Tuesday, June 29, 2010

Green book ang ABNKKBSNPLAko?! (book1)
Yellow book ang Bakit Baliktad Magbasa ng Libro ang mga Pilipino? (book2)
Black book ang Paboritong Libro ni Hudas (book3)
Orange book ang Alamat ng Gubat (book4)
White book ang Stainless Longganisa (book5)

Bakit sumasamba ang tao... o naghahanap ng sasambahin? Bakit may ngiti? Bakit may konsensya, tampo, halakhak, kahihiyan, awa, pangarap, at pag-aalala?
black book

Bakit kulay pula ang pantalon ni Andres Bonifacio? Nagsusuot ka rin ba ng pulang pantalon? Ipaliwanag.
white book

...napakalaking pagkakamali ang kalimutan ang pangarap mo para lang makaiwas sa mga terror na teachers at mahihirap na subjects.
ABNKKBSNPLAKo?!

...baduy na uniform, prescribed 3x4 haircut, at boses na piyok nang piyok. Pilit kang pinagmumukhang pangit sa edad na pilit kang nagpapa-cute.
ABNKKBSNPLAKo?!

At ikaw, kaya ka lang din matapang ay dahil walang mawawala sa'yo! Wala ka kasing pinagpaguran.
langgam, Alamat

Anong kinalaman ng aso sa saging? Pag saging, dapat ang tatakbuhan mo, matsing! masyado kang nagpapaniwala kung kani-kanino.
matsing, Alamat

Natawa ka man o nandiri sa pagkaing may kakaibang pangalan, isang patunay lang yan na apektado ka ng salita.
white book

Anong drawing??? pagkain ang gusto ko! Mamamatay ako kung pagbabawalan ako kumain!
white book

Sabi nga ng ilan, ba't daw pinagulo pa, Pedestrian Crossing lang pala ang ibig sabihin ng "Ped Xing".
white book

Maitim man o maputi ang kulay ng balat, lahat ng tao'y magkakapantay; mangyayaring siya'y higitan sa dunong, sa yaman, sa ganda, ngunit di mahihigitan sa pagkatao.
kartilya

...kung hindi mo raw babasahin ang mga libro mo, hindi talaga libro ang pag-aari mo kundi mga tinta at papel
white book

I have never let my schooling interfere with my education.
Mark Twain

'Yan ang paborito kong balita sa radyo dati... Suspension of classes sa umagang maulan at malamig, wala nang mas sasarap pa!
yellow book

Noon kasi bago ako kwentuhan ng matatanda, aalilain muna ako sa dami ng utos. Bad trip.
white book

Pero tanging ang utak lang ng tao - sa buong kalawakan - ang natatanging bagay na nagpipilit umintindi sa sarili niya.
black book

...pero hindi ako naniniwala na dating sementeryo ang eskwelahan namin. Siguro 'yung mga nag-LBM na hindi nakagamit ng takubets gumawa na lang ng kwento para mawala 'yung sakit ng tiyan nila.
ABNKKBSNPLAKo?!

May mga bagay daw sa mundo na tinanggap na lang natin bilang katotohanan kahit walang pruweba o paliwanag.
black book

Pero mas mabuting mabigo sa paggawa ng isang bagay kesa magtagumpay sa paggawa ng wala
tong, Alamat

Wala ka man lang masabihang bad trip ka kay boss bukod sa kamay mong drinowingan mo ng mukha.
white book

O unggoy na sumulat ng tula para sa makulay na paraiso sa ilalim ng dagat?
black book

Masaya pag nakikita mong masaya ang mahal mo sa buhay, at masaya sila 'pag nakikitang nagtatagumpay ka.
ABNKKBSNPLAKo?!

Ni hindi ko naman kilala kung sino sila Monito't Monita at kung anong klaseng relasyon meron sila.
yellow book

Hindi kailangang lahat ng gagawin natin ay para lang sa atin, dapat ay isinasaalang-alang rin natin ang mga susunod pang henerasyon.
tong, Alamat

Good triumphs over evil - if and only if good fights.
black book

Pinagsama-samang traffic police, radio commentator, sports anchor, talk show host, magulang, at diyos - yan ang mga MMDA natin pag nakakahawak ng mikropono.
white book

...kabatiran na may paghihirap sa kapaligiran... ang tinatawag niyang karamdaman. Kaya kailangan niya ng pampamanhid... puso ng saging - ang bukal ng walang hanggang pagbubulagbulagan at kawalang-malasakit!
matsing, Alamat

...marami palang libreng lecture sa mundo... Maraming teacher sa labas ng eskwelahan, desisiyon mo kung kanino ka magpapaturo.
ABNKKBSNPLAKo?!

