Friday, October 16, 2009

ibat-ibang basehan ukol sa katalinuhan ng tao

Ang katalinuhan ng tao ay nakabase sa iba’t ibang aspeto. May mga taong sadyang nakakaangat ang katalinuhan sa iba. Sila ang mga taong hinahangaan ng marami dahil sa taglay nilang katalinuhan. Mayroong iba’t ibang kahulugan at basehan ang pagiging matalino ng isang tao. Ang katalinuhan ay ang kapasidad na makapulot ng mga bagong ideya. Maaaring ang isang tao na madaling makaisip at makaintindi ng mga bagong ideya ay masasabing matalinong tao. Ang mga taong may pangkaraniwang katalinuhan ay hindi basta-basta nakakaintindi ng mga ideyang bago lamang sa kanilang pag-iisip. Ang mga matatalinong tao ay kumikilos sa mga bagong ideya na may mabuting panghuhusga. Ito ay nakikita sa paglutas ng mga bagong suliranin, at maingat na pagkilos sa iba’t ibang sitwasyon.

Ang mga matatalinong tao ay talaga namang hinahangaan. Sa ating paaralan, mayroon tayong tinatawag na valedictorian, salutatorian, at iba pa. May mga patagisan ng talino, at iba pang mga patimpalak na kumikilala sa katalinuhan ng mga estudyante. May mga parangal din. Napakahalaga ng pagiging matalino sa buhay ng isang estudyante. Napagbabasihan ang katalinuhan sa abilidad sa pagkatuto ng isang tao. Ang kapasidad sa pagkatuto ay madalas na namamana sa mga magulang natin. Kung ang mga magulang ng isang estudyante ay matalino at may kapasidad sa pagkatuto, maaari din itong manahin ng kanyang anak. Maaari ding matutunan ang abilidad na ito sa kanyang kapaligiran. Ang isang bata ay maraming natututunan sa kanyang paaralan, kaibigan, at higit sa lahat, sa kanyang tahanan.

Ang kapasidad sa pag-iisip ng mga konsepto ng isang tao ay nakatutulong sa pagpapalawak ng kanyang katalinuhan. Ang isang estudyanteng may kapasidad sa pag-iisip ng mga konsepto ay matatawag na matalino. Ito ay ang abilidad sa pag-iisip sa pamamagitan ng mga konsepto. Ang konsepto ay nakikita kapag ikaw ay nakakakilala sa iba’t ibang mga bagay, ideya, o mga pangyayari bilang miyembro ng kaparehong klase nito. Ang salitang “mansanas” bilang halimbawa, ay nagdadala sa isipan ng mga katangian tulad ng anyo nito, hugis, kulay, bigat, at iba pa. Ang katalinuhan base sa kapasidad ng pag-iisip ng mga konsepto ng mga estudyante ang nakatutulong upang makilala ang paaralan sa buong mundo. Kapag matalas ang kapasidad sa pag-iisip ng mga konsepto an mga estudyante, ito ang magbibigay-daan sa kanyang paaralan upang makilala sapagkat ang mga konseptong ito ay maaaring magamit niya sa paggawa ng mga pagtutuklas at iba pa. Ang paraan naman sa pagtuturo ng paaralan ang siyang huhubog sa paraan ng pag-iisip ng mga estudyante. Kung ang pagtuturo ng isang paaralan ay nasa paraan na kung saan ay nakakapag-isip ng mga konsepto ang mga estudyante, ay tumutulong din ito sa pagtupad ng layunin ng paaralan na makilala sa buong mundo. Ang paraan din ng pagtuturo sa paaralan ay nagtutungo sa pag-unlad sa kapasidad sa pag-iisip ng mga konsepto ng isang tao.

Ang pagiging handa ng pag-iisip ay isa pang basehan sa katalinuhan ng isang tao. Ang isang matalinong tao ay laging handa sa pag-iisip ng iba’t ibang bagay. Halimbawa, sa paaralan, kapag ang guro ay nagbigay ng di-inaasahang pagsusulit, handa ang isang matalinong estudyante ukol dito. Siya ay handa sa pag-iisip anumang oras o araw. Ito rin ay ang madaliang pag-oobserba, pag-iintindi at reaksyon. Ang isang komunidad na laging handa sa pag-iisip ay madaling masosolusyunan ang mga suliranin nito. Halimbawa, ang isang komunidad na may mga taong laging handa ang pag-iisip ay hindi na pinapatagal ang isang suliranin at aaksyunan nila agad ito. Ito ay nagreresulta sa masaganang komunidad. Ganoon din sa ating mga sarili. Ngunit, paano nga ba tayo nakakapag-isip ng wasto sa iba’t ibang mga bagay?

