Friday, July 30, 2010

” Sa darating pong eleksyon huwag nyo pong kalilimutang iboto…………!”

” Sa darating pong eleksyon huwag nyo pong kalilimutang iboto…………!”

” Nangangako po akong………..!”

” Ang inyo pong lingkod ay………!”

” Vote straight……….!

Yan po ang mga katagang malapit na nating marinig sa darating na eleksyon at marami po sa ating mga Filipino ang siguradong magpapalitan ng ating mga koro-koro hinggil dito, ang iba may negatibong reaksyon at ang iba naman ay positibo ngunit mas marami pa ring nag-hahangad ng salitang PAG-BABAGO. Sa mga taong nag-hahangad ng salitang pag-babago ay masasabi kong kulang ang kahit na milyong-milyong salita lamang kung wala ang salitang kooperasyon. Bilang mga Filipino kailangan ang bawat isa sa ating mga Botante ang patisipasyon sa pamamagitan ng PAG-BOTO. Dito ay maipapakita natin na tayo ay hindi manhid at lalong hindi inutil sapagkat naipapahayag natin ang tinatawag na Demokrasya sa pamamagitan ng malayang pag-boto.

Ngayon, ano nga ba ang nararapat na ikonekta natin sa salitang PAG-BOTO? Karapatan o Obligasyon? Karamihan sa ating mga Filipino ay puro sariling kapakanan lang ang iniisip, lagi nating ipinagsasandalang tayo ay kesyo mahirap lamang, hindi nakatapos, wala tayong pakialam dahil hindi naman tayo pulitiko, gusto natin walang gulo, etc.. na kung saan ay masasabi kong mali! Sapagkat bawat isa sa atin hanggat tayo at ang ating mga pamilya ay nakikinabang at nakaapak sa lupa ng ating bansa ay may kinalaman sa bawat pag-ikot at pag-babago nito. Kung kayat tayo ang responsable sa ano mang pag-babago nito sa pag-unlad man o sa pag-lubog. Hindi po reklamo ang kailangang maging kuntribusyon natin sa ating mga kina-uukulan bagkos kooperasyon. at isa po ang kooperasyon sa PAG-BOTO! Opo ang PAG-BOTO ay isang obligasyon ng bawat isa sa atin.

Naalala ko nung mga panahon na nag-aaral ako sa isang unibersidad, may isang guro na nagtanong sa akin hinggil sa sagot ko na may kinalaman sa pulitika. Tinanaong nya ako, “Ano bang mapapala namin kung boboto kami tulad ng sinasabi mo, basta ako neutral.?” Sa harap ng mga kaklase ko nasagot ko ang titser ko na ” Sir, kung lahat ng tao ay mag-iisip katulad ng iniisip mo e talagang walang mangyayari sa hinahangad nating pagbabago.”

Tandaan po natin na ang pagbabago ay laging nag-uumpisa sa sarili. Kung alang-alang sa kapakanan ng nakararami at ng kinabukasan ng buong bayan bakit pa kailangan mag-dalawang isip? Kung maari po iwasan po natin ang madalas na pag sabi na tayo ay ‘neutral’ sapagkat ito po ay kasagutan ng mga taong umiiwas sa pagkakamali na kung saan nag-papakita ng kaduwagan “playing safe” po kumbaga. Ang pag-kakamali po ay normal sapagkat dito po tayo natututo upang maging tama ang ating susunod na desisyon. Ngunit masasabi ko rin na ang paulit-ulit na pagkakamali ‘kuno’ ay hindi normal bagkus ito ay kawalan ng concern sa kapwa o tamang pag-iisip. Isipin po natin na sa ating mga BOTO nakasalalay ang kapakanan natin, ng ating mga pamilya at ng mga susunod pang henerasyon. Huwag po nating sayangin at abusuhin ang karapatang ibinigay satin ng Diyos na magkaroon ng awtonomiya o pag-kakaroon ng sariling Gobyerno, matuto po tayong mamahala, makikoopera at simulan sa ating mga sarili ang tinatawag natin o ninanais na salitang “PAG-BABAGO”!

