This batch of Bob Ong Quotes I've translated were taken from various sources, majority of which I've already checked to have been culled from the books.
So here goes part 8 of my Bob Ong english translations (all about life in general).
--------------------
“Kung madami kang dapat gawin pero wala kang ginagawa, hindi katamaran ang dahilan nun….may iniisip ka lang.”
If you have a lot to do but you're not doing anything, you're not really lazy...you're just thinking of something.
--------------------
“Pilit kang pinapapangit sa edad na pilit kang nagpapacute.”
You are forced to look ridiculous at an age when you are trying to be cute.
--------------------
“Walang mangyayari sa buhay mo hangga’t hindi ka tumitigil sa paninisi sa naging kapalaran mo.”
Nothing good will happen to your life unless you stop blaming your destiny.
--------------------
“Ito ang pinagkakaabalahan ko, gumagawa ako ng wala.”
This is what I am busy about, doing nothing.
--------------------
“Ipinanganak akong matalino, pinili ko lang maging bobo.”
I was born intelligent, I just chose to be an idiot.
--------------------
“Ang tamang bagay saka tamang panahon, wala na rin saysay kapag wala na yung tamang tao. Ang tao pwede mag adjust, pero ang bagay at panahon hindi.”
The right thing and the right time do not matter anymore if the right person is not there. People can adjust, but things and time cannot.
--------------------
“Nagiging malungkot ang isang tao dahil pinipilit nya’ng maging masaya.”
A person becomes sad because he is forcing himself to be happy.
--------------------
“Kung tutuusin hindi naman masarap ang alak. Yung kainuman mo lang ang nagpapasarap.”
It's not really the booze that's delicious. Its your drinking buddy that makes it delicious.
--------------------
“Hindi mo rin naman kasi kailangang ayunan nang buong-buo ang bawat opinyong nababasa mo. Natuwa ka man o nainis, ang importante eh apektado ka. Tinubuan ka ng pakialam na dati ay wala. At hindi ko yon ihihingi ng tawad. Hindi ako hihingi ng dispensa sa mga nabulabog kong konsesya.”
You don't have to completely agree to every opinion you read. If it amused or annoyed you, the important thing is that you were affected. You already grew a caring bone when before you have none. And I will not be apologetic about it. I will not apologize to whoever's conscience I've upset.
--------------------
“Madaling isipin kung para saan ang pera, ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit ito ang nagiging sukatan ng tagumpay ng isang tao.”
You can easily imagine what money is for, the only thing I can't understand is why this has become the measurement of a person's success.
--------------------
“Tinitingnan ang mga bagay para maunawaan at hindi tinititigan lang at intindihin.”
Things should be looked at to be understood and not merely stared at and thought about.
--------------------
"...madaming teacher sa labas ng eskwelahan. desisyon mo kung kanino ka magpapaturo."
...there are a lot of teachers outside the school. You decide who you want to learn from.
--------------------
"Bababa ba ang bill ko sa Internet pag nag-factor ako ng quadratic trinomial? Malulutas ba ng Laws of Exponent ang problema natin sa basura? Mababawasan ba ng Associative Law for Multiplication ang mga krimen sa bansa? Makakabuti ba sa mag-asawa kung malalaman nila ang sum and difference of two cubes? Maganda ba sa sirkulasyon ng dugo ang parallelogram, polynomial, at cotangent? Makatwiran bang pakisamahan ang mga irrational numbers? Anak ng scientific calculator!"
Will my internet bill go down if I factor quadriatic trinomial? Will the Laws of Exponent solve our garbage problem? Will the Associative Law for Multiplication minimize crime in our country? Will it be good for married couples to know the sum and difference of two cubes? Are parallelogram, polinomial and cotangent be good for our blood circulation? Is it rational to deal with irrational numbers? Son of a scientific calculator!
--------------------
"Nalaman kong hindi final exam ang passing rate ng buhay. Hindi ito multiple choice, identification, true or false, enumeration or fill-in-the- blanks na sinasagutan kundi essay na isinusulat araw-araw. Huhusgahan ito hindi base sa kung tama o mali ang sagot, kundi base sa kung may kabuluhan ang mga isinulat o wala. Allowed ang erasures."
I learned that life is not a passing rate of a final exam. It is not multiple choice, identification, true or false, enumeration or fill in the blanks that are being solved, but an essay that is written everyday. It will be judged not based on whether the answers are right or wrong, but on whether or not what you wrote made sense. Erasures are allowed.
--------------------
"Kung nakikita mo na ang dahilan mo para sumuko...huwag mo na lang tignan."
If you've seen the reason for you to give up...then don't look at it.
No comments:
Post a Comment