Nakakapag-isip tayo ng wasto sa iba’t ibang aspeto sa pamamagitan ng makatarungang panghuhusga. Ang isang makatarungang panghuhusga ay nagmumula din sa isang matalinong tao. Ang isang makatarungang panghuhusga ay kumikilatis sa iba’t ibang aspeto ng isang suliranin. Masasabing makatarungang ang isang panghuhusga kapag wala itong kinikilingan. Ito rin ay tulad sa mga konsepto na tinatawag ding common sense at tamang kaalaman. Matatawag na matalino ang isang tao kapag siya ay may common sense at may tamang kaalaman sa pag-iisip ng isang partikular na bagay. Ang common sense at tamang kaalaman ay nakukuha ng tao sa kanyang pag-iisip o katalinuhan. Ang isang taong naimpluwensiyahan ng mga pagtuklas, naniniwala sa mga kasabihan, gumagawa ng mga desisyon na masasabing may kinikilingan ay hindi nagkakaroon ng makatarungang panghuhusga o pag-iisip. Ang hindi makatarungang panghuhusga ay hindi karapat-dapat sa isang matalinong tao. Ang isang matalinong tao ay nag-iisip ng tama at makatarungan.

Sa kabuuan, may iba’t ibang basehan sa tunay na katalinuhan. Ang katalinuhan ay may kapasidad na makapulot ng mga bagong ideya. Ang taong may taglay na katalinuhan ay may abilidad sa pagkatuto. Ang matalinong tao ay may kapasidad sa pag-iisip ng mga konsepto. Siya rin ay nagtataglay ng pagiging handa ng pag-iisip. May makatarungang panghuhusga rin ang taong matalino. Ang katalinuhan ay nakatutulong sa pagpapaunlad ng sarili. Lumalawak ang kaisipan ng tao habang siya ay natututo at nagtataglay ng katalinuhan. Habang dumarami ang kanyang natutuklasan na mga bagong ideya ay tumutulong din siya sa pag-unlad ng kanyang sarili. Nalalaman niya ang kanyang layunin at nagsisikap na makamit ito upang siya ay umunlad.

mga bagay na pinagmamalaki ko sa sarili ko

Batid nating lahat na walang taong perpekto. Batid din nating lahat na ang bawat katao ay may kani-kaniyang katangian na siyang bumubukod tangi sa ibang tao. Tulad ko na lamang. Alam ko mayroon din naman akong mga katangian na hindi kaaya-aya ngunit mayroon din naman akong mga katangian na talaga namang aking ipinagmamalaki. Tulad na lamang ng:

1. Ako ay taong may isang salita.

Ang bawat salita o pahayag na aking binitawan ay siyang mananatiling nakakibit sa aking mga labi. Batay na rin sa aking mga karanasan, kay raming mga tao ang hindi nabiyayaan ng ganitong katangian. Tulad na lamang ng isang taong kakilanlan ko na talaga naman nakakapag-init ng dugo.

2. Ako ay taong laging nasa oras.

Kay rami ang nagsasabi na likas na sa mga Pilipino ang hindi dumating sa tamang oras. Ngunit masasabi kong hindi ako Pilipino sa parteng ito. Isa kasi sa mga katangian ko na ayaw ng may naghihintay sa akin. Dahil na rin siguro sa ayaw kong ako ay pinaghihintay. Naniniwala kasi ako na ang oras ay ginto. Hindi ito dapat sayangin sapagkat bawat oras ay mahalaga.

3. Ako ay taong palaban.

Siguro ay tututol ang aking pamilya sa aspetong ito. Ngunit, paniwalaan ninyo man o hindi, pinagmamalaki ko ang katangian kong ito. Ako kasi ay tipo ng tao na hindi nagpapatalo. Ayaw ko kasi na may umaapak sa aking paniniwala at dignidad. Tipikal na Pilipino kung sabihin nga ng iba. Mapa-magnanakaw man iyan o mamamatay tao, lalabanan ko hanggang kamatayan. Ilang beses na yata akong may kinalabang magnanakaw, bagay na tinututulan ng aking mga magulang sapagkat buhay ko daw ang nakataya sa mga sitwasyong iyon. Ngunit naisip ko lang, kung hindi tayo matututong lumaban, patuloy na mamimihasa ang mga taong iyan. Kaya't dapat lamang na ipaglaban natin kung ano ang tama at nararapat.