Noong nakaraang eleksyon ay masasabi ko pong nakita ko at napansin ang Kooperasyon nating mga Filipino. Maraming nag-boto ultimong yung isang taong di magamit ang kamay at paa ay nagawang mag-boto sa pamamagitan ng bibig, at ang mga naka-wheelchair ay naka-pagboto rin. Ito po ay nag-papakita lamang na karamihan sa atin ay tumutupad sa ating responsibilidad bilang responsableng mamamayan.

Sa kabuuan, ang PAG-BOTO ay Obligasyon at Karapatan na dapat nating isa-isip, isa-puso at isa-buhay bilang partisipasyon sa ating pamayanan. Ang pag-boto ay masasabi kong pag-sunod sa desisyon ng Diyos na tayo ay nararapat lamang na magkaroon ng tinatawag na GOBYERNO.

Mga kababayan, mga kapwa ko botante, lumabas po tayong lahat sa araw ng botohan at matalinong pumili ng kandidato na sa tingin natin ay karapat-dapat sa pwesto. Sa mga bumoboto, sa mga nakilahok sa eleksyon, at sa mga taong nakikisimpatsya sa halalan, Proud po ako sa inyo! Sa mga deserving at walang halong pandaraya na mahahalal Goodluck and God Bless! Asahan nyo po ang aking Kooperasyon!

Welcome “AUTOMATED ELECTION”!

para sa mga tomador at may galas

Kayo ba ay nag-aamok kapag nalalasing? Maraming nararamdamang paghihiganti, problema o kaya naman ay gustong ipaalam sa lahat na kayo ay matapang o di kaya’y “siga”. Pwes ikaw nga ang tinutukoy ko na may “galas”- isang salita na nag-uugnay sa mga taong aking tinukoy.

Maging sa pag-iinom ng alak ay kailangan ding maging responsible ang bawat isa. Habang nasa tamang katinuan pa ang inyong pag-iisip ay kailangang ihanda nyo na ang inyong mga sarili sa maaring pagkawala ng inyong tamang pagkilos, tamang pag-iisip at tamang pananalita. Bagaman ito ay normal sa pag-iinom ng alak ay kailangan din nating masubaybayan din natin ang ating mga sarili.

Kung inyong maalala sa mga balita sa radio, TV o di kaya’y sa mga pahayagan, ang karaniwang rason ng mga krimen o di kaya’y disgrasya na nagreresulta ng pagkawala ng buhay o kaya’y pagkasira ng sarili o sa iba ay ang pag-inom ng alak. Naalala ko ang mga katagang “Lasing ako ng mangyari ang krimen”. Ano man ang sabihin nyo sa mga ganitong klase ng mga bagay ay hindi pa rin tinatanggap ng lipunan ang ganitong klase ng kasagutan. Maging sa batas o sa hukuman ay hindi pinapayagan ang ganyang klaseng rason maging sibil man yan o krimen. Isang napakalaking pagkakamali ang minsan aking naulinigan na pagkawala ng kanilang mga ari-arian dahil sa isang kasulatan na kanyang pinirmahan ng sya ay lasing. Tsk…tsk…tsk

Masakit man tanggapin ang katotohanan na may ganito kalaking epekto ang pag-inom ay kailangan nating tanggapin. Subalit, hindi naman lahat pangit ang resulta ng pag-inom ng alak. Meron din namang: Nagpapaganda ng samahan ng pagkakaibigan at pag-iibigan, ito rin ay ginagamit upang maging uportinidad sa trabaho, relasyon at sa pamilya. Dito rin kadalasan ang pagbibigay at pagpapalitan ng mga payo. Yan ay kung RESPONSIBLE KANG MANGINGINOM.

Sa kabuuan, may maganda at may di-magandang epekto ang alak sa ating katauhan. Isang uri ng pakikipag-kapwa upang magkakilanlan o magpalipas ng oras o di kaya nama’y upang mapag-usapan ang mga bagay-bagay. Umu-ugnay din ito sa isang selebrasyon o di kaya’y pagbubunyi ng isang matagumpay na bagay o pangyayari.