Sino ang unang tinawag na BNP sa kasaysayan ng mundo, at bakit? At ano ang amoy n'ya??
black book

Sabi nila, sa kahit ano raw problema, isang tao lang ang makakatulong sa 'yo - Ang sarili mo. Tama sila.
ABNKKBSNPLAKo?!

Bukod sa hindi ako marunong gumamit ng Dewey Decimal System, meron din akong paniniwala na lahat ng librarian - tulad ng mga asong buntis - ay matatapang at nangangagat.
white book

Lumipas ang ilang sandali na parang habang panahon. Maya-maya, natapos din ang unos, nakaraos kami, natuyo, nakabalik ng bahay, at nakapasok pa ulit kinabukasan.
ABNKKBSNPLAKo?!

Hindi mo dapat maliitin ang kakayahan mong tsumamba.
ABNKKBSNPLAKo?!

Writing is easy. All you do is stare at a blank sheet of paper until drops of blood form on your forehead.
Gene Fowler

Hindi gagaling ang sugat mo pag nasugatan ka nang Mahal na Araw dahil patay ang Diyos.
yellow book

Malapit 'yon sa mga malayo sa Diyos. Hindi ka n'ya lalapitan kung wala s'yang kailangan. At hindi ka n'ya lulubayan nang hindi n'ya nakukuha ang gusto n'ya.
black book

Sa ngayon, ang sundot-kulangot ang nagsisilbing katibayan ng karapatang minsan nating ipinaglaban alang-alang sa laman ng ilong na inilalaman sa tiyan.
white book

Hindi para sa tamad ang pagsusulat.
white book

...pero masaya akong hindi ko maaabot ang galing n'ya sa pagsusulat at lalim ng pananaw. Ibig sabihin habang buhay akong may titingalaing idolo.
white book

...hindi pala exam na may passing rate ang buhay ... Huhusgahan ito hindi base sa kung tama o mali ang sagot, kundi base sa kung may kabuluhan ang mga naisulat o wala. Allowed ang erasures.
ABNKKBSNPLAKo?!

Lumiwanag ng pagkaganda-ganda ang araw. Nagkaroon ng bahaghari sa kagubatan. ... At nabuhay ang lahat nang maligayang-maligaya... sa gubat!
Alamat ng Gubat

...maraming beses kang madadapa. Bumangon ka man ulit o hindi, magpapatuloy ang buhay, iikot ang mundo, at mauubos ang oras.
ABNKKBSNPLAKo?!

Parenthetical remarks (however relevant) are uneccessary.
Frank Visco

Paggawa na ba ng mabuti ang hindi paggawa ng kasamaan?
matsing, Alamat

Naisip yata nila: "Kawawang bata naman 'tong si Bob Ong, walang kaalam-alam sa uso."
white book

Dahil pag lumagpas ang maikling panahong yon, kahit mag-umpog ka ng ulo sa pader mahihirapan ka nang maghabol.
white book

Hell ang high school. Cool.
ABNKKBSNPLAKo?!

Hinahanap mo nga ba ako... o ang kawalan ko? Mas madaling makita ang wala.
black book

Nang mapatay ang apoy, tapyas na ang globe ko. Nauwi ang "Mundo na Nababalot ng Pagmamahalan Kung Kapaskuhan" sa "Mundo na Tinamaan ng Asteroid".
ABNKKBSNPLAKo?!

...karapatan kong madapa at bumangon sa buhay nang walang tatawa, magagalit, magtatanong, o magbibilang kung ilang beses na 'kong nagkamali at ilang ulit ako dapat bumawi.
ABNKKBSNPLAKo?!