4. Ako ay taong walang bisyo.

Siguro naman kahit sino ang tanungin ninyo ay sasabihin na ito ay isang maipagmamalaking katangian. Maipagmamalaki kong sasabihin na kailan man ay hindi pa ako uminom, nanigarilyo, o ano mang bisyo na iyan. Kahit kailan pa nga ay hindi pa ako nakakatikim ng kahit "red wine" man lamang.

5. Ako ay taong matipid.

Kuripot na kung kuripot, wala akong pakialam. Basta ang alam ko lamang, matipid at nagiging praktikal lamang ako. Hindi ako ang tipo ng tao na bibili ng simpleng tsinelas (oo tsinelas, hindi flip-flops kasi PILIPINO ako!!!!) o sapatos na nagkakahalaga ng higit isang libo. Kahit ano pa naman ang mangyari ay tsinelas pa rin iyan eh. Saluhan pa rin iyan ng paa at ipang-aapak mo din sa lupa. At kung sakaling bibili man ako ng isang mamahaling bagay (bagay na nagkakahalaga ng higit isang libo) na hindi naman kailangan sa pag-aaral, pag-iipunan ko iyan. Sisikapin kong dukutin ito sa sarili kong bulsa. Oo, ilang beses ko na itong nagawa. Nangyari nga noon ay tiniis ko talagang hindi kumain ng tanghalian para lamang doon. Alam ko kasi na nahihirapan na ang aking mga magulang at ayaw ko namang manghingi gayong LUHO lamang ang aking hihingin.

6. Ako ay tumutulong sa aking pagpapaaral.

Batay sa lahat ng mga katangian na nabanggit, ito ang pinaka-pinagmamalaki ko sa lahat. Bago kasi ako pumasok sa Pamantasan ng De La Salle, batid ko kung gaano kalaki ang matrikula sa pamantasan na ito. Kaya naman sinikap kong magawaran ng scholarship galing ng CHED. Malaking tulong na rin ang P 24,000 kada taon. At hindi pa iyan natatapos. Noong nakaraang taon lamang ay nagawaran naman ako ng pamantasan mismo ng isa pang scholarship. Bale kada trimester, 50% lamang ng aking matrikula ang babayaran ko. Talagang lubos ang pagpapasalamat ko sa Diyos noon dahil napakalaking tulong ito para sa aking mga magulang. Bukod pa doon ay mayroon pa rin akong "educational plan" kung saan nakakakuha din ako ng P 40,000 kada taon. O di ba! Halos wala na rin babayaran ang aking mga magulang, kaya naman lubos talaga ang pasasalamat ko sa Panginoong Maykapal.
Prev: Summer nga ba talaga? Di ko feel eh...
Next: My Debut Party
sa POV ko, malalaman mo yun pag matagal mo ng kasama yung tao..

if ang tao, down to earth/humble never magsasalita or magwewento ng kht ano yan.. kasi my feeling sila na baka mayabangan sa kanya kausap nya or magkaroon ng kung anong impression..prefer nila na tumahimik kesa mag wento ng mag wento... then malalaman mo n lang sa ibang tao na meron pala syang pedeng ipagmayabang pero tinatago nya sa sarili nya.. observation ko lang yan dun sa mga kakilala ko na magagaling pero pag nakita mo parang wala lang..



alam ko na kung san pwede gamitin ang PAGKAMAYABANG... sa job interview!! nyahahaha


I agree..on my case, honest ako pag job interview, pag di ko alam...cnasabi ko na di ko alam, pag aware or knowledgeble lang, ganun din cnasabi ko...gaya nga ng sabi nila..baka mag expect cla...mas maganda na yung you meet or even exceed their expectation kesa naman sa taas ng expectations nila then pag actual work na is biglang babagsak...baka instead na promotion eh demotion matanggap mo..hehehe..

yoko matulad sa friend ko na same field ko....tinanong kung marunong mag programming ng pearl script....nag yes!.....nung pinapagawa ng progam eh di makagawa...buti na lang, meron kaming common friend na marunong talga, ayun nagpa turo at talgang nahirapan cya...buti na lang ngayon eh OK na cya...hehehe..
_________________
Are you kidding?
No!, I'm not kidding!
I am Phoenix!
IILAN N LANG ANG MAKIKITA MONG DOWN TO EARTH.... KARAMIHAN PAG NAKALASAP NA NG GINHAWA.. WALA NA... MAYABANG NA... HINDI KO ALAM KUNG BKIT KELANGAN NILANG MAGING MAYABANG... YUNG IBA NGA E MASAMA NA UNG UGALI... HINDI LANG YUMABANG..