Para sa aking rekomendasyon. Maging responsible tayong manginginom, Kalimutan ang mga masasalimoot na pangyayari, paghihigante at ang pag-iisip na manakit. Alalahanin natin ang ating mga mahal sa buhay sa mga pagkakataong may hindi tayo magandang mga desisyon laban sa ating sarili o sa kapwa. Huwag nating pilitin ang ating mga sarili kung talagang di natin kayang uminom at yan naman ang tinatawag na “May Ayawan” o di kaya naman matuto rin tayong magsalita ng “Pass” kung talagang ayaw natin o wala tayo sa kundisyong uminom. Matuto rin tayong rumespeto sa mga taong ayaw uminom o di umiinom.

Prinsipyo ng mga henyo

Nabasa ko lang ito and I think it's worth sharing..............

Narito ang ilan sa mga prinsipyo ng mga henyo sa na nakakamit ng kanilang tagumpay:


(1) Ang buhay ay hindi patas; masanay kang hara�pin ito.


(2) Walang pakialam ang mundo kung maganda ang tingin mo sa sarili mo o hindi; umaasa itong magtrabaho ka muna ng mabuti bago maging maganda ang tingin mo sa sarili mo.


(3) Hindi ka magtatagumpay at magkaroon ng ma�laking suweldo kaagad pagkatapos mong makapag-aral; kailangan kang magpakasipag at pagsikapang tumaas ang kita mo.


(4) Ang akala mo ay mabagsik ang titser mo? Huwag mong pansinin ito, pagkat sa trabaho, maaaring magkaroon ka pa ng mas mabagsik na amo.
(5) Ang mababang trabaho ay hindi mo dapat ikahiya; tanggapin mo ito na pagpapala na nagbibigay ng pagkakataon sa iyo para umunlad.


(6) Kung ikaw ay nagkamali at nakagawa ng kapalpakan, hindi ito kasalanan ng iyong mga magulang. Wala kang dapat sisihin kundi ang sarili mo. Angkinin mo ang responsibilidad, matuto ka sa iyong pagkakamali, at patuloy na magsikap.


(7) Maaaring walang kakayahan ang mga magulang mo, pero pinalaki ka nila, sila ang nag-alaga sa iyo, nagpakain sa iyo. Kaya bago mo pag-ukulan ng panahon ang iba, mahalin at alagaan mo sila.


(Cool May mga taong hindi tumitingin kung panalo ka o talunan, pero ang buhay sa mundo ay laging pinupuri ang panalo, kaya�t magsikap para hindi ka maging talunan.


(9) Ang buhay ay hindi nahahati sa dalawang pana�hon, hindi ito nagbabakasyon. Ang amo mo ay hindi interesado kung namamahinga ka, kaya�t mamahinga ka ng tama sa oras.


(10) Hindi tulad ng mga taong napapanood sa tele�bisyon, ang mga totoong tao ay hindi pakape-kape lamang, nagtatrabaho sila para mabuhay.


(11) Maging mabait ka sa mga kaibigang kakaiba; malaki ang pagkakataong magiging amo mo ang isa sa kanila.


Ang sabi ng Biblia,
�Ang katamaran ay nagsasanhi ng kahirapan, ngunit ang kasipagan ay nagdadala ng katagumpayan.� (Kawikaan 10:4).
�Ang tamad na nangangarap ay dadanas ng kabiguan, ngunit ang masipag na nangangarap ay tatamasa ng kaunlaran� (Kawikaan 13:4).

