#1 : Mainit, Kontrobersyal!
Mainit na mainit ang issue sa kamoralan , wastong paggamit ng makabagong kagamitan at teknolohiya, isyung pangkababaihan at relasyon – sa kasamaang palad : salamat sa mga video scandal na nakabuyangyang at pinagpye pyestahan ngayon sa youtube, at sa mga kopya ng piratang dvd na hot items ngayon.
nakakatawa lang na kungdi pa me masangkot na “matabang isda” sa isyu na ‘to, hindi rin naman ito magiging ganun ka-sensational.
Wala lang. siguro impression ko lang na ginagamit lang ‘to ng mga pulitiko para nga naman masabi na me involvement sila para sa darating na eleksyon. Kasalanan ko, kasi mahirap akong mabola eh! Sorry naman!
Hindi sa sinasabi kong masama ang ginawang pagtugon ng mga pulitikong ito sa ginawang pambababoy at pananalaula ng krung krung na Dr. wack-KHO na ‘to di lang sa mga naging karelasyon nya (maging sa mga kababaihang pinay na rin) ang nakakainis lang…
Marami nang naging kasong ganito involve ang mga kababaihan na hindi naman sikat o “matabang isda”, eh hindi naman ganun ang naging pagtugon ng mga ito nang pumutok ang mga video na naglalaman ng maseselang tema , nakakasira sa kanilang pagkatao , at lumalabag sa kanilang privacy.
Ang mga naging biktima maging sikat man sa pangalan o hindi, deserves the utmost response, support, their justice too. Ang siste, pareho rin naman ang mga karapatan na nalabag sa kanila.
At me 8 cyber bills ang minamadaling ipatupad ngayon.. sana naman kahit pano makatulong ito para maibsan ang lumalalang pagkabulok ng moral ng lipunan, na ang masaklap , gamit pa ang makabagong kagamitan at teknolohiya.
At sa mga kababaihan naman, maging leksyon na sana ito. Kilalanin maigi ang pinagkakatiwalaan nyo maging ito man ay kaibigan o karelasyon.
#2 : Time Management
Mahirap talaga ang time management. Ito na yata ang isa sa pinakamahirap na skills na matututunan ng isang tao — ang mahalin at pahalagahan ang bawat oras na dumadaan. Sapagkat pag itoy nakaalpas na, di na babalik pa.
Salamat sa napakaraming article, libro, tv series (mostly tagalized or foreign) at araw araw na karanasan. Marami sa mga ito napaghugutan ko ng tamang inspirasyon kung pano gamitin ng wasto ang oras.
Ok lang ang multi-tasking. Pero wag sosobra. Ito ay lumalabas na diskarte kung pano ka makikipagbakbakan sa napakabilis na takbo ng oras – Ilan ang nagawa at na-accomplish mo sa dami ng oras na tumakbo at ginugol mo?
Siguraduhin lang na kahit nagmu multitasking ka, hindi mawawala ang sapat na pagkain, tulog, pahinga, libangan, oras para sa pamilya, kaibigan, komunidad, at Dyos.
Bakit ? Una, ito ang mga rason kung bakit may purpose kang mabuhay ng makahulugan at kung bakit ka nakikipagbakbakan sa oras at panahon. Pangalawa,
Kailangan mo ng malusog na pangagatawan at isip para magampanan mo ang dapat mong gampanan, in most efficient way. Para maganda rin ang resulta ng pinagpaguran mo.
In general, ito ang nakikita kong area na laging pinaggugugulan ng oras ng isang ordinaryong tao :
0. SARILI
1. TRABAHO
2. PAMILYA
3. KAIBIGAN, KOMUNIDAD
4. LIBANGAN AT MAKABULUHANG BAGAY
5. FAITH IN GOD
bahala ka na kung pano mo diskartehan yan. at kung sino dyan ang priority mo.
Ang sumusunod ay lyrics ng isang kanta ng foreign band na Five For Fighting, (the same band behind the hit song Superman) na tumatalakay kung pano ginugugol ng isang ordinaryong tao ang isang daang taon ng kanyang buhay :