Alam kong sa kaibuturan ng kanilang puso ay alam din nila ang tama sa mali...
tong, Alamat

Sabi nila, trabaho raw ng mga sira ulo ang pagsusulat. Trabaho para sa tamad. Trabahong hindi akma sa kalalakihan.
white book

Pag lumabas ka ng bahay, huhulihin ka ng mamang may sako, ki-kidnapin ka tapos yung dugo mo gagawing pampatigas ng mga ginagawang tulay.
yellow book

Sa dinami-dami ng mga version, revisions, at mga kinalimutang pangyayari na kailangan nitong ipaalala sa akin, surrender na 'ko.
white book

...masuwerte ako dahil pinaglaro at pinag-aral ako ng mga magulang ko nung bata pa 'ko. Hindi pala lahat ng bata e ay dumadaan sa kamusmusan.
ABNKKBSNPLAKo?!

...ang mundo, sa totoong buhay, ay hindi 'yung makulay na murals na nakikita sa mga pre-school. Hindi ito laging may rainbow, araw , ibon, puno at mga bulaklak.
ABNKKBSNPLAKo?!

...may sarili din akong barko. Obligasyon kong maglayag, karapatan kong pumunta sa kung saan ko gusto, responsibilidad ko ang buhay ko.
ABNKKBSNPLAKo?!

Ngayong isa na 'ko sa kanila, mas madali nang sabihin na naiintindihan ko na.
ABNKKBSNPLAKo?!

Tama na sigurong malaman namin na lumalakad ang mga kamay ng relo at tumatakbo ang panahon.
ABNKKBSNPLAKo?!

Kailangan kong kumilos tungo sa pagbabago at kaunlaran ng kagubatan.
tong, Alamat

BKWLKMGW PRMSYTWK HHHMSYKNB TWPHHHHH OHLTMN PRKNTNg
ABNKKBSNPLAKo?!

Takot ka lang dahil maaapektuhan ng kilusan ang mga negosyo mo. Palibhasa maraming mawawala sa'yo pag nagkagulo!
tipaklong, Alamat

Kung sa malalalim na tula nipapahayag ng mga kababaihan ang mga saloobin nila, sa mga lalake'y isang simbolo lang ang katapat.
black book

Kung ako si Kaw-Kaw, anong ligaya naman kaya ang makukuha ko sa pagkakarinig ng pangalan ko sa TV?
white book

Kaya mo ba ngayong ilarawan sa isip mo kung anong klaseng lugar pwedeng maging ang mundo kung ang lahat ng tao ay nagmamahalan at walang makasarili?
black book

...ritual 'yon, tradisyon, sakramentong hinihingi ng lipunan para magkatrabaho ka at kumita ng disente. At oo, para na rin respetuhin ka ng ibang tao.
ABNKKBSNPLAKo?!

Nalaman kong mahirap i-overnight ang project na dapat e isang buwan ginagawa.
ABNKKBSNPLAKo?!


Di naman kailangan ng mga estudyante ang cellphone e.. +@n6 !n@, kayabangan lang yon! Ba't kailangan nila ng latest model? O, di ba para magyabang? Kung importante sa buhay ng tao ang teleponong may camera, dapat dati pa tayo lahat namatay!
MACARTHUR

Mangarap ka at abutin mo ito. wag mo sisihin ang sira mong pamilya, palpak mong syota, pilay mong tuta o mga lumilipad na ipis... kung may pagkukulang sayo ang magulang mo, pwede kang manisi at magrebelde, tumigil ka sa pag-aaral, mag drugs ka, magpakulay ng buhok sa kili-kili... sa bandang huli, ikaw din ang biktima... rebeldeng walang napatunayan at bait sa sarili...
BOB ONG

Dalawang dekada ka lang mag-aaral. kung di mo pagtitiyagaan, limang dekada ng kahirapan ang kapalit. sobrang lugi. kung alam lang yan ng mga kabataan sa pananaw ko ay wala ng gugustuhing umiwas sa eskwela.
macarthur

Alam mo, Tipaklong, walang mangyayari sa buhay mo hangga't hindi ka tumitigil sa paninisi sa iba sa naging kapalaran mo!
langgam, Alamat

Ang kapangyarihan ay tatagal lang ng ilang taon - anim, sampu, dalawampu.... pero ang impluwensya, daangtaon.
tong, Alamat

Si Alexandre Dumas kumakain muna ng mansanas. Si Schiller humihithit ng bulok na mansanas.
white book

Lahat meron. Sari-sari. Iba-iba. Tulad din ng tao. Utak ng tao. Dahil ang bawat libro ay maliit na litrato ng utak ng tao.
white book

Nagtatae ngayon ang ballpen ko. At hawak mo ang basurahan.
white book

...ang tatlong ginintuang aral ng high school: ang suklay, salamin at deodorant.
ABNKKBSNPLAKo?!