_________________
"I asked God, 'How do I get the best out of life?'
God said, 'Face your past without regrets. Handle your present with
confidence. And prepare for the future without fear!'"

ang buhay daw ay isang laro

Sinasabi nga na ang buhay daw ay isang laro isang laro na may, saya, lungkot at punong-puno ng surpresa na tunay ngang pakakaabangan. Kabilang na nga rito ang tinatawag na gulong ng palad na kung minsan ay nasa ibabaw at kung misan ay nasa ilalim. Punong-puno ng hamon at kasiyahan kapiling n gating mga kalaro sa buhay. Walang iba kundi ang ating kapwa, pamilya at mga kaibigan.

Sa aking pananaw ito ay may katotohanan na dapat nating i-”enjoy” at ipag-sapalaran. Naniniwala ako na sa larong ito ay may mga lihim na dapat nating isaliksik at isabuhay. Isa na rito ay kasama sa aking mga prinsipyo na ang lahat ng bagay ay may katapat mabuti amn ito o masama at lahat ng ito ay may “interest” na tinatawag sampu o isangdaang porsyento depende sa ginawa mo. “Consequences” at “rewards” ika nga.

Maaring di mo matatanggap sa ngayon ang iyong “rewards at consequences” e asahan mong ito ay makukuha mo sa takdang panahon. Sa isang laro ay merong tinatawag na dayaan at totoong ang buhay ay madaya. Ngunit sino nga ba ang tunay na mandaraya sa isang laro hindi ba’t ang manlalaro? Ang buhay ay nagiging madaya kung tayo mismo ang gagawa nito.

Sinasabi nga sa Bibliya na “mag-hanap ka at ikaw ay makatagpo”, “kumatok ka at ikaw ay pag-bubuksan”, “humingi ka at ikaw ay pag-bibigyan”. Isa sa mga matatalinhagang nasusulat na kailangan nating ilaro o isabuhay upang mahanap natin ang tunay na kasagutan.

May mga nag-sasabi rin at naniniwalang lahat tayo bago pa man lang ipanganak ay may nakatakda nang papel sa mundo. May katotohanan man ito o wala ay kailangan pa rin natin mapagdaanan ang mga hamon sa buhay upang makarating tayo sa tinatawag na “nakatakda”. Dahilan dito, mas naniwala ako sa kasabihan na “walang permanente dito sa mundo kundi ang pagbabago”.

Upang maintindihan natin ang tinatawag na laro ay kailangan nating ituring sa sarili natin na tayo ang “bida” rito. Kailangang ipadama natin sa ating mga sarili ang pagiging importante natin ditto sa mundo. At dahil dyan nasisiguro ko na hindi ka mawawalan ng uportunidad lalo na kung ito’y iyong hahanapin at iipunin para sa mga susunod na mga araw. Ang pagiging maaliwalas na kaanyuan ay humihila ng mga positibong bagay at ganun din ang sa kawalan ng gana sa buhay ay humihila naman ng negatibo.

“Extreme feeling or Emotion”, Kaya nga ayaw ko ng mga “sumpa” dahil napakalaki ng posibilidad na ito’y magkatotoo. Sobrang lungkot, sobrang saya, sobrang galit at kung ano-ano pang mga sobra pagdating sa emosyon. Ito ang mga pagkakataon na dapat nating sambitin ang mga kahilingan.

“Generation repeats generation”, ano nga bang kahulugan nito? Di nyo ba napapansin kung gaano ka bagsik ang pagkakataon? Nagyari sa nanay mo nagyayari sayo osa apo mo. Kasalanan ng tatay mo ikaw ang nagbabayad sa parehong Gawain. Syempre hindi ito kasalanan ng pagkakataon. Sabi nga lahat nang nangyayari sa buhay mo ay “choice” mo. Araw-araw ay maraming bagay ang nangyayari sa atin na di dapat natin palampasin na matutunan, maaring sa sarili mo o sa iba. Kailangan nating matutunan ang dahilan at epekto ng bawat pangyayari ng sa ganun ay mapaghandaan natin ang mga bagay na maaring mangyari satin na kapareho din nito.

