Friday, July 30, 2010

ang buhay daw ay isang laro

Sinasabi nga na ang buhay daw ay isang laro isang laro na may, saya, lungkot at punong-puno ng surpresa na tunay ngang pakakaabangan. Kabilang na nga rito ang tinatawag na gulong ng palad na kung minsan ay nasa ibabaw at kung misan ay nasa ilalim. Punong-puno ng hamon at kasiyahan kapiling n gating mga kalaro sa buhay. Walang iba kundi ang ating kapwa, pamilya at mga kaibigan.

Sa aking pananaw ito ay may katotohanan na dapat nating i-”enjoy” at ipag-sapalaran. Naniniwala ako na sa larong ito ay may mga lihim na dapat nating isaliksik at isabuhay. Isa na rito ay kasama sa aking mga prinsipyo na ang lahat ng bagay ay may katapat mabuti amn ito o masama at lahat ng ito ay may “interest” na tinatawag sampu o isangdaang porsyento depende sa ginawa mo. “Consequences” at “rewards” ika nga.

Maaring di mo matatanggap sa ngayon ang iyong “rewards at consequences” e asahan mong ito ay makukuha mo sa takdang panahon. Sa isang laro ay merong tinatawag na dayaan at totoong ang buhay ay madaya. Ngunit sino nga ba ang tunay na mandaraya sa isang laro hindi ba’t ang manlalaro? Ang buhay ay nagiging madaya kung tayo mismo ang gagawa nito.

Sinasabi nga sa Bibliya na “mag-hanap ka at ikaw ay makatagpo”, “kumatok ka at ikaw ay pag-bubuksan”, “humingi ka at ikaw ay pag-bibigyan”. Isa sa mga matatalinhagang nasusulat na kailangan nating ilaro o isabuhay upang mahanap natin ang tunay na kasagutan.

May mga nag-sasabi rin at naniniwalang lahat tayo bago pa man lang ipanganak ay may nakatakda nang papel sa mundo. May katotohanan man ito o wala ay kailangan pa rin natin mapagdaanan ang mga hamon sa buhay upang makarating tayo sa tinatawag na “nakatakda”. Dahilan dito, mas naniwala ako sa kasabihan na “walang permanente dito sa mundo kundi ang pagbabago”.

Upang maintindihan natin ang tinatawag na laro ay kailangan nating ituring sa sarili natin na tayo ang “bida” rito. Kailangang ipadama natin sa ating mga sarili ang pagiging importante natin ditto sa mundo. At dahil dyan nasisiguro ko na hindi ka mawawalan ng uportunidad lalo na kung ito’y iyong hahanapin at iipunin para sa mga susunod na mga araw. Ang pagiging maaliwalas na kaanyuan ay humihila ng mga positibong bagay at ganun din ang sa kawalan ng gana sa buhay ay humihila naman ng negatibo.

“Extreme feeling or Emotion”, Kaya nga ayaw ko ng mga “sumpa” dahil napakalaki ng posibilidad na ito’y magkatotoo. Sobrang lungkot, sobrang saya, sobrang galit at kung ano-ano pang mga sobra pagdating sa emosyon. Ito ang mga pagkakataon na dapat nating sambitin ang mga kahilingan.

“Generation repeats generation”, ano nga bang kahulugan nito? Di nyo ba napapansin kung gaano ka bagsik ang pagkakataon? Nagyari sa nanay mo nagyayari sayo osa apo mo. Kasalanan ng tatay mo ikaw ang nagbabayad sa parehong Gawain. Syempre hindi ito kasalanan ng pagkakataon. Sabi nga lahat nang nangyayari sa buhay mo ay “choice” mo. Araw-araw ay maraming bagay ang nangyayari sa atin na di dapat natin palampasin na matutunan, maaring sa sarili mo o sa iba. Kailangan nating matutunan ang dahilan at epekto ng bawat pangyayari ng sa ganun ay mapaghandaan natin ang mga bagay na maaring mangyari satin na kapareho din nito.

Maraming nagtatanong, Bakit may mayayaman? Bakait may mahihirap? Bakit may masasama? Bakit may api? Etc… Ang masasabi ko dyan ay ito ang nagpapabalanse sa mundo. Hindi pwedeng lahat mabait, lahat masama, lahat mayaman, lahat mahirap at etc… Depende nalang sa inyo kung anong gusto nyo maging papel depende sa choice nyo.

“Contentment?” Walang buhay na salitang “contentment”, “Fulfillment” meron. Ang buhay ay walang katapusang kaligayahan, walang katapusang pag-aaral at walang katapusang kahilingan habang nabubuhay.

Hay buhay…

Sa kabuuan, Lahat ng bagay na nangyayari satin ay nakadepende sa mga choices natin na pinagtatagpi-tagpi lamang ng pagkakataon upang ito ay mangyari. Lahat ng bagay na gingawa natin sa mundo ay may katatapat. Maari tayong maging bida, o kontra-bida. Maari din tayong maging kasangkapan o maaari din tayong maging dahilan ng mga bagay na nangyayari sa iba.

Sa aking prinsipyo na gusto kong i-share sa inyo, ang pinakaimportate at pinakamakapangyarihan sa lahat ay salitang “dasal” kasama ng pananalig at nakapaloob dito ang pasasalamat, pagpuri, paghingi at higit sa lahat ang paghingi ng tawad. Isabuhay natin ang tatlong pinakaimportante sa lahat: ang pagmamahal sa kapwa, sa sarili at higit sa lahat sa Diyos.

No comments:

Post a Comment