PEACE...


pano ba masasabi na down to earth or mayabang ang kausap mo?

what if nagsasabi lang ng totoo, minsan na iinterpret as kayabangan... so where do you draw the line between kayabangan and being honest with what you have?




actually mahirap talaga i-detect kung anong klase talagang paguugali meron ang isnag tao e unless makasama mo sya....first impression sometimes do not last...for me.

dito sa psg for example, ang dami ko na din namang ne-meet na tao, yung iba akala ko mayabang, but when i saw them face to face and get along with them for quite sometime, hindi pala....

meron namang iba na nung una akala mo mabait at down to earth but lumalabas ang totoong kulay.....sometimes, without you knowing it, tinitira ka pala patalikod....

kaya the best, don't judge yet....


Ang Malalim na ilog ay tahimik, pero ang mababaw na ilog ay maingay...
ang ibig sabihin po nyan pag-ang isang tao ay marami ng alam yan po ay tahimik lang, pero pag-ang isang tao ay mababaw ang kaalaman yan po ay madada..



pag ang isang taong tahimik na may alam yun po ay "MADAMOT"

pag ang isang taong tahimik at madaldal sa kaalaman un po ay "MAPAGBIGAY"

pag ang isang taong walang alam at tahimik yun po ay "GUSTONG MATUTO"

pero pag ang isang taong walang alam at tahimik un po ay SIRA ULO!

heheheh

peace...

isip-isip

MAG-ISIP KA!!!

ANG LAMAN NG ISIP

Isang Ikasampung bahagi lamang daw ng lakas ng isip ng tao ang ginagamit niya sa araw-araw. One tenth lamang. Katiting kung tutuusin.

Kung baga sa sampung daliri ng ating mga kamay, isang kaling-kingan ang ginagamit ng karaniwang tao.

Saan napupunta ang siyam ng bahagi ng lakas ng isip? Natutulog. Nasasayang lamang. Pagkatapos ay magrereklamo tayo. Diyos ko naman, ganito na lamang ba ang buhay ko? Pawang hirap at tiis?

Bakit hindi magamit ng karaniwang tao ang higit sa kalahati ang potensiyal na lakas ng kanyang isip?

Una nga ay hindi niya alam kung papaano niya gigisingin ang tulog niyang isip. Hindi niya alam kung papaano gagamitin ito.

Ikalawa, karamihan sa laman ng isip ay negatibo, hindi kapaki-pakinabang. Ang takbo ng isip niya ay tungo sa kabiguan.

Tingnan natin:

Pagdilat sa umaga, mag-iinin muna nang matagal. Madilim pa naman, aniya. Tinatamad ako, eh. Napuyat ako kagabi, inaantok pa ako. Masakit ang ulo ko. Masama ang pakiramdam ko.

Kung malamig at giniginaw mamamaluktot at magkukulubong sa higaan. At kapag nahuling pasok sa trabaho, sisisihin ang trapik. Ang mga pulis. Ang mga sasakyan. Ang mga mabagal na tsuper. Ang nagsisiksikang mga pasahero.

Ganyan. Sa araw-araw na ginawa ng Diyos negatibo ang laman ng isip niya. Galit, Selos, Imbot, Inggit, Alinlangan, Aburido, Sama ng loob, Lungkot, Kawalang-pag-asa, Kabiguan, Katamlayan, Katamaran, Paglilimayon, Paglalasing, Pakikipagbarkada, Pagpapalipas ng oras, Away, Sigawan, Sisihan. Mga negatibong bagay. Negatibong emosyon. Pamapabigat sa kalooban. Pamapadilim sa pananaw sa buhay. Pampalubha sa kawalang-pag-asa..

At pabalik-balik. Paulit-ulit na mga kaisipang hindi nakakapagpapasigla. Saka niya sisihin ang Diyos o mga kapitbahay kapag napasubo ng away, o nabigo sa pakay. Halimbawa’y nabigo sa pag-ibig. Iisipin kaagad, magpapakamatay na. Wari bang napakahirap lumigaya at maging masaya. Wari bang pinagmalupitan sya ng panahon. Gayong napakabait ng panahon. Mabiyaya ang panahon. Kaya tuloy lumalaganap ang mga psychosomatic diseases, mga sakit na likha ng isip sa katawan. Na likha ng mga negatibo at hindi nakakapagpapasiglang kaisipan. Ang masamang kaisipan ay lumilikha ng masamang reaksyon, ng mga kemikal sa loob ng ating katawan.

Iyan ang mga pinatutunayan ng mga pananaliksik. Sa kabilang dako, ang masigla at masayang isipan ay nagpapasigla rin at nagpapalusog sa katawan! Pagka’t malaki ang impluwensya ng iyong isip sa anumang nangyayari sa iyong damdamin at katawan.

