Friday, October 16, 2009

these are my confession

kapag tinanong mo ang isang tao ng "how are you?" at ang sagot nila ay "i am fine. thank you.", sa palagay nyo ba nagsasabi sya ng katotohanan? siguro tumugon lang siya bilang pag-galang o kaya para tigilan mo na siya sa paguusisa. napapansin nyo ba na kahit "i am fine" ang isinagot niya sa'yo, makikita nyo sa kanyang kilos o facial expression na meron siyang itinatago? sabi nga nila "action speaks louder than words." totoo hindi ba?

kapag nakakita ka ng bulalakaw, dapat mag-wish ka daw. tinanong mo na ba sa iyong sarili kung magkakatotoo ba talaga ang iyong minimithi? kung hindi ka mag-wish, ano ang mangyayari?

saan nga ba tayo pupunta kapag namatay? totoo bang meron langit, purgatoryo o impiyerno? alam naman natin na walang perpektong tao. lahat tayo ay nagkakamali. sabi ng pari dapat magsimba tayo tuwing linggo para magpasalamat sa mga biyayang natatanggap natin sa araw-araw. paano ang taong hindi nagsisimba pero nagdadasal naman araw-araw sa bahay o kahit saan sya maglakbay? sa palagay nyo ba sa langit ang punta nya? magkikita-kita kaya ang mga pumanaw na mahal natin sa buhay?

kasabihan nga meron daw kaban ng ginto sa dulo ng bahaghari. minsan nga gusto kong alamin kung meron talagang ginto. hinanap ko yun dulo ng bahaghari kaso sa ilog naman natapos. wala naman akong makitang ginto kungdi puro isdang maliliit. siguro yun mga isda ang ginto sa mensahe na ito. hindi ko naman pwedeng hulihin kasi sobrang liit nila.

yun mga suicide bomber, gusto kaya talaga nilang magpakamatay o napilitan lang sila? ano kaya ang pakiramdam habang sumasabog ang kanilang katawan? lahat kaya ng ginagawa nila iniaalay nila kay allah?

ilan sanggol kaya ang pinanganganak bawat oras? ilan sanggol naman ang may kapansanan? bakit kailangan pang ipanganak ang sanggol tapos mamamatay din naman pala sila? paano mo sasabihin ito sa mga magulang nya? umaasam sila sa paglabas ng kanilang supling pero kinuha agad siya ni kamatayan.

ilan sa atin ang napagbintangan ng kasalanan na hindi natin ginawa? kapag nasa mayamang angkan ang nasasakdal, kaya nilang bayaran ang hukom para mapawalang bisa ang paratang sa kanila. dahil ba kailangan nila pangalagaan ang kanilang karangalan sa mata ng tao? kapag dukha ang nasasakdal at pawang wala siyang kasalanan, bakit pilit pinababagsak sila? paano mo maipaliliwanang na meron tayong katarungan?

ikaw, siya, tayo... ano nga ba ang mga kasagutan nito?

No comments:

Post a Comment