...kadalasan e tatlo ang kulay ng buhok n'ya: itim, puti, brown. Sabi nila swerte raw ang pusang may tatlong kulay. Sa tao, ewan ko.

...kabatiran na may paghihirap sa kapaligiran... ang tinatawag niyang karamdaman. Kaya kailangan niya ng pampamanhid... puso ng saging - ang bukal ng walang hanggang pagbubulagbulagan at kawalang-malasakit!
matsing, Alamat

Ang hirap sa ibang ballpen, pag itinayo mo nang pabaliktad, natutuyo ang tinta. Pag itinayo mo naman nang tama, nagtatae.
white book

Pero naisip ko ring hindi naman Aspirin ang mga libro na mabilisang gagamot sa mga problema ko.
white book

Naniniwala akong walang manunulat na kahit isang beses sa buhay n'ya e hindi nagkasala ng panggagaya.
white book

Sa iyong palagay, anong katangian ng mga Pilipino ang sinasagisag ng pagkaing sundot-kulangot?
white book

Ayos ang reputation, pero hindi ang character. May nangangamoy politician.
ABNKKBSNPLAKo?!

May mga nagsasabing ang mga may maipagmamalaki lang ang uma-attend sa school reunions.
ABNKKBSNPLAKo?!

Ikaw ang gumawa noon sa sarili mo, hindi ako.
black book

Lumiwanag ng pagkaganda-ganda ang araw. Nagkaroon ng bahaghari sa kagubatan. ... At nabuhay ang lahat nang maligayang-maligaya... sa gubat!
Alamat ng Gubat

Gusto mo ba talagang makialam sa natural na takbo ng buhay - sa gubat???
matsing, Alamat

...babaguhin ko ang gubat. Gigisingin ko sa katotohanan ang mga hayop. Tuturuan ko sila ng wastong pamumuhay. Bibigyan ko sila ng matinong edukasyon at magandang trabaho.
tong, Alamat

Ngayong isa na 'ko sa kanila, mas madali nang sabihin na naiintindihan ko na.
ABNKKBSNPLAKo?!

O daga kaya na napaluha sa tuwa dahil sa damdaming taglay ng papalubog na araw?
black book

Pero kung ikaw lang at ang tagumpay - pangit! Walang kwenta.
ABNKKBSNPLAKo?!

Isinisigaw lang dapat ang saklolo pag wala sa 'yong makakarinig. Halimbawa, na-stranded ka sa Neptune. Doon, pwede kang sumigaw ng saklolo.
black book

Pag binisita ka ng idea, gana, o inspirasyon, kailangan mong itigil LAHAT ng ginagawa mo para lang di masayang ang pagkakataon.
white book

At ikaw, kaya ka lang din matapang ay dahil walang mawawala sa'yo! Wala ka kasing pinagpaguran.
langgam, Alamat

Gumising ka na at maghilamos, Pilipinas! Masarap ang almusal!
yellow book

..."literate". Kaya mong magbasa ng mga kasinugalingan sa dyaryo, ng mga subtitles sa foreign movies, at mga vandalism sa upuan ng bus gaya ng "Bobo ang bumasa nito!"
ABNKKBSNPLAKo?!

Lumipas ang ilang sandali na parang habang panahon. Maya-maya, natapos din ang unos, nakaraos kami, natuyo, nakabalik ng bahay, at nakapasok pa ulit kinabukasan.
ABNKKBSNPLAKo?!

Seventeen years. Meron din naman akong natutunan... hindi sinasadya. Minsan masarap mag-review.
ABNKKBSNPLAKo?!