Tingnan mo naman ang mga matagumpay na tao. Malusog ang kanilang isipan. Masigla. Hindi kabiguan ang unang naiisip pagkagising. Bago matulog, nagbabalak, paggising nagbabalak. At laging tagumpay ang nasa isip. Sila’y nagpupunyagi, nagsisikap, gumagawa, tumutulong, nakikipagkaibigan, gumagawa ng mga contacts, nagtatrabaho, lumilikha ng mga bagong ideya o produkto, nakikipagkapwa-tao, nagpapasensya, hindi nakikialam sa buhay ng may buhay, hindi naninirang-puri kundi humahanga pa nga.

Ang mga positibong isip ay laging nakatutok sa tagumpay. Sa ibang salita, positibo ang kanilang isipan – “Positive thinker” sila.

Ang karaniwang tao ay negative thinker. Laging tinatamad ang isip. Ang tamad at litong isip uulitin ko, ay madaling tumigas, katulad ng semento. Ang aktibong isip ay katulad ng agos na laging masigla sa paghahanap ng landas.

Sumakit lang ang iyong ulo, paulit-ulit mo nang sinasabi sa iyong sarili at sa ibang tao na masakit ang iyong ulo. Nagkangiwi-ngiwi ka pa. Bagay na lalo ngang lumulubha. Aalagaan mo na ‘yan. Hindi ka na papasok sa opisina o sa eskuwela. Para kang may sakit na napakabigat. Pero saan ka, kung magdadaan ang barkada mo at yayayain kang magsine o maglakuwatsa, mabilis sa pa sa alas-kuwatrong magbibihis upang sumama!

Subukin mo ito: Kapag masakit ang iyong ulo paggising sa umaga, ulit-ulitin mong sabihin sa iyong sarili na maaalis ang sakit ng iyong ulo. Ngumiti ka. Mag-ehersisyo hanggang pawisan ka. Mag-jogging pa kung gusto mo. Igalaw-galaw ang iyong ulo. Isipin mong lagi na hindi na masakit ng ulo mo. Makikita mo maya-maya ay wala na ang sakit ng iyong ulo. Bakit? Kasi, may batas ang isipan na hindi mapapasubalian: kung ano ang lagi mong iniisip, iyan ang mangyayari sa iyo. Tingnan mo ang taong may ambisyon nakakamit niya ang ambisyon. Pagka’t iyan ang laging laman ng kanyang isip.

Ikaw may ambisyon ka ba? Paano mo magagamit ang ambisyon sa iyong pag-unlad?

MAG-ISIP KA!

IPAKITA MO SA KANILA!

Ambisyon….May ambisyon ka ba? Ano ba ang ambisyon? Bakit kailangan ng tao ito? Lahat ng tao ay may ambisyon. Mithiin. ‘Yon bang gusting-gusto mong makamit. O mangyari sa buhay. Halimbawa’y mag-artista, mag-aral, makapag-asawa ng maganda, makapag-abroad, makapagtayo ng negosyo, maging empleyado, yumaman, maging kilalang singer o entertainer, mag doctor, maglingkod sa gobyerno. kahit ano. Basta gusting-gusto mong makamit. Na oras na nakamit mo’y ikaw na yata ng pinakamaligaya at pinakamatagumpay na tao sa daigdig. Ngunit sa pagitan ng iyong hangarin at pagtatagumpay ay nakaamba ang maraming hadlang, obstacles. At diyan nakikilala ang tunay na tao at ang taong bigo. Mahabang lansangan ang nasa pagitan ng hangarin at tagumpay. Maraming sagabal. Dito makikilala ang tunay mong pagkatao.

Hindi ang mga pangyayari sa daan ang mahalaga sa kanya. Hindi ang sagabal. Hindi ang pagkakadapa. Hindi ang batikos sa kanya. Ang mahalaga sa kanya ay ang nangyayari sa kanyang kalooban, sa kanyang sarili. Ang pagbabago ng kanyang pananaw sa buhay. Ang pagbabagong-bihis ng kanyang pag-iisip. Sa halip na maawa siya sa sarili dahil sa “kamalasan” itutulak pa ang kanyang sarili upang labanan ang mga sagabal hangang sa magtagumpay siya. Ganyang kahalaga sa kanya ang kanyang hangarin. Ito ang nagtutulak sa kanya upang magsikap pang lalo. Kung wala kang ambisyon o hangarin, wala kang dahilan upang sabihin, kung di man sa iyong sarili, ay sa lahat; “Ipapakita ko sa inyo na ako ay magtatagumpay rin!”