Maraming nagtatanong, Bakit may mayayaman? Bakait may mahihirap? Bakit may masasama? Bakit may api? Etc… Ang masasabi ko dyan ay ito ang nagpapabalanse sa mundo. Hindi pwedeng lahat mabait, lahat masama, lahat mayaman, lahat mahirap at etc… Depende nalang sa inyo kung anong gusto nyo maging papel depende sa choice nyo.

“Contentment?” Walang buhay na salitang “contentment”, “Fulfillment” meron. Ang buhay ay walang katapusang kaligayahan, walang katapusang pag-aaral at walang katapusang kahilingan habang nabubuhay.

Hay buhay…

Sa kabuuan, Lahat ng bagay na nangyayari satin ay nakadepende sa mga choices natin na pinagtatagpi-tagpi lamang ng pagkakataon upang ito ay mangyari. Lahat ng bagay na gingawa natin sa mundo ay may katatapat. Maari tayong maging bida, o kontra-bida. Maari din tayong maging kasangkapan o maaari din tayong maging dahilan ng mga bagay na nangyayari sa iba.

Sa aking prinsipyo na gusto kong i-share sa inyo, ang pinakaimportate at pinakamakapangyarihan sa lahat ay salitang “dasal” kasama ng pananalig at nakapaloob dito ang pasasalamat, pagpuri, paghingi at higit sa lahat ang paghingi ng tawad. Isabuhay natin ang tatlong pinakaimportante sa lahat: ang pagmamahal sa kapwa, sa sarili at higit sa lahat sa Diyos.

Saturday, July 24, 2010

Let me try my best. :D

* Alternation is a bit tough. I can't think of a direct translation.. Let me try to think of it first. :D

This here is supposed to be an alternation to all my former [and further] love confessions.

Ito dapat ang magsisilbing kahalili ng lahat ng aking nakalipas at magiging pagtatapat ng pag-ibig.

*kahalili means alternate/substitute. Unfortunately, that's the best I can come up with.

I don’t understand a single word of what’s written there, but, you do. And that’s the important thing. As someone’s translating this for me, I don’t wanna talk too much

= Wala akong naiintindihan isa man sa mga salitang nakasulat dito ngunit alam kong naiintindihan mo ito at iyon ang mahalaga. Dahil may nagta-translate lang nito para sa akin, ayaw kong magsalita ng masyado.

Just this: I consider myself to be the luckiest person on earth.. cuz I got u!
Words can’t describe how much u mean to me.. how much I love u and how much I need u.

= Ito lang ang masasabi ko: Para sa akin ako na ang pinakamaswerteng tao sa mundo dahil nandyan ka.

Walang salita ang makakapaglarawan kung gaano ka kahalaga sa akin at kung gaano kita kailangan.

*makakapaglarawan came from ilarawan means to describe but it's hardly used in conversational Tagalog since it's usually considered an old-fashioned word so you can just use 'makakapag-describe' if you want

Baby... I promise, I’ll never let u down.
= Baby, ipinapangako/pangako ko sa iyo, hindi kita bibiguin.

I miss u badly and the only thing that keeps me up is the thought of us meeting soon..

Formal:
Labis na akong nangungulila sa iyo at ang tanging bagay na nagbibigay ng lakas sa akin ay ang kaalaman na malapit na tayong magkitang muli.

Casual:
Sobrang nami-miss na kita at ang tanging bagay na nagbibigay ng lakas sa akin ay ang kaalaman na malapit na tayong magkitang muli.

* Nagbibigay ng lakas literally means something that gives strength but it's the closest thing that I can relate to 'keeps me up' since there is no direct translation for the phrase.

Wanna use this opportunity and say, thank you! For everything..
= Gusto kong samantalahin ang pagkakataong ito para sabihing salamat para sa lahat.

* That's it. That's a sweet gesture on your part so good luck on your confession! ^_^

Friday, July 16, 2010

10 suicide tips

1. Bago ang lahat, alamin muna ang tamang dahilan sa pagsu-suicide. Kung ang problema mo ay dahil lang naman sa wala kang pera o iniwan ka ng minamahal mo, hindi ka dapat magpatiwakal. Ang mundo ay tambak ng mga tao na pwede mong mahalin, at ang pera naman ay pwedeng kitain, kaya hindi ka dapat mawalan ng pag-asa. Ang pagkitil sa sariling buhay ay karapatan lamang ng mga taong gumagamit ng cellphone at nakikipagkwentuhan sa loob ng sinehan.