...makakapagbago ka lang kung kaya mo nang aminin na hindi mo mapagkakatiwalaan ang sarili mong pag-iisip, dahil ito rin ang nagtutulak sa 'yo sa bisyo.
black book

...Wala kang ibang paghuhugutan ng sipag, tiyaga, at determinasyon kundi sarili mo.
white book

Meron na bang aso na nakapagpinta ng tahimik na batis dahil sa lubha s'yang nagandahan dito?
black book

Lumusong sa baha, pag umulan, kahit na maputikan, at umakyat sa tulay pag umaraw, kahit na masermunan.
ABNKKBSNPLAKo?!

Pakiramdam ko e gusto n'ya 'kong maiyak sa tuwa dahil sa swerteng hatid n'ya sa aking panandaliang buhay dito sa mundo.
black book

Prev: Wala na naman akong magawa
Next: THE "YOU HAVE BEEN TAGGED!" GAME

Monday, June 28, 2010

KABIGUAN SUSI SA TAGUMPAY

Isang mapait na katotohanan ang buhay ay puno ng pagsubok na naghahatid sa atin ng kabiguan at ang mga kabiguang iyon ay nagdudulot ng kapaitan at pagdurusa sa ating katauhan.

Sino sa inyo ang naghahangad na maging bigo sa mga mithiin niyo sa buhay o naitanong niyo na ba minsan sa inyong sarili, nais ko ring mabigo ako paminsan-minsan? Nakatatawa nga naman, marahil sasabihin ninyong isang kahangalan ang tanong ko? Oo nga naman sino ba namang hangal ang gustong mabigo sa kanyang mga pangarap, lahat tayo ay nagnanais na maging matagumpay kung puwede nga lang sana sa lahat ng pagkakataon. Marahil kung walang hadlang o sagabal lahat ng ating mga pangarap ay kay daling makamit.

Subalit ilan kaya ang nag-iisip na sa bawat pagkabigo na kanilang nararanasan susi iyon upang sila ay magtagumpay?
Ang mga taong sumusuko pagkatapos ng mga kabiguan ay nagiging unfair lamang sa kanilang mga sarili. Parang sinabi na rin nila na ang buhay ay kinatha lamang ng isang pangyayari, kung hindi mo magawa iyon na yon!

Ano nga bang katangian ang dapat taglayin ng isang tao upang mapagtagumpayan niya ang lahat ng mga pagsubok. Sabi ng iba dapat maging positibo ang pananaw sa buhay. Paminsan-minsan oo nakatutulong din ito ngunit hindi niyo ba naisip hindi ito sapat, ang mundo ay puno ng mga taong may positibong pananaw subalit marami pa rin sa kanila ang hindi nagtagumpay sa kanilang mga pangarap sa buhay.

Bakit ito nangyayari? Sapagkat kulang ang kakayahan nilang makipaglaban sa mga mahihirap na pagsubok ng kanilang buhay. Agad silang sumusuko at humihinto. Madalas ang pagkabigo ay dinadamdam at ang utak ay hindi na pinagagana at ginagamit.

Isa sa mga nabasa kong kuwento sa aklat na “Dare to Fail Wisdom in Failure” tungkol sa buhay John Killcullen na kapupulutan ng maraming aral. Ang storya ng kanyang buhay ay pawang tungkol sa kabiguan, hindi tagumpay. Isa siyang baguhang manunulat na naghahangad na makilala ng publiko. Nang matapos ang sinulat niyang aklat nagsimula na niya itong ibinta subalit sa kasamaang palad hindi man lang napansin ang pinagpaguran niya ng maraming araw at gabi, ang masakit pa nito hindi niya mabilang kung makailang beses ibinasura ang kanyang aklat.

Pero kailanman hindi siya tumigil sa pangarap niyang mapansin at mapuri ang sinulat niya. Sa maraming pagkakataong nabasura ang aklat niyang yon, marami siyang natutunan at ang kabiguang iyon ang naging kanyang sandata upang magtagumpay. Kapag meron siyang gustong abutin ang tatlong bagay na ito ang ikinikintal niya sa kanyang isipan na nagpapalakas ng kanyang kalooban.

Una, huwag mawalan ng tiwala sa sarili.

Ikalawa, maging positibo ang pananaw sa buhay na may kalakip na determinasyon.

