sa topic na yan...magsusulat din ako tungkol dyan sa susunod. Meron din ako nakita mga tula..ewan ko kung sila tlga gumawa nun, kasi may nkita ako OK yung tula tapos nalaman ko na lang na lyrics pala ng kanta yun...nampucha akala ko malalim na tao na yun. Pero yun ang kagandahan sa blog..ndi mo kelangang maging malalim...kahit punuin mo ng smliey ok lang! parang sa testi may bulaklak pa di ba? Ndi kaya wala lang silang masabing maganda?

Naalala ko dati nung college pko sa mapua, yung english teacher namin, magaling...before magstart ang class..gawa daw kmi babbling...isulat daw namin kahit na anu nasa isip namin..kahit na ilang sentence or word lang...kaya nsulat ko tungkol sa dyip, sa byahe ko, sa pamasahe, sa pagkalate ko, sa taho na sobra sa arnibal.Pero habang tumatagal..nagkakasense yung pinapagawa samin, lam mo yun, mas napapansin ko na mga bagay sa paligid: kung bakit iba2 mga kasabay mo sa dyip araw2, kung bkit may malaking orasan sa city hall..at ang silbi ng underpass...at kung bakit may arnibal sa taho...at ang sago ay extra lang

tama na to haba na..blog!!

Wednesday, July 22, 2009

[ stript dart ]

NAALALA KO minsang nag-iinuman kami ng tropa at batung-bato na sa mga kuwentong paulit-ulit habang nagda-darts. May nag-suggest na maglaro kami ng kakaibang laro:

STRIP DART.

Simple lang ang rules:

  1. Iinom ng isang basong beer bago tumira sa dart board.
  2. Babato ng tig-dalawang darts ang bawat kasali sa laro.
  3. Ia-add ang total points ng dalawang throws.
  4. Everyone will have one turn to throw.
  5. Ang pinakamababang score pagkatapos ng isang round ng batuhan ay mag-aalis ng isang saplot na nakasuot sa katawan.

Ala-una na ng madaling araw. Nasa garahe kami ng isang bahay. Pumayag ang lahat. Mga walo kaming tipsy na kasali sa kaistupiduhang ito.

Unang round: tanggalan ng relo, singsing, kuwintas, cellphone at sapatos ang mga lowest score. Easy. Tawanan ang lahat.

Round two: T-shirts, medyas, sinturon. Tawanan pa rin.

Pangatlong round: Heto na ang unang biktima na may pinakamababang iskor. Nakapantalon na lang siya kaya ito na ang susunod na matatanggal. Tawanan lalo. Alaskahan nang todo. “Hubad naaaa! Hahaha!”

Susunod kaya siya sa pinagkasunduan? Sa kanya nakasalalay ang tagumpay ng palaro.

“’Tang-ina ‘pag hindi kayo sumunod, yari kayo sa akin!” sabay tanggal ng jeans. Halakhakan ang lahat! Tahulan ang mga aso sa labas. Parang nakikitawa rin sa hitsura ng isang mataba na ari na lang ang may takip.

Round four and five: Naka-underwear na lang ang lahat by this time. Maginaw na ang hangin. Pero tawanan pa rin tuwing may nakakapansin ng mga bilbil sa tiyan, hindi pantay-pantay na kulay ng balat dahil sa sinag ng araw at mga parte ng katawang maraming balahibo kahit hindi dapat.

Round six: May tao sa gate! “Tao poooo!”

Si Mang Cando, isang respetadong manginginom ng baranggay. Pumasok siya bigla sa gate gaya nang nakagawian niya sa bahay na ‘yun. Akala niya kakilala niya ‘yung mga nag-iinuman.

Hindi na kami nakakilos lahat. Lasing. Hubad. Nilalamig. Paano?

Napatigil kami. Napatigil din si Mang Cando sa nakita niya: Mga hubad na lasing sa kanyang harapan.

Puro kami lalaki.

“Yaaaaaaahhhh!!!” nagsisigaw siyang tumakbo palabas ng bahay.

“Putang-ina! Mga bakla! Patawarin kayooo!!!”

Mula noon hindi na siya uminom ng alak.

Hindi na rin kami nag-darts.

Pero tuwing nakikita namin si Mang Cando, kinikindatan namin siya.

Sabay tawa.