Sunday, June 27, 2010

Ang liit at laki ay nasa isip lang. Bakit kami nina Bubuyog at Gagamba, may naipundar din kami kahit papano. Nasa pagsisikap lang 'yan ng tao!
Ang kapangyarihan ay tatagal lang ng ilang taon - anim, sampu, dalawampu.... pero ang impluwensya, daangtaon.
Ayos ang reputation, pero hindi ang character. May nangangamoy politician.
Naniniwala akong walang manunulat na kahit isang beses sa buhay n'ya e hindi nagkasala ng panggagaya
Ano pa ang gusto mong malaman?
Natawa ka man o nandiri sa pagkaing may kakaibang pangalan, isang patunay lang yan na apektado ka ng salita.Pakiramdam ko e gusto n'ya 'kong maiyak sa tuwa dahil sa swerteng hatid n'ya sa aking panandaliang buhay dito sa mundo.makakapagbago ka lang kung kaya mo nang aminin na hindi mo mapagkakatiwalaan ang sarili mong pag-iisip, dahil ito rin ang nagtutulak sa 'yo sa bisyo.O unggoy na sumulat ng tula para sa makulay na paraiso sa ilalim ng dagat?
Paano ko sila pasasalamatan kung ngayon ko lang naintindihan ang mga itinuro nila?
pero masaya akong hindi ko maaabot ang galing n'ya sa pagsusulat at lalim ng pananaw. Ibig sabihin habang buhay akong may titingalaing idolo.O daga kaya na napaluha sa tuwa dahil sa damdaming taglay ng papalubog na araw?Hindi lahat nabibigyan ng pagkakataong magsulat. Hindi lahat nabibigyan ng boses sa papel.May utak naman ako, pero pinili ko na maging bobo. Aminado akong kasalanan kong maging late nung araw na 'yon, pero mas kasalanan ang hindi ko ipaglaban ang simpleng karapatan sa loob ng klase.kung hindi mo raw babasahin ang mga libro mo, hindi talaga libro ang pag-aari mo kundi mga tinta at papelLahat meron. Sari-sari. Iba-iba. Tulad din ng tao. Utak ng tao. Dahil ang bawat libro ay maliit na litrato ng utak ng tao.Naniniwala akong walang manunulat na kahit isang beses sa buhay n'ya e hindi nagkasala ng panggagaya.Sa ngayon, ang sundot-kulangot ang nagsisilbing katibayan ng karapatang minsan nating ipinaglaban alang-alang sa laman ng ilong na inilalaman sa tiyan.Wala kang ibang paghuhugutan ng sipag, tiyaga, at determinasyon kundi sarili mo.
At hindi man nila ako direktang natulungan sa problema, nagkaroon ng maliit na kwarto sa utak ko na para lang sa mga positibong pananaw sa mundo. Tingin ko lahat ng tao dapat meron no'Pero tanging ang utak lang ng tao - sa buong kalawakan - ang natatanging bagay na nagpipilit umintindi sa sarili niya.napakalaking pagkakamali ang kalimutan ang pangarap mo para lang makaiwas sa mga terror na teachers at mahihirap na subjectsBakit sumasamba ang tao... o naghahanap ng sasambahin? Bakit may ngiti? Bakit may konsensya, tampo, halakhak, kahihiyan, awa, pangarap, at pag-aalala?.

No comments:

Post a Comment