Lahat tayo’y may ambisyon, ngunit di lahat ay nagkakamti ng kanilang ambisyon. Hindi sapagakat kulang sila ng pagkakataon, o ng tulong, o ng puhunan. Kulang sila ng pananalig sa kanilang sarili. Hindi sila naniniwala na walang imposible sa daigdig na ito.

Sa unang bagsak pa lamang nila’y sasabihin na nilang “hindi maaari ito.” Ngunit ang lahat ay maaari. Ang anumang maaaring isipin mo ay maaari. Naririyan na ‘iyan, hindi mo lamang nakikita pagka’t hindi mo pa nabubuo. Ngunit naririyan na.

Tingnan mo ang isang kubo. Ang lahat ng materyales na ginamit sa pagpapatayo niyan ay nariyan na. Ang ginawa lamang ni Tatang ay kumuha ng kawayan, ng kugon, ng panali, at ng ilan pang kagamitan, saka pinagsama-sama ang mga materyales na ito sa iasng balangkas. At naging kubo. Huwag mong sabihing mas magaling sa iyo si Tatang. O si Engr. Pedro kaya nakapag tayo siya ng malaking gusali. O kaya nakakasulat tayo ng ganito. O si Dr. Juan kaya nakakagamot. Talagang mas magaling sila sa iyo sa larangang pinasok at pinag-aralan nila.

Ngunit hindi sila ang mahalaga para sa iyo. Hindi ang galing nila ang pinapantayan mo. Wala kang laban sa kanila. Ang mahalaga ay ilabas mo ang pinakamabuting magagawa mo. At diyan higit kang magaling sa kanila. Ang mahalaga ay kung papaano mo gagamitin ang iyong nalalaman upang makamit mo ang iyong ambisyon.

Nasa iyo ang lakas at dunong na gagamitin. Walang makakaagaw o makakakuha niyan sa ‘yo maliban sa Diyos sa iyong kamatayan. Nasa iyo ang pagkakataong gumawa ng pinakamabuti mong magagawa para sa iyo at para sa pamilya mo at para sa kapwa mo.

Naaabot ng isip mo ang pinakamalayong maaari mong maabot. Ang totoo, walang limitasyon ang maabot mo. Ikaw lamang ang makapagtatakda ng limitasyong iyan.

Kapag sinabi mong hindi maari ang isang bagay, hindi na nga maaari para sa iyo. Ngunit para sa iba, maari iyon. Hangga’t sinasabi mong hindi maaari, hindi nga maaari para sa iyo. Ngunit sa sandaling palitan mo ang paniniwala mong iyan, mag-iiba na rin ang sasabihin mo.

Si Edison ay kung ilang daan ulit na nabigo sa pag-imbento ng ilawang bombilya. Hindi niya sinabing hindi maaari. Iginiit niyang maaari. At naimbento nga niya ang bombilya. Noong 1873, ikinulong so Coppersmith nang gumawa siya ng isang kagamitang maaaring makapag-usap ang dalawang tao nang magkalayo. Mag-uusap sila sa pamamagitan ng alambre. Kinutya siya. Itinuring siyang luko-luko. Papaano makakapag-usap ang dalawang taong magkalayo sa pamamagitan ng tinawag niyang “telepono?”

Pero ngayon, ang nasa Pilipinas ay puwedeng makipag-usap sa isang taong nasa Amerika sa telepono.

Kung walang imposible na katulad ng sinasabi ni Gresham, papaano mo naman magagamit ang iyong isip upang makamit mo ang iyong hangarin sa buhay?

Sa kasalukuyan, ayon sa pag-aaral mga diyes porsiyento lamang ng lahat ng tao sa daigdig ang nakikinabang sa kayamanan ng mundo. Sila ang mayayaman at may sobrang yaman. Ang nubenta porsiyento ay katulad mo, katulad ko, katulad natin, na naghihikahos.

Papaano tayo magkakaroon ng pagkakataong makibahagi sa kasaganaan ng kalikasan?

ANG LAMAN NG ISIP!

NASA PAGGAMIT NG ISIP

Lahat ng tao ay pare-parehong binigyan ng Diyos ng kalayaan at pagkakataong magtagumpay o mabigo. Para tayong isang pamilya---KAPUSO O KAPAMILYA!

Kung lima kayong magkakapatid, pare-pareho kayong kaparti sa kayamanan o kahirapan ng inyong pamilya. Nguni’t tiyak na sa inyong lima ay may higit na matagumpay, mayroon naming hindi gaanong matagumpay. Bakit? Hindi sapagka’t di pantay-pantay ang pagkakataong ibinigay sa inyo ng inyong mga magulang. Kundi sapagka’t hindi kayo pare-pareho sa paggamit ng inyong isip. Kung kayo’y tigsasampung libo. Hindi magkakapareho ang paggagamitan ninyo ng pera. Ang isa’y sa negosyo, Ang ikalawa’y ibabangko. Ang ikatlo’y ipag-aaral. Ang ikaapat ay ipaghahapi-hapi. Ang ikalima’y ibibili ng bahay at lupa. Sino sa akala ninyo ang magtatagumpay o yayaman sa kanilang lima?