Ikatlo, ilarawan sa isip ang tagumpay at higit sa lahat dapat na mayroon kang paniniwala na ikaw ay magtatagumpay. Iyon ang mga sikreto niya upang magtagumpay sa kanyang mga mithiin sa buhay.

Para sa kanya ang kabiguan ay isang pag-aalam sa ating kamalian. Sa bawat pagkabigo na nararanasan niya para sa kanya lalo lamang itong nagpapasigla sa kanya upang magsikap ng mabuti hanggang siya ay magtagumpay.

Kapag merong nagsasabi sa kanya na malabo niyang magagawa iyon, lalo lamang siyang naging determinado na mapagtagumpayan niya iyon.

Kung ang lahat ng tao ay may pananaw tulad John marahil lahat halos ng tao naging matagumpay sa larangan ng kanyang pinili. Ang totoo, lahat ng tao ay maaaring magtagumpay kung nanaisin lamang nila, kung ang layunin nila ay dakila walang imposible.

Mga kaibigan ang kabiguan ay isang pagsubok lamang, na naghuhudyat na marami pa tayong dapat na matutunan. Talagang nakakasakit sa ating kalooban ang hatid ng kabiguan at mahapdi ang paraan ng pagpapamulat subalit huwag mong isipin na hanggang dito na lang ang kaya mo, nagpapahiwatig lamang ito na may kulang pa sa kakayahan mo at galingan mo pa sa susunod.

Mga paraan na hindi mo pa nagawa ang dapat mong subukan kung sakaling hindi mo pa rin magawa. Huwag mawalan ng pag-asa, tibayan mo ang iyong loob, tumayo ka sa pagkakarapa at harapin ang mga pagsubok buhay.

Pakatandaan mong hindi sa lahat ng pagkakataon tayo ay magtatagumpay, ngunit isipin mong marami pang bukas na naghihintay na maipakita mo ang iyong galing. Huwag kang matakot na magkamali, maging masaya ka at nakita ng iba ang iyong mga pagkakamali at ito’y naituwid.

Sabihin mo sa iyong sarili mas naging marunong ka ngayon kaysa kahapon. Sa bawat pagkakamali at kabiguan na iyong makakasalamuha pulutin mo ang mga aral na iyong nakuha at gawin mo itong sandata sa pagkamit mo ng tagumpay. Ang wika nga ni Thomas Edison “ Don’t call it a misatake. Call it an education.”

Sunday, June 27, 2010

Ang liit at laki ay nasa isip lang. Bakit kami nina Bubuyog at Gagamba, may naipundar din kami kahit papano. Nasa pagsisikap lang 'yan ng tao!
Ang kapangyarihan ay tatagal lang ng ilang taon - anim, sampu, dalawampu.... pero ang impluwensya, daangtaon.
Ayos ang reputation, pero hindi ang character. May nangangamoy politician.
Naniniwala akong walang manunulat na kahit isang beses sa buhay n'ya e hindi nagkasala ng panggagaya
Ano pa ang gusto mong malaman?
Natawa ka man o nandiri sa pagkaing may kakaibang pangalan, isang patunay lang yan na apektado ka ng salita.Pakiramdam ko e gusto n'ya 'kong maiyak sa tuwa dahil sa swerteng hatid n'ya sa aking panandaliang buhay dito sa mundo.makakapagbago ka lang kung kaya mo nang aminin na hindi mo mapagkakatiwalaan ang sarili mong pag-iisip, dahil ito rin ang nagtutulak sa 'yo sa bisyo.O unggoy na sumulat ng tula para sa makulay na paraiso sa ilalim ng dagat?
Paano ko sila pasasalamatan kung ngayon ko lang naintindihan ang mga itinuro nila?
pero masaya akong hindi ko maaabot ang galing n'ya sa pagsusulat at lalim ng pananaw. Ibig sabihin habang buhay akong may titingalaing idolo.O daga kaya na napaluha sa tuwa dahil sa damdaming taglay ng papalubog na araw?Hindi lahat nabibigyan ng pagkakataong magsulat. Hindi lahat nabibigyan ng boses sa papel.May utak naman ako, pero pinili ko na maging bobo. Aminado akong kasalanan kong maging late nung araw na 'yon, pero mas kasalanan ang hindi ko ipaglaban ang simpleng karapatan sa loob ng klase.kung hindi mo raw babasahin ang mga libro mo, hindi talaga libro ang pag-aari mo kundi mga tinta at papelLahat meron. Sari-sari. Iba-iba. Tulad din ng tao. Utak ng tao. Dahil ang bawat libro ay maliit na litrato ng utak ng tao.Naniniwala akong walang manunulat na kahit isang beses sa buhay n'ya e hindi nagkasala ng panggagaya.Sa ngayon, ang sundot-kulangot ang nagsisilbing katibayan ng karapatang minsan nating ipinaglaban alang-alang sa laman ng ilong na inilalaman sa tiyan.Wala kang ibang paghuhugutan ng sipag, tiyaga, at determinasyon kundi sarili mo.
At hindi man nila ako direktang natulungan sa problema, nagkaroon ng maliit na kwarto sa utak ko na para lang sa mga positibong pananaw sa mundo. Tingin ko lahat ng tao dapat meron no'Pero tanging ang utak lang ng tao - sa buong kalawakan - ang natatanging bagay na nagpipilit umintindi sa sarili niya.napakalaking pagkakamali ang kalimutan ang pangarap mo para lang makaiwas sa mga terror na teachers at mahihirap na subjectsBakit sumasamba ang tao... o naghahanap ng sasambahin? Bakit may ngiti? Bakit may konsensya, tampo, halakhak, kahihiyan, awa, pangarap, at pag-aalala?.

