just unique ..
A Hyper-Emotion Theory of Psychological Illness is presented. It postulates that these illnesses have an onset on which a cognitive evaluation initiates a sequence of unconscious transitions yielding a basic emotion. This emotion is appropriate for the situation but inappropriate in its intensity. Whenever it recurs, it leads individuals to focus on the precipitating situation and to characteristics patterns of inference that can bolster the illness. Individuals with a propensity to psychological illness accordingly reason better than more robust individuals, but only on topics relevant to their illness. The theory is assessed in the light of previous research, a small epidemiological study of patients. Ang teorya ay may dalawang pangunahing silbi sa buhay ng tao, para sa akin ang isang bagay ay kinakailangan magkaroon ng silbi kundi wala itong kwenta. Ang silbi ng teorya sa buhay ng tao, meron itong kakayahang makapagpaliwanag at pangalawa, may kapasidad itong makapagdetermina nang mga pangyayari na hindi pa nagaganap. Ang hyper-emotion theory ay isa sa maraming teorya na nagtatangkang magkaroon ng silbi sa buhay ng tao. Ang tanong, mayroon nga ba itong saysay o wala? Sa tingin ko, mayroon itong silbi para Makita at mapansin ang mga sintomas ng mga sakit pero wala itong sagot sa totoong problema. Wala itong kapasidad na magpagaling sa sakit, bagamat meron itong kakayahang makapagpaliwanag at kapasidad na makapagdetermina ng mangyayari pa lamang. Isa-isahin natin ang mga assumption; may pagpapalagay na may sakit. Kung may sakit, may pinagmulan at mayroon itong kaakibat na mga sintomas at mga kaakbay na mga epekto, sa indibidwal na mayroong sakit at sa kanyang kapwa, maging sa lipunang kanyang ginagalawan. Makitid ang kategorisasyon sa mga normal at walang sakit. Pero napakalawak ng saklaw ng paggiging abnormal at pagkakaroon ng sakit. Ang kasunod na pagpapalagay, may mga sintomas na hindi agad na nakikita at hindi litaw, nasa lugar ito ng mga kognitibong proseso at mga transisyong hindi konsyuys. Ibig sabihin, mayroon itong katambal na mga pagkilos at konsyuys o mas malay na mga sintomas. At nagkakaroon ng akmang pagtatambal ang emosyon sa sitwasyon. Ang mga indibidwal ay nagkakaroon ng iba-ibang mga emosyon depende sa kung ano ang sitwasyon kung saan nakasalang ang indibdiwal. Dito nagkakaroon ng hindi pagtutugma, at ito ang sakit at problema.
No comments:
Post a Comment