Hindi ang halagang sampung piso ang mahalaga kundi kung papaano mo ginamit ang halagang iyan. “Walang imposible” wika ni Bresham sa kanyang librong “Nothing is Impossible” kung gagamitin mo lamang ang iyong natatagong lakas. At ang lakas na iyan ay ang iyong isip.

Ang mga taong bigo, wika pa niya, ay umaasa sa tulong ng iba pagka’t sila’y mahihina. At dahil doon ay lalo pa silang hihina.

Ngunit ang taong matagumpay ay gumagamit ng lakas ng kaloob sa kanya ng lumikha. At walang hanggan ang lakas na iyan. Nasa kanya na. Kailangan lamang gamitin niya.

Sabi ng isang pilosopo: Maaaring hulmahin mo ang luwad upang gawing sisidlan at pira-pirasuhin ang salamin upang gawing bintana; ngunit ang iyong pakikinabangan ay ang mga guwang doon. Ngunit hanggang hindo mo ginagamit ang potensyal na lakas ng iyong isip ay hindi mo makakamit ang iyong hinahangad.

Tingnan mo ang karaniwang empleyado. Gumagawa ito ng naaayon lamang sa gawaing ibinibigay sa kanya. Hindi siya nagkukusa. Sa liit ng suweldo niya, aniya, “bakit ba ako gagawa ng labis sa tungkulin ko? Sa kanya, ang trabaho ay pagkukunan lamang ng suweldo!

Wala pang alas-dose, kumakain na. Wala pang als-singko, nakapagligpit na sa mesa niya. At makikipag-unahan sa bundy clock. Masarap ang imbay ng kamay habang nakikipag-unahan sa daan. Tuloy sa sine, Liligaw-ligaw, makikipag-inuman. Pagdating sa bahay aawayin si misis. Ganyan pasarap lamang siya.

Iba ang masigasig na empleyado. Hindi man inuutusan ay nagkukusang gumawa. Lumilikha siya ng mga bagong idea o pamamaraan upang umunlad pa ang kanilang kumpanya. Hindi sarili lamang ang iniisip, kundi pati ang kapakanan ng kumpanya at ng kanyang mga kasamahan.

Sa kanya, ang trabaho ay tuntungan lamang upang makamit ang kanyang minimithi. Di magtatagal, matataas siya ng tungkulin, sabay taas ng suweldo. Tulad ng dati, masigasig pa rin. At lalo pa ngayon. Alam niya na walang natatapos kung walang trabaho. Sa kanya kung mas maraming ginagawa, mas maraming natatapos. At alam niya na habang siya’y abala ngayon, mas marami naman siyang pagkakataong mag-libang pagkatapos niyon. Enjoy siya sa trabaho. Ikaw ay hindi. Inip na inip ka sa maghapon. Pagkatapos ay naiinggit ka sa kanya. Galit ka sa kanya. Galit ka rin sa inyong boss pagka’t ‘ika mo’y hindi ka man lang isinaalang-alang ganong kaytagal mo na sa opisina. Bakit ka naunahan ng iyong ke-empleyado?

May ambisyon siya. Ikaw ay wala. Kay sigasig siya. Ikaw ay wala. Naiigsian siya sa oras sa maghapon. Ikaw naman ay nahahabaan. Siya kapag nakatapos ng isang trabaho, magsisimula na naman sa isa. Kung tapos na niyang lahat, magtatanong ng gagawin pa sa kanya sa nakatataas.

Ikaw kapag natapos ang trabaho, tama na. At ang trabaho sa kanila ay pagkukunan lamang ng perang pambili ng ikabubuhay sa araw-araw. Sa kanya ang trabaho ay bukal ng kasiyahan.

At pag nabigo minsan hindi siya nagmumukmok o nagagalit. Bagkus babangon muli, magsisimula na naman ng isang bagong gawain. Wala siyang siyang sinisisi. Hindi naninisi. Ang kabiguan, sa kanya ay isa lamang baitang ng hagdan patungo sa tagumpay.

Iba ka sa kanya gayong wala ka ng ambisyon at pagpupunyagi o sipag sinisisi mo ang lahat matangi ang iyong sarili. Sa palagay mo, nasa iyo na yatang lahat ng kamalasan. Ika mo, Ang isang kabiguan mo ay pinababayan mong magdiin pang lalo sa ‘yo.