Mga Pananaw Sa Mga Apat Na Aspeto Ng Buhay

Mga Pananaw Sa Mga Apat Na Aspeto Ng Buhay
By Tawid News Team
Published Nov 12th, 2007 and filed under Essay
Bookmark and Share

Napakalawak ang pananaliksik at pag-aaral ng mga aspeto ng buhay. Napakaraming sanga nito. Ngunit, ang sinulat na ito ay nakapokus sa pananaw na pamantayan ng pamumuhay.

Wala akong pakialam sa buhay ng may buhay. Naniniwala lamang ako na dapat ay may pamantayan ang pamumuhay.

Hindi pagdidikta o paggigiit ang sinulat na ito na siyang masusunod. Sa malayang lipunan, ang sinuman ay napakalayang magpahayag ng kanyang pananaw at damdamin.

Ang unang kong tatalakayin ay ang sosyal na aspeto. Ano nga ba ang sosyal na aspeto? Paano ba pakikinabangan ng tao ang aspetong ito? Ano kaya ang mangyayari kung wala ito?

Kung pinakikinggan ko ang kantang may linyang ganito, "walang sinoman ang nabubuhay/para sa sarili lamang/tayong lahat ay may pananagutan/ sa isa’t isa…", para na ring ito ang thesis o paksang ating tinatalakay. Idagdag pa natin ang siniping ito, “No man's is an island”. Halos magkaparehas ang dalawang siniping ito, ngunit iisa lamang ang kanilang tinatalakay, ang sosyal na aspeto ng buhay. Pakikisalamuha sa kapwa. Ang kagalingang makipagkapwa-tao ay hindi lamang para sa sarili, para rin sa lahat. Ang kasanayan ng aspetong sosyal na dapat paigtingin ay ang pag-uunawa sa pananaw ng iba, dahil ang taong may respeto sa iba ay may respeto rin sa sarili. Ang respetong ito ang daan para sa pag-uunawaan ng mga tao para sa ikakatagumpay, pagbabago at paghubog ng kanilang pamumuhay. Ang pakikitungo sa kapwa bilang iisang grupo ay isang pagpapatotoo hindi lamang bilang isang kaibigan kundi isang mamamayan. Sa puntong ito, na kabilang sa "grupo" mareresolba ang mga problema at sigalot, hindi lamang sa personal kundi pati na rin sa panlipunan. Ang mga sagwil o sagabal ng buhay ay malalapatan ng lunas sa pakikiisa, pakikisama, pakikibagay at pakikipagkapwa-tao. Ang sinumang walang kakayahang makisalamuha sa kanyang kapwa ay parang isang gusgusing langgam na nawalay sa kolonia. Nakakita na ba kayo ng kolonia ng langgam at sinuring mabuti ang kanilang pamumuhay? Iyon na mismo ang isang larawan ng aspetong sosyal.