2. Kung desidido ka na gagawin mo at sa tingin mo ay meron kang tamang dahilan para gawin ito, ang susunod mong hakbang ay ang pagpili ng paraan ng pagkakamatay. Ang mga popular na paraan ay ang pagbibigti, pag inom ng lason, pagtalon sa riles ng tren, pagbaril sa ulo (o sa puso, kung wala ka nang ulo pero buhay ka pa rin), at paglaslas ng pulso. Ang mga jologs na paraan ay ang pagtalon sa mataas na gusali, pagpapasagasa sa EDSA, at pagpigil ng hininga. Tandaan na maaari ka pang mabuhay pag nagkamali ka sa pagsasagawa ng mga nabanggit, kaya pumili lamang ng isa na hiyang sa ‘yo. Bukod diyan, marami rin sa mga paraan na ito ang makalat at nakakapangit. Dyahe naman kung pagtitinginan ng mga tao yung mukha mo sa ataul tapos mukha kang dehydrated na langaw.

3. Sumulat ng suicide note. Eto ang exciting. Dito pwede mong sisihin lahat ng tao, at wala silang magagawa. Sabihin mo na hindi mo gustong tapusin ang iyong buhay, kaso lang bad trip sila lahat. Pero ‘wag ding kalimutan humingi ng tawad sa bandang huli para mas cool pag ginawang pelikula ni Carlo J. Caparas ang buhay mo. At tandaan, importante ang suicide note para malaman ng mga tao na nagpakamatay ka nga at hindi na-murder. Sa ganitong paraan maiiwasan ng PNP ang pagkuha sa kalye ng kahit sinong tambay bilang suspect.

4. Pumili ng theme song. Banggitin ang iyong special request sa suicide note. Ipagbilin na patugtugin ito sa prusisyon ng iyong libing. Iwasan ang mga kanta ng Salbakutah. Dapat medyo mellow at meaningful…tulad ng mga kanta ng Sexbomb.

5. Isulat nang maayos ang suicide note. Gumamit ng scented stationery at #1 Mongol Pencil. Lagdaan. Huwag gumamit ng sticker. Ilagay ang suicide note sa lugar na madaling makita. Idikit sa noo.

6. Planuhin ang isusuot. Isang beses ka lang mamamatay, kaya dapat memorable ang get-up. Pumili ng mga telang hindi umuurong o makati sa katawan. Magbaon ng dalawang pares pampalit pag pinagpawisan ka.

7. Kumuha ng de-kalidad na ataul. Maganda ang kulay puti dahil malamig at kumportable kahit tag-init. Huwag magtipid. Mas makakamura kung bibili na ng cable-ready, kesa magpapalit pa balang araw.

8. Pumili ng magandang pwesto sa sementeryo. Ang punto ng mga taong ipinanganak sa year of the Rat, Dragon,Rabbit, Snake, Tiger, Chicken, Pork, at Beef ay dapat nakaharap sa Fiesta Carnival. Ang mga ipinanganak sa ibang taon ay dapat i-cremate at gawing foot powder, para gumaan ang pasok ng pera.

9. Itaon ang araw ng libing sa unang dalawang linggo ng buwan, o di kaya’y sa huling dalawang linggo, para gumaan ang pasok ng pera.

10. Kung meron ka nang NBI at police clearance, affidavit of loss, voter’s ID, cedula, promissory note, original copy ng birth certificate, at urine sample, pwede mo nang isagawa ang kalugod-lugod na gawain. Siguraduhin lang na hindi ka mababalita sa tabloid, katabi ng mga article tungkol sa kabayong may tatlong ulo, at sirenang namataan sa Manila Bay. Para gumaan ang pasok ng pera.