Siya, pinahahalagahan niya ang pamana ng kanyang ina, na ganito ang isinasaad:

Kung hindi ka makaraan sa ibaba, pumaibabaw ka, Kung hindi ka makaraan sa kanan, kumaliwa ka. Kung wala ka ng tamang material, kumuha ka. Kung hindi ka makakuha. Humanap ka ng kapalit kung hindi mo mapalitan kumilos ka ng paraan kung hindi mo magawa ng paraan baguhin mo!

Ang taong walang goal ay walang paghahangad na magpursigi. Bakit siya magpupursigi nga naman ay wala naman siyang hangaring makamit sa buhay? Sasabihin natin: talagang ganyan ang buhay, O siguro’y ipinanganak akong mahirap. Ano ang magagawa ko kung ito talaga ang aking kapalaran? Wala akong pinag-aralan eh. Hindi ako nakatapos sa kolehiyo.

Ang taong nasisiyahan sa kanyang buhay, o ginagawa, o kalagayan, ay hanggang doon na lamang. Wala nga makapagtutulak sa kanya upang gumawa ng higit pa sa nararating na niya.

Iba ang mga taong may minimithing kamtin. Hindi sila nasisiyahan sa takbo ng kanilang buhay. At dahil sa hindi sila nasisiyahan ay umiisip sila ng mga paraan upang makamit nila, kahima’t paunti-unti ang kanilang hangarin.

Ang kailangan mo lamang ay MAG-ISIP KA! Gamitin ang iyong imahinasyon at magkaroon ng goal o hangarin nais kamtan

these are my confession

kapag tinanong mo ang isang tao ng "how are you?" at ang sagot nila ay "i am fine. thank you.", sa palagay nyo ba nagsasabi sya ng katotohanan? siguro tumugon lang siya bilang pag-galang o kaya para tigilan mo na siya sa paguusisa. napapansin nyo ba na kahit "i am fine" ang isinagot niya sa'yo, makikita nyo sa kanyang kilos o facial expression na meron siyang itinatago? sabi nga nila "action speaks louder than words." totoo hindi ba?

kapag nakakita ka ng bulalakaw, dapat mag-wish ka daw. tinanong mo na ba sa iyong sarili kung magkakatotoo ba talaga ang iyong minimithi? kung hindi ka mag-wish, ano ang mangyayari?

saan nga ba tayo pupunta kapag namatay? totoo bang meron langit, purgatoryo o impiyerno? alam naman natin na walang perpektong tao. lahat tayo ay nagkakamali. sabi ng pari dapat magsimba tayo tuwing linggo para magpasalamat sa mga biyayang natatanggap natin sa araw-araw. paano ang taong hindi nagsisimba pero nagdadasal naman araw-araw sa bahay o kahit saan sya maglakbay? sa palagay nyo ba sa langit ang punta nya? magkikita-kita kaya ang mga pumanaw na mahal natin sa buhay?

kasabihan nga meron daw kaban ng ginto sa dulo ng bahaghari. minsan nga gusto kong alamin kung meron talagang ginto. hinanap ko yun dulo ng bahaghari kaso sa ilog naman natapos. wala naman akong makitang ginto kungdi puro isdang maliliit. siguro yun mga isda ang ginto sa mensahe na ito. hindi ko naman pwedeng hulihin kasi sobrang liit nila.

yun mga suicide bomber, gusto kaya talaga nilang magpakamatay o napilitan lang sila? ano kaya ang pakiramdam habang sumasabog ang kanilang katawan? lahat kaya ng ginagawa nila iniaalay nila kay allah?

ilan sanggol kaya ang pinanganganak bawat oras? ilan sanggol naman ang may kapansanan? bakit kailangan pang ipanganak ang sanggol tapos mamamatay din naman pala sila? paano mo sasabihin ito sa mga magulang nya? umaasam sila sa paglabas ng kanilang supling pero kinuha agad siya ni kamatayan.

ilan sa atin ang napagbintangan ng kasalanan na hindi natin ginawa? kapag nasa mayamang angkan ang nasasakdal, kaya nilang bayaran ang hukom para mapawalang bisa ang paratang sa kanila. dahil ba kailangan nila pangalagaan ang kanilang karangalan sa mata ng tao? kapag dukha ang nasasakdal at pawang wala siyang kasalanan, bakit pilit pinababagsak sila? paano mo maipaliliwanang na meron tayong katarungan?

ikaw, siya, tayo... ano nga ba ang mga kasagutan nito?