Hindi ako santo, ngunit mas lalong hindi ako demonyo. Bakit, sino nga ba ang taong hindi pa naranasang magkasala? Ang aking pamantayang moral ay naaayon lamang sa aking pananaw. Isang pag-aaninaw o pagmamasid na mabuti kung ano ang tama o mali sa ginagawa, pananalita at pati na rin sa pag-iisip. Ang pagtatama sa isang mali ay isa sa maraming paraan upang matuto. Ang obligasyong moral ay paglalagay ng konsensya sa prinsipyo ng buhay.

Bakit kailangan ng tao ang isang matatag na prinsipyo? Katulad din ng sosyal na aspeto, ito’y para magkakaroon siya ng pamantayan ng buhay. Ang pamantayan ay parang isang sangang-daan, kung sa kaliwa o kanan ang patutunguhan. Anuman ang pinili, maitatala sa maalikabok na landas ng buhay ang mga ginawa, sinabi at inisip dahil ang moral na aspeto ay tungkol sa karakter at pag-uugali. Nakasalalay din sa aspetong ito kung ano ang uri ng lipunang ginagalawan. Kung ano ang pag-uugali at karakter ng mga mamamayan, iyun din ang kanilang lipunan. Tulad ng isang kasabihan: "Sabihin mo kung sino ang inyong mga kaibigan, at sasabihin ko naman kung sino ka."

Tungkol naman sa damdaming emosyonal. Pagkontrol sa sarili. E, ano kung walang kontrol sa sarili? Ang isang taong walang control sa sarili ay isang patpat na dinakma ng buhawi at kasa-kasama sa pananalanta ng lipunan, ng katahimikan, at sagabal sa pag-unlad. Dapat nga bang may kontrol ang tao sa sarili? Oo naman. Lalo na sa alimpuyo ng galit, takot at suklam. Ang taong hindi marunong magkontrol ng sarili sa mga negatibong damdamin, ay magiging isang takaw-gulo. At dahil magulo, pati lipunan na ginagalawan niya ay magulo.

Kasama ba ang pagmamahal sa emosyonal na aspeto? Kasama. Nakakalason din ang sobrang pagmamahal. Kaya marami ang "nabubulag sa pag-ibig" dahil sa sobrang pagmamahal at walang kontrol sa sarili. Ang pagkontrol sa sarili ay pag-iiwas upang di makapasakit at magkasala sa kapwa, sa lipunan, sa Diyos, at sa mismong sarili. Kahit sa a pakikinig lamang, kailangan ang kontrol sa sarili upang maintindihang mabuti ang pinakikinggang mensahe. Dahil ang tao kung minsan ay di marunong magkontrol sa sarili, napapariwara siya sa pagkakasala.

Ang pisikal na aspeto ay ang pagpapahalaga ng pisikal na katawan. Bakit? Dahil ang pisikal na katawan ang siyang trono ng tatlong unang tinalakay. Maaring hindi sapat ang implementasyon ng mga unang tatlong tinalakay kung hindi malusog ang tao dahil, ayon sa mga matatanda: "Ang taong malusog ang pangangatawan ay malusog din ang kanyang puso, pag-iisip at kaluluwa." Kadalasan, ang taong kumakalam ang sikmura ay di makapag-isip ng matino. Ang taong sakitin ay di makapag-isip ng maayos. Kaya dapat lang bigyan ng pagpapahalaga ang kalusugan.

Ang matuwid at tuwirang pananaw sa mga apat na aspeto ng buhay na tinalakay natin ay pamamantayan ng pamumuhay. Gabay ang mga ito. Katulad ng isang anak na kailangang maglakbay, binigyan siya ng ama ng isang lente para hindi siya maligaw sa kagubatan. Sa landas ng buhay, ang daigdig ay kagubatan. Tayong mga tao ay manlalakbay lamang. Ngunit binigyan din tayo ng Ama ng lente upang hindi tayo maligaw sa landas. Ang lenteng ito ang mismong tinalakay natin. May lente na ba kayo?#

Tuesday, June 15, 2010

Saturday, June 12, 2010





This is mY character ........

Wednesday, June 9, 2010





hi ..uxta kna
i miss U sO much
take